09/08/2026
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐ก | ๐๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐๐๐ถ๐๐ฎ๐น ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐๐๐ต๐น๐ฒ๐๐ถ๐ฐ๐ ๐ข๐ฝ๐ฒ๐ป: ๐๐น๐๐ถ๐ป ๐๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ผ ๐๐ฎ ๐ฐ๐ฌ๐ฌ-๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ง๐ฎ๐ธ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ป
Sa makulay na pista ng ๐๐๐๐๐ฒ๐๐ฐ๐๐ง ๐
๐๐ฌ๐ญ๐ข๐ฏ๐๐ฅ ๐๐๐๐, hindi lamang mga sayaw, kultura, at tradisyon ang tampok kundi maging ang init ng kompetisyon sa larangan ng palakasan. Kabilang sa mga naging sentro ng aksiyon ang 400-metro final ng Athletics Open, kung saan nagtagisan ng bilis at tibay ang 32 atleta mula sa ibaโt ibang panig ng bansa at maging sa ibang bansa.
Sa opisyal na tala ng kompetisyon, pinangunahan ni Frederick Ramirez ng KG Mercuries ang karera matapos magtala ng 47.492 segundo. Sinundan siya ni Kailen Perry ng Pinoy Athletics na nagtala ng 47.497 segundo. Pangatlo si Gervickson Labora ng Team Espaรฑa na may 49.428 segundo, habang nasa ikaapat na puwesto si John Celestino Romero, na nagtala ng 50.214 segundo.
Sa ikalimang puwesto naman nagtapos si ๐๐ฅ๐ฏ๐ข๐ง ๐๐๐ ๐จ๐ญ๐ ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐จ ng Pinoy Athletics matapos itala ang kanyang personal best na 50.989 segundoโisang markang bunga ng tiyaga, disiplina, at patuloy na pagsusumikap sa kabila ng mga hamon sa kanyang paghahanda.
Bago pa man sumalang sa kompetisyon, kinailangan munang harapin ni Alvin ang isa sa pinakamalaking hamon ng isang atleta: ang kakulangan sa kagamitan at suportang pinansiyal. Gayunman, hindi niya hinayaang maging dahilan ang mga ito upang umatras. Sa halip, pinairal niya ang disiplina at tiyaga upang maihanda ang sarili sa araw ng laban.
Sa Davao City, tila hindi lamang mga kalaban ang kailangang lampasan. Ramdam din ang tindi ng init sa paligid habang unti-unting sumisikip ang tensiyon bago ang karera. Sa gitna ng ingay ng mga manonood at kaba na dala ng kompetisyon, nanatiling nakatuon si Alvin sa kanyang layuninโibigay ang pinakamahusay na takbong kaya niyang gawin.
Hindi niya ikinubli ang hirap ng pagpasok sa walong finalist. Kabilang sa mga katunggali niya ang mga atletang may karanasan sa UAAP, mga mahuhusay na mananakbo mula sa Visayas, at mga dayuhang atleta na may karanasan sa mga pandaigdigang kompetisyon.
Gayunman, sa halip na tingnan ang laban bilang simpleng karera para sa isang puwesto, itinuring ito ni Alvin bilang pagkakataong matuto. Ang husay ng kanyang mga nakalaban ay nagsilbing inspirasyon upang higit pa niyang pagbutihin ang kanyang kakayahan at paghahanda sa mga susunod na kompetisyon.
Hindi rin nagtapos sa 400-metro ang kanyang paglahok sa Athletics Open. Sa 4x100-metro relay, nakapag-uwi rin si Alvin ng bronze medal, dagdag na patunay sa kanyang bilis, tibay, at kakayahang makipagtunggali bilang bahagi ng isang koponan.
Para kay Alvin, ang pag-unlad sa athletics ay hindi lamang nakasalalay sa talento. Higit na mahalaga ang tuloy-tuloy na pagsasanay, disiplina, at pagiging bukas sa mga payo ng mga taong gumagabay sa isang atleta.
โPagsipagan lang ninyong mag-ensayo, maging disiplinado, at makinig sa mga payo. Ang tagumpay ay makakamit kapag nararapat na.โ
Sa Kadayawan Festival 2026 Athletics Open, maaaring hindi man siya ang unang tumawid sa finish line, ngunit dala ni Alvin Agpalo ang isang tagumpay na higit pa sa isang ranggo.
Sa bawat hakbang at bawat segundong ginugol niya sa track, ipinakita niyang ang isang atleta ay hindi lamang sinusukat sa bilis ng kanyang pagtakbo, kundi sa tapang na humarap sa hamon, sa disiplina upang magpatuloy, at sa determinasyong muling sumubok para sa susunod na laban.
โ๏ธ: Charly Sabarita
๐ป: Khzia Robles