12/12/2025
BOUNDARIES: THE SILENT PROTECTOR OF EVERY RELATIONSHIP
Kapag nasa isang relasyon ka na, hindi sapat ang pagmamahal lang. Kailangan mo ng malinaw na boundaries. Dahil kahit gaano ka kaingat, kung wala kang limitasyon, may posibilidad ka pa ring ma-attract sa iba. Oo, mahal mo ang partner mo, pero kapag pinabayaan mo ang boundaries mo, doon nagsisimula ang pagkadulas.
👉 Boundaries are reminders to yourself kung saan ka dapat huminto at kung sino lang ang dapat mong lapitan.
⸻
📌 Limit What You Entertain
Minsan hindi mo namamalayan na nagiging komportable ka na sa ibang tao. Yung simpleng kwentuhan at tawanan, hanggang sa unti-unti kang nagiging emotionally available. Doon nagsisimula ang mga problemang sana ay hindi nangyari kung may boundaries ka lang.
⸻
📌 Stop Confiding in the Wrong Person
Huwag na huwag mong ginagawa ang mga bagay na dapat sa partner mo lang. Lalo na ang pagkukwento ng problema, hinaing, at emosyon sa ibang tao. Ang problema ninyong mag-partner ay sa inyo lang dapat inaayos, hindi ipinapasa sa iba.
👉 Emotional closeness with the wrong person is already a boundary crossed.
⸻
📌 Appreciation Has a Limit
Normal lang ang humanga o maka-appreciate ng ibang tao. Pero iba ang appreciation sa attachment. Kapag naramdaman mong lumalagpas ka na sa limit, umatras ka. Huminto ka. Piliin mo ang partner mo.
⸻
📌 Discipline Over Feelings
Hindi lang pagmamahal ang nagpapatibay ng relasyon. Disiplina ang tunay na pundasyon. Bantayan mo hindi lang ang actions mo kundi pati intentions mo. Madalas doon nagsisimula ang unfaithfulness, sa maliliit na bagay na pinabayaan.
⸻
📌 Communication With Boundaries
Yes, communication is the key, pero may limitasyon ito lalo na kung kausap mo ay opposite s*x o taong pwedeng makaapekto sa relasyon mo. Hindi lahat ng problema kailangang ikwento sa iba. Mas matibay pa rin ang relasyon na kayong dalawa mismo ang nag-aayos.
⸻
📌 True Loyalty
Sa huli, ang loyalty ay hindi lang tungkol sa pag-iwas sa cheating. Ang loyalty ay araw-araw na pagpili sa partner mo, kahit may tukso, kahit may distractions, kahit may pagkakataon.
👉 Set your boundaries. Master your discipline. Protect your peace and your relationship. ✨💍✨