09