Mrs CM Dizon

Mrs CM Dizon Online Diary

I wasn’t attacking anyone—I was just expressing my feelings.But somehow, my honesty became the very thing used against m...
16/03/2026

I wasn’t attacking anyone—I was just expressing my feelings.
But somehow, my honesty became the very thing used against me.

There was a moment when I believed that speaking honestly was the right thing to do. That if you simply explained your side, people would understand. That if you opened your heart, others would listen not to judge, but to understand.

So I spoke.

Not with anger.
Not with accusations.
Just with the quiet courage of someone who was tired of keeping everything inside.

But the room did not respond the way I expected.

Some people didn’t hear the pain behind the words.
They only heard an opportunity.
An opportunity to twist the story, to pick apart every sentence, to turn vulnerability into weakness.

Suddenly, the very emotions I trusted them with became evidence against me.

My honesty became “drama.”
My frustration became “attitude.”
My explanation became “excuses.”

It’s strange how quickly truth can be reshaped when people decide not to understand.

Psychologists often describe this kind of reaction as psychological projection, where people shift their own feelings or faults onto someone else instead of confronting them.

And maybe that was the moment I learned something important.

Not every place is safe for honesty.
Not every ear is meant to hear your truth.
And not every person deserves access to your emotions.

Because sometimes, the bravest thing you can do isn’t speaking louder.

Sometimes, the bravest thing is learning who deserves to hear your voice—and who doesn’t.

So if one day you notice that I’ve become quieter, calmer, more observant…

It’s not because I have nothing to say.

It’s because I’ve learned that not everyone deserves the story of my heart.

゚viralシ

11/03/2026

Happy Bark-day Coconut! 🐶🎉 Thank you for the cuddles, the happy tail wags, and for making every day brighter. Life is better with you in it!

Tahimik ang gabi. Walang ingay kundi ang mahinang tibok ng puso na tila ba pagod na pagod na ring lumaban. Sa dilim ng m...
08/03/2026

Tahimik ang gabi. Walang ingay kundi ang mahinang tibok ng puso na tila ba pagod na pagod na ring lumaban. Sa dilim ng mga sandaling iyon, dahan-dahang bumigat ang mga salita sa loob ng isip niya.

“Gusto ko ng magpahinga…” bulong niya sa sarili.

Hindi pala biro ang dalhin ang lahat ng obligasyon. Araw-araw parang may pasan siyang mundong hindi niya puwedeng ibaba. Minsan naiisip niya, paano kaya kung may balikat na puwede niyang sandalan? Kahit sandali lang. Kahit sa mga desisyong sobrang bigat na hindi niya na alam kung tama pa ba ang pinipili niya.

Gusto rin niyang tanungin ang sarili niya kung kaya pa ba niya.

Pero ang totoo, kahit alam niyang minsan hindi na niya kaya, wala siyang ibang pagpipilian kundi kayanin. Dahil alam niyang sa dulo ng lahat, siya lang din ang natitira. Wala siyang ibang back-up kundi ang sarili niya.

May mga sandali na gusto niyang maranasan ang buhay na walang iniisip. Yung sarili lang niya. Yung makahinga nang maluwag kahit isang araw lang.

Pero sa tuwing sinusubukan niyang gawin iyon, may kumakatok na konsensya sa puso niya.

Ang pamilya niya.

Ang mga naiwan niya sa Pilipinas.

Paano kung sa isang pahinga niya, may kapalit na pangangailangan na hindi niya maibigay? Paano kung sa isang sandali ng pagod niya, may magkulang sa kanila?

Kaya kahit mabigat, patuloy siyang lumalakad.

Sa gitna ng katahimikan ng gabi, tumingala siya at pumikit.

“Lord…” mahina niyang dasal.

“Bigyan Mo po ako ng lakas ngayon. Kasi sa totoo lang… hinang-hina na ako. Parang gusto ko na namang bumitaw.”

At sa sandaling yon natahimik ang mundo.

Ma Pagod na Ako.

Daddy Send Help Mommy's Trippin on me. 🤣🤣
07/03/2026

Daddy Send Help Mommy's Trippin on me. 🤣🤣

Hahahahaha Coco Labanan mo!!
28/02/2026

Hahahahaha Coco Labanan mo!!

