
18/07/2023
GLOOMY WEATHER OVER EASTERN SECTIONS OF VISAYAS AND MINDANAO ☁️
Tuluyang humina ang epekto ng sa Luzon, kaya mas maaliwalas ang panahon ngayong araw. May pag-uulan naman sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao dahil sa ITCZ at papalapit na LPA na mataas ang tiyansang maging bagyo.
MGA DAPAT MALAMAN:
➡️ NAGPAHINGA MULI ANG HABAGAT
• Pansamantalang humina at hindi muli nakakaapekto sa bansa ang habagat, kaya mas maaliwalas na panahon ang inaasahan sa Luzon ngayong araw. Posible pa rin ang mga localized thunderstorm, lalo na sa hapon at gabi.
• Dahil sa papalapit na potensyal na bagyo, posibleng bumalik muli ang pag-uulan ng habagat sa kanlurang bahagi ng Visayas at Mindanao simula sa kalagitnaan ng linggong ito, at bandang weekend sa Luzon.
➡️ POSIBLENG MAGING BAGYO NA ANG LPA NGAYONG ARAW
• Ang sentro ng Low Pressure Area (LPA) ay huling namataan ng PAGASA sa layong 710 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur kaninang 3:00 AM. Ito ay nakadikit pa sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) kaya bahagyang naudlot ang pagiging bagyo nito.
• Ang malawak na kaulapan ng LPA ay magpapaulan na sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong araw, partikular sa Eastern Visayas, Caraga, Bohol, Camiguin, Misamis Oriental, Davao de Oro, at Davao Oriental. Mas maraming uulanin sa mga susunod na araw dahil sa paglapit at pag-angat pa ng LPA.
• Ang LPA ay posibleng tuluyang maging bagyo o Tropical Depression na ngayong Miyerkoles. Ang susunod na pangalan sa listahan ay .
• Patuloy na ipinapakita ng mga weather model na posibleng maging isang malakas na bagyo ang binabantayang LPA sa mga susunod na araw.
• Nakikitang lalapit ang nasabing potensyal na bagyo sa Luzon bandang weekend, ngunit hindi pa tiyak kung ito ba ay maglalandfall nang tuluyan o magrerecurve. Patuloy itong babantayan.
ℹ️ Inaabisuhan ang lahat na patuloy na mag-antabay sa mga susunod na updates ukol sa inaasahang lagay ng panahon. Ingat!
PANAHONKONEK UPDATE
4:30 AM PhST |