Ang Manlalayag

Ang Manlalayag Ang Opisyal na Pahayagan ng Argao National High School

2024 RSPC: Ika-limang puwesto sa Pahinang Editoryal

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | Ipinanalo ang Ipinangako   Kay sarap pag masdan ang isang paaralan na puno ng kasiyahan at kagalakan. Ang ka...
31/08/2025

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | Ipinanalo ang Ipinangako

Kay sarap pag masdan ang isang paaralan na puno ng kasiyahan at kagalakan. Ang kasiyahan na hinintay at pinaghandaan ng karamihan, sa wakas ay dumating na at siniguradong kailan man ay tatatak sa ating isipan. Isang pangyayari na nag-iwan ng aral at ngiti sa ating mga labi.

Sa bawat hiyawan na aking natampukan, sa bawat ngiti na aking pinagmasdan ay nakakita ako ng isang uri ng kagalakan na hindi masusukat nang nino man. Ito ang aking nakita sa inilahad na Intramurals 2025 sa Argao National High School, isang aktibidad na nagpapakita ng ibaโ€™t-ibang uri ng saya, talento, at kakayahan ng bawat mag-aaral sa paaralang ito. Sa mga pangyayaring ito lahat ng mga etudyante ay may tyansang ipakita ang kanilang kinikim-kim na na pagkatao mapa libangan man ito o talento.

Sa naganap na aktibidades ay hindi mawawala ang palaro na siyang nagbigay sigla sa mahuhusay na manlalaro, at isa na dito ang larong voleyball. Sa larong volleyball ay nakasaksi ako ng mahuhusay na atleta na nag-sanay sa matagal an panahon upang makamit ang larangang inaasam-asam, nilaro ito nila ng patas at nag bunga ang katas ng kanilang paghihirap. Tinanggap ng buo ng bawat manlalaro ang kanilang pakatalo at pagkapanalo. Puno ng papuri ang mga atletang nanalo, napatunayan at itinagumpay nila larong binigyan nila ng potensyal at kahusayan nila. Sa mga atletang natalo, hindi man sila nagwagi ngunit nag wagi naman ang kanilang malambot at matiyagang mga puso, natalo man sila ngunit ginawa parin nila ang kanilang makakaya mapakita lang sa madla kung ano ang kaya ato mayroon sila.

Sa bawat hampas ng bola, sa bawat patak ng kanilang mga pawis, ay ang walang kumpas at walang kapantay na hinagpis makuha lang ang kanilang tagumapay na ninanais. Sa bawat takbo masalo at makuha ang bola, ay ang desperado nilang pagkatao may maipagmalaki lang sila na pinag hirapan nila. Ang nakaukit at ipinangakong kapatasan at katanggapan sa bawat manglalaro nagpapakita ng kanilang mabuting kalooban ano man ang nangyari at ang kinalabasan.

Sa palarong naganap ay natanong ko ang isa sa mga manglalaro kung ano ang masasabi nila sa naganap na kompetisyon, at ito lamang ang kaniyang sinabi na tiyak ay tatak at sa isipan at damdamin mo magpakailanman, โ€๐˜ˆ๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ช๐˜ต ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜บ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช, ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ด๐˜ต๐˜ขโ€™๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฎ๐˜ฐ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ด๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฎ๐˜ฐโ€ kay sarap pakinggan ang mga salitang na nagmula sa isang tao hindi pinanghinaan ng loob kahit ano man ang natamo.

Sa naganap na pangyayari ay nagpapakita ito ng isang magandang halimbawa na magpakita ng mabuting gawa sa kahit anong gawin lalong-lalo na sa palarong gagawin mo. Manalo man o matalo hanggaโ€™t naging patas kang manlalaro, ay bubuo ito ng isang halimbawa ng pagiging mabuting tao. Kapag ang pangakoโ€™t tuntunin ay tinupad sa larangan ng laro, ito ay isang tagumpay na dapat kilalanin at puriin bilang kilala na atleta na parang nag niningning na mga tala sa kailaliman ng itim na lawak ng kalangitan.