Looking back at the place where my courage took flight. ✈️ From heartbreak to growth. 🫣😂
27/02/2026

Looking back at the place where my courage took flight. ✈️
From heartbreak to growth. 🫣😂

May mga kwento sa buhay na parang pakikipagsapalaran—may mga bida na pinaglalayo ng dagat at lupa, pero pinagbubuklod ng...
20/02/2026

May mga kwento sa buhay na parang pakikipagsapalaran—may mga bida na pinaglalayo ng dagat at lupa, pero pinagbubuklod ng pangako at pagmamahal. Parang tayo. Sa bawat alon na tinatahak mo, andito naman ako sa lupa, sumisilip sa langit at tinitingnan ang mga bituin na nagdudugtong sa atin. May mga gabing mas mahaba and katahimikan kaysa sa takbo ng oras pero alam ko sa bawat gabing magkalayo tayo, may mga pangarap na sabay nating binubuo at mabubuo.

Dalawang taon na tayong mag-asawa, pero parang kahapon lang nung sinimulan natin ang ating sariling kabanata. Hindi man palaging magkatabi, ramdam ko ang yakap mo sa bawat alaala at sa bawat tahimik na panalangin sa gabi. At sa kwentong patuloy nating binubuhay, ikaw pa rin ang pahinang babalikan ko—paulit-ulit, nang buong puso.

Happy 2nd Wedding Anniversary, mahal ko. Kahit saan man tayo dalhin ng panahon, andito lang ako—nagmamahal, naghihintay, at sabik sa susunod nating kwento baka sakaling dumating ang araw na, wala ng pagitan ang dagat at lupa nating dalawa. 🤍⚓

Naloko Kami…Naloko kaming mag-asawa sa bahay na akala namin ay simula ng pangarap naming dalawa. Sa halagang 800k, hindi...
12/02/2026

Naloko Kami…

Naloko kaming mag-asawa sa bahay na akala namin ay simula ng pangarap naming dalawa. Sa halagang 800k, hindi lang pera ang nawala — pati tiwala, oras, at ilang gabing hindi kami makatulog kakaisip kung paano babangon ulit.

Ngayon, habang unti-unti naming binubuo ang bagong bahay sa probinsya — malayo sa dating plano sa syudad — dala pa rin namin ang bigat ng pagkakamaling iyon. Hindi madaling magsimula ulit habang iniisip kung paano mababawi ang pinaghirapan naming ibinayad sa taong nanloko sa amin.

Mas masakit pa, may mga taong imbes na umunawa, mas pinipiling maliitin ang bawat hakbang namin. Yung tipong sa harap ng iba ay parang proud, pero kapag kami-kami na lang, puro sumbat at pangungutya ang maririnig mo. Para bang lahat ng narating mo ay hindi mo pinaghirapan, kundi dahil lang sa kanila.

Minsan kailangan mong lunukin ang sakit, hindi dahil mahina ka — kundi dahil pinipili mong magpatuloy. Oo, nagkamali kami. Oo, nasaktan kami. Pero hindi doon matatapos ang kwento namin.

Ang 800k na nawala ay pera lang. Ang pangarap naming bumangon at magkaroon ng sariling tahanan, iyon ang hindi kailanman mawawala.

Patuloy kaming lalaban. Tahimik man ang laban, totoo ang pangarap. 🏡✨

Your dog is your best friend for part of your life, but to your dog, you are their best friend for their entire life. Ha...
02/02/2026

Your dog is your best friend for part of your life, but to your dog, you are their best friend for their entire life. Happy Coco !

31/01/2026

I got over 20 reactions on one of my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

I arrived here surviving storms no one knew I was in. 😥
31/01/2026

I arrived here surviving storms no one knew I was in. 😥

Etong araw na ‘to… bigla akong naramdaman ng pagod na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko na isigaw ‘yung pagod ko, gustong ...
29/01/2026

Etong araw na ‘to… bigla akong naramdaman ng pagod na hindi ko maipaliwanag. Gusto ko na isigaw ‘yung pagod ko, gustong sabihing “AYOKO NA.” 🤍

Gusto ko na lang maglaho, sa lugar na walang nakakakilala, kung saan wala akong kailangang paliwanagan, kung saan walang huhusga sa nararamdaman ko.

Minsan pati asawa ko… feeling ko hindi na ako naiintindihan.
Sobrang dami naming bayarin, sobrang dami ng umaasa sa akin, sobrang dami ng trabaho, sobrang dami kong iniisip.
At kung minsan, kahit ako… hindi ko na kilala ung sarili ko.

Kinakabahan. Nalulungkot. Naiiyak.
Hindi ko na maintindihan kung anong totoong nararamdaman ng puso ko.

Ngayon… andito ako sa trabaho,
pero ang utak ko… nasa kabilang ibayo.

Address

Aringay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mrs CM Dizon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share