20/08/2026
Pakikilahok ng mga Estudyante sa Lecture sa St. Buenaventure Academy
Republic Act No. 10627, o “Anti-Bullying Act of 2013.”at Anti-Illegal Drugs Awareness Lecture ang isinagawa nila PSSg Puschia B Borras,Asst PCAD PNCO at PCpl Kristal T Carpio, Asst WCPD PNCO para sa mga estudyante ng St. Buenaventure Academy sa Brgy Butag Bulan,Sorsogon, bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan ng PNP sa kabataan.
Sa isinagawang talakayan, binigyang-diin ang masamang epekto ng bullying at paggamit ng ilegal na droga, gayundin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng respeto sa kapwa, paggawa ng tamang desisyon, at pagiging responsable sa anumang sitwasyon.
Naging masigla at interaktibo ang lecture dahil aktibong nakilahok ang mga estudyante sa question-and-answer portion. Bilang simpleng pagkilala sa kanilang pakikiisa at tamang pagsagot.
Sa kabataan nagsisimula ang pagbabago.
Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, wastong paggabay, at sama-samang pagkilos, makakamit natin ang isang paaralan at pamayanang ligtas sa bullying at ilegal na droga.