Isinulat ni: Leigh Salvanette Getalla
Litrato kuha ni: Yasmine Angelica Cuerpo

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | TAGISAN NG TALINO ANHS matagumpay na nailahad ang paligsahan ng ChessHindi pisikal na lakas at katangian ang gi...
31/08/2025

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | TAGISAN NG TALINO
ANHS matagumpay na nailahad ang paligsahan ng Chess

Hindi pisikal na lakas at katangian ang ginamit, kundi utak at estratehiya. Ito ang ipinamalas at naranasan ng mga atleta ng chess sa kanilang paligsahan na ginanap sa Argao National High School (ANHS) noong Biyernes hanggang Sabado, Agosto 29โ€“30, 2025.

Sinimulan ang kompetisyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tuntuninโ€”mga bawal at hindi bawal gawinโ€”na ipinaliwanag ni Dylan Jude Albina, isa sa mga kalahok sa torneo.

Umabot sa 41 ang bilang ng mga manlalaro, kabilang ang 16 na babae at 25 na lalaki. Pinili sila sa pamamagitan ng masusing screening at sumailalim sa eliminasyon ilang araw bago ang patimpalak.

Matapos ang mahigpit na labanan ng mga manlalaro, nagawang talunin ni Dylan Jude Albina ang kanyang mga kalaban at itinanghal siyang kampeon sa kategoryang lalaki, habang si Niรฑa Marie Pajulas naman ang nagwagi sa kategoryang babae.

Ayon kay Dylan, โ€œProud kay kuan kanang first time nako na champion, and in the last four years nga nidula ko para intramurals, wala gyud ko nadala. Unya practice more para maka-provincial.โ€

Nakamit ni Dylan Jude B. Albina ang unang gantimpala, sinundan ni Jhon Paul E. Canada para sa ikalawang gantimpala, at si Christ Ian Rotsen L. Mensidor para sa ikatlong gantimpala sa kategoryang lalaki.

Sa kategoryang babae, nakuha ni Niรฑa Marie S. Pajulas ang unang gantimpala, sinundan ni Rhyzhelle Abby Z. Pinlac para sa ikalawang gantimpala, at si Richie Gen Sombilon para sa ikatlong gantimpala.

Isinulat ni: Franlyn Kristal L. Artigas
Litrato kuha ni: Aica Gelbolingo

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Hampas, Lampas: Gintong Medalya para kay Aron JhayNaiuwi ni Aron Jhay Gallardo ang unang gintong parangal sa pa...
31/08/2025

๐—ง๐—œ๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Hampas, Lampas: Gintong Medalya para kay Aron Jhay

Naiuwi ni Aron Jhay Gallardo ang unang gintong parangal sa palarong table tennis matapos magwagi sa iskor na 11-5 nitong Agosto 29 sa Argao National High School.

Sa unang araw ng intramurals, nasungkit ng estudyanteng mula sa ika-11 baitang ang unang karangalan para sa kategoryang Table Tennis Singles A.

Tumatagaktak man ang pawis, magaan at walang patid ang kaniyang paghampas sa bola, at tila walang hirap niyang dinedepensahan ang kaniyang panig laban sa kalaban mula sa ika-walong baitang.

Bakas sa kaniyang mukha ang matinding determinasyon at pagsisikap upang makamit ang gintong medalya na kaniyang inaasam sa nasabing isports.

Isinulat ni: Jianah Galeos
Litrato kuha ni: Aica Gelbolingo

28/08/2025
๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | BINUKLOD NG WIKAANHS, Sama-samang Nagdiwang ng Buwan ng Wika 2025Hiyawanโ€ฆ Tawananโ€ฆ Pagkamanghaโ€ฆDumagundong ang bu...
27/08/2025

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ | BINUKLOD NG WIKA
ANHS, Sama-samang Nagdiwang ng Buwan ng Wika 2025

Hiyawanโ€ฆ Tawananโ€ฆ Pagkamanghaโ€ฆ

Dumagundong ang buong bulwagan nang idinaos ang pagtatapos ng Buwan ng Wikang Filipino na may temang โ€œPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansaโ€ ngayong Agosto 26 sa Argao National High School.

Sinimulan ang programa sa makulay na pagrampa ng mga g**o mula sa bawat baitang, suot ang kani-kanilang pambansang kasuotan bilang simbolo ng pakikiisa sa selebrasyon.

