13/10/2023
HANGGANG SA NAHANAP NA KITA
Hanggang sa hanap na kita ika'y may iba na,
Kung kailan ako'y handa ng ibigin ka, Ikaw Naman tong Hindi pwede Hanggang sa nahanap na kita iba na Pala Ang lamang ng iyong puso.
Tuwa Ang aking nadarama ng ika'y aking natagpuan, ngunit may lungkot din akong naramdaman Nung ika'y umamin sa akin na ika'y may iba na.
Kinukulit moko noon ngunit Nung ika'y aking nahanap na tila ba Ako yung naiwan at naghabol eh Ikaw Naman yung nangungulit sakin noon pa man.
Ngunit Hindi ko aakalain na ika'y muling nagtapat sa akin na ako'y iyong iniibig pa rin, Hindi alam kung ano Ang mararamdaman, Hanggang sa nahanap na kita Hindi aakalain ako'y mahal parin pala.
Sabi mo ginawa mo lang yun para ako'y umamin na,sa huli Ako parin Ang yung pinili,Ako parin Ang wakas.
Ako parin Pala Ang iyong mahal,ngunit salamat at muli kitang natagpuan, Hanggang sa nahanap na kita mahal pa rin kita.