โ€œAng pagdiriwang na ito ay isang tulay upang mahalin, pangalagaan, at pagyamanin ang ating sariling wika.โ€ ito ang naging pahayag ng punongg**o, Elma M. Larumbe, sa kanyang pambungad na mensahe.

Pinasigla ng mga pagtatanghal ng mga mag-aaral sa interpretatibong sayaw at patimpalak sa vocal duet ang pagdiriwang, na nagpatunay na itoโ€™y tunay na daan sa pagpapayabong ng wikang Filipino.

Nagningning ang mga ngiti nang itinanghal ang ika-10 baitang bilang ikatlong gantimpala, ang ika-12 baitang bilang ikalawa, at ang ika-9 na baitang bilang kampeon sa interpretatibong sayaw.

Wagi naman sa vocal duet sina Trisha Nicole S. Labajo at Dwayne Gabriel M. Cruz bilang kampeon, habang nakuha ng ika-9 na baitang ang ikalawang gantimpala at ng ika-10 baitang ang ikatlo.

Tinapos ng makulay na pagdiriwang ang selebrasyon ng Buwan ng Wikang Filipino ngayong taon, ngunit nananatiling mithiin ng lahat na patuloy na manahan sa puso ng bawat Pilipino ang diwa ng pagiging makabansa.

Isinulat ni: Janesse P. Narca
Litrato kuha ni: Aica Gelbolingo at Christian Alburo

๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | Huwag Iwanan ang Wikang Kinagisnan Noong ako ay nagsimulang pumasok sa paaralan, malinaw ko pang natatandaan an...
26/08/2025

๐—ž๐—ข๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—ก | Huwag Iwanan ang Wikang Kinagisnan

Noong ako ay nagsimulang pumasok sa paaralan, malinaw ko pang natatandaan ang hirap na aking naranasan nang unang beses kaming turuan gamit ang wikang hindi ko pa lubos na nauunawaan. Maraming pagkakataon na hindi ko agad maintindihan ang itinuturo ng aking g**o, at madalas ay nahihirapan akong makasabay sa aralin. Ngunit noong asignaturang Mother Tongue na ang itinuro, mas naging magaan ang pag-aaral para sa akin. Mas mabilis kong naunawaan ang mga konsepto dahil ang wikang ginamit ay yaong aking kinalakihanโ€”ang wikang madalas kong marinig at gamitin sa aming tahanan.

Isa sa mga isyung mainit na pinag-uusapan sa sektor ng edukasyon ay ang panukalang pagtanggal ng Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa mga paaralang elementarya. Bilang isang mag-aaral na lumaki gamit ang sariling wika bilang unang gabay sa pagkatuto, ramdam ko kung gaano kahalaga ang papel nito sa aking pag-aaral.

Isipin na lamang natin: papasok ang isang batang musmos sa paaralan, puno ng kaba at sabik sa kaalaman, ngunit agad siyang sasalubungin ng wikang hindi niya lubos na naiintindihan. Paano nga ba siya matututo nang lubos kung sa unang araw pa lamang ay banyagang wika na ang gagamitin bilang midyum sa paghatid ng kaalaman?

Para sa akin, hindi lamang ito usapin ng lengguwaheโ€”ito rin ay usapin ng pagbabalik-tanaw sa kinagisnan. Ang paggamit ng wikang malapit sa puso ng mga bata ay nagbibigay sa kanila ng kumpiyansa at nagsisilbing tulay upang mas madaling matutunan ang mas mataas na antas ng kaalaman.

Ngayong ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wika, isang napakahalagang tanong ang dapat nating pag-isipan: paano nga ba natin tunay na pinapahalagahan ang ating wika kung mismong sa paaralan ay unti-unti itong nawawala bilang wikang panturo?

Tuwing Buwan ng Wika, ipinagdiriwang natin ang ating pagkakakilanlan at ang yaman ng ating kultura. Ngunit kung hindi natin mapapanatili ang MTB-MLE sa edukasyon, hindi baโ€™t tila unti-unti ring nawawala ang saysay ng ating mga selebrasyon?

Para sa akin, ang MTB-MLE ay hindi lamang tungkol sa pagtuturo ng isang asignatura. Ito ay tungkol sa pagbibigay-diin na ang bawat bata ay may kakayahang matuto nang mas mahusay kung magsisimula sa wikang kanilang kinagisnan.

Isinulat ni: Kyle Eliezer Langahin
Disenyo ni: Yasmine Angelica Cuerpo

NUTRI-AKSYON: Matagumpay na naganap ang Nutrition Month Culmination sa ANHSIdinaos ang pagtatapos ng padiriwang ng Nutri...
31/07/2025

NUTRI-AKSYON: Matagumpay na naganap ang Nutrition Month Culmination sa ANHS

Idinaos ang pagtatapos ng padiriwang ng Nutrition Month sa ilalim ng temang โ€œSa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!โ€ na naglalayong hikayatin ang mga mag-aaral na piliing maging masustansya noong ika-31 ng Hulyo sa Argao National High School.

Binuksan nang maaga ang programa sa pamamagitan ng isang makulay na parada na nilahukan ng masisiglang mag-aaral mula sa ibaโ€™t ibang baitang kasama ang kanilang kalahok sa mascot-making competition.

โ€œHow can you make a good leader if you, young learners, are sick?โ€ ito ang hamong iniwan ni Madame Elma M. Larumbe, ang punong g**o, sa kanyang inspirational message.

Tampok sa kulminasyon ang iba't ibang patimpalak gaya ng mascot-making, jingle competition, cooking contest, poster-making, and slogan-making contest na nagpapamalas ng pagiging malikhain ng mga mag-aaral.

Nasungkit ng Science Technology Engineering and Mathematics (STEM) ang kampeonato sa mascot-making competition, habang itinanghal namang unang pwesto sa jingle competition ang ikasampung baitang.

Inuwi naman ng ikawalong baitang ang unang gantimpalak sa Food Bazaar, habang si Jhoanna Mae P. Agustin at Isabel Olve G. De Joya naman ang sa slogan-making at poster-making contest. Dagdag pa, sina Harvey Allonez at Angelo Jay A. Alconera naman ang itinanghal na panalo sa cooking contest

Ang kaganapang ito ay hindi lamang pagdiriwang ng pagtatapos ng Nutrition Month, kundi isang mahalagang paalala sa bawat mag-aaral na piliing maging masustansya at mamuhay nang malusogโ€”isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.

Isinulat ni :Janesse P. Narca
Litrato ni: Aica Gebolingo

KAUNTING KAALAMAN, NATIONALISTAS!
30/07/2025

KAUNTING KAALAMAN, NATIONALISTAS!

Halinaโ€™t makiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng kalusugan at pagkakaisa sa ating Nutrition Month Culminating Parade buka...
30/07/2025

Halinaโ€™t makiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng kalusugan at pagkakaisa sa ating Nutrition Month Culminating Parade bukas, Hulyo 31, sa ganap na 6:00 AM.

Magsama-sama tayo nang maaga upang ipakita ang ating suporta sa mas malusog na pamumuhay at mas matibay na samahan bilang isang komunidad! Hindi lang ito basta paradaโ€”ito ay simbolo ng ating pagkakabuklod bilang mga Nationalista. Sa bawat hakbang na ating sabay-sabay na tatahakin, pinapanday natin ang landas tungo sa mas masigla, mas malusog, at mas makataong kinabukasan para sa lahat.

Magsuot ng kumportableng kasuotan, magdala ng tubig, at huwag kalimutang ngumiti! Ipakita natin ang ating pride at malasakit sa isaโ€™t isa. Ang bawat hakbang ay mahalagaโ€”dahil kapag naglalakad tayong magkakasama, pinapalakas natin hindi lang ang ating mga katawan kundi pati ang diwa ng pagkakaisa at malasakit.

Tara naโ€™t maglakad nang may layunin, puso, at saya!
Kita-kits bukas, mga Nationalista! ๐Ÿ’š๐Ÿ’ช๐ŸŽ

๐ŸŽ๐Ÿ•.๐ŸŽ๐Ÿ—.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐‘ฏ๐’–๐’”๐’‚๐’š ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’‚๐’๐’†๐’๐’•๐’, ๐‘ด๐’–๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ผ๐’Ž๐’Š๐’ˆ๐’•๐’Š๐’๐’ˆ!Matagumpay na naisagawa ang huling araw ng screening para sa mga nagnanai...
11/07/2025

๐ŸŽ๐Ÿ•.๐ŸŽ๐Ÿ—.๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | ๐‘ฏ๐’–๐’”๐’‚๐’š ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’‚๐’๐’†๐’๐’•๐’, ๐‘ด๐’–๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐‘ผ๐’Ž๐’Š๐’ˆ๐’•๐’Š๐’๐’ˆ!

Matagumpay na naisagawa ang huling araw ng screening para sa mga nagnanais maging mamahayag ng The Voyagers at Ang Manlalayag โ€” ang opisyal na pahayagan ng mga Nationalista!

Sa mga lumahok sa Photojournalism, Sports Writing, Sci-Tech Writing, at Cartooning, saludo kami sa inyong dedikasyon at galing. Mula sa makapangyarihang larawan, mabilis at matalim na pagsusulat, hanggang sa mga guhit na may lalim at saysay, pinatunayan ninyong buhay at makulay ang diwa ng malikhaing pamamahayag.

Hindi magiging posible ang matagumpay na aktibidad na ito kung wala ang taos-pusong suporta ng mga g**o, sa pangunguna ni Gng. Elma M. Larumbe.

Mabuhay ang mga bagong tinig at mata ng ating paaralan! Patuloy tayong maglahad ng katotohanan, kuwento, at kulay.

Isinulat ni: Cindy A. Pitogo
Litrato kuha ni: Gabrielle Sambola
Disenyo ni: Yasmine Angelica Cuerpo

๐๐€๐๐šฐ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐˜๐”๐†๐“๐Ž โ›ตSa muling pagbubukas ng pinto ng Ang Manlalayag, isinagawa ngayong araw ang unang screening para sa mg...
08/07/2025

๐๐€๐๐šฐ๐๐€๐†๐Ž๐๐† ๐˜๐”๐†๐“๐Ž โ›ต

Sa muling pagbubukas ng pinto ng Ang Manlalayag, isinagawa ngayong araw ang unang screening para sa mga bagong magiging tinig ng ating paaralan.

Tagumpay ang seleksyon para sa iba't ibang kategorya ng pagsusulat, na siyang magsisilbing pundasyon ng susunod na henerasyon ng mga campus journalists.

Hindi magiging posible ang maayos at makatarungang proseso kung wala ang dedikasyon ng ating mga tagapamahala ng screeningโ€”mga dati at kasalukuyang miyembro ng publikasyon na buong pusong naglaan ng oras at gabay para sa adhikain ng responsableng pamamahayag:

โ€ข Editorial Writing โ€“ Sheila Birondo at Sofia Sanico
โ€ข Column Writing โ€“ Cindy Pitogo at Kimberly Daragosa
โ€ข Feature Writing โ€“ Ms. Grace Bacilisco
โ€ข News Writing โ€“ Ms. Erika Cojetia
โ€ข Layouting โ€“ Mrs. Darlina Ephan

Lubos naming ipinapaabot ang taos-pusong pasasalamat kay Gng. Elma M. Larumbe, ang masigasig na Punong-g**o ng Argao National High School at sa lahat ng mga g**o sa kanilang walang sawang suporta.

Nakapananabik ang mga kuwentong unti-unting mabubuo at mabibigyang-buhay sa mga susunod na pahina.

Abangan ang screening para sa iba pang kategorya bukas! Mas maraming boses ang maririnig, at mas maraming istorya ang magkakaroon ng pagkakataong maisalaysay.

Padayon, mga Manlalathala. โœ๐Ÿป

Isinulat ni: Cindy Pitogo
Disenyo ni: Yasmine Angelica Cuerpo

Kitakits, Nationalistas!Ang Manlalayag at The Voyagers ay naghahanap ng mga bagong miyembro! Halina mga naghahangad na m...
03/07/2025

Kitakits, Nationalistas!

Ang Manlalayag at The Voyagers ay naghahanap ng mga bagong miyembro!

Halina mga naghahangad na maging:
A. RADIO BROADCASTERS
B. TV BROADCASTERS
C. MOBILE JOURNALISTS

Mayroong magaganap na orrientation sa Comlab 1 na pinamumunuan ni maam Darlina Ephan bukas, Biyernes sa alas tres ng hapon.

Address

San Miguel Street, Canbanua
Argao
6021

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Manlalayag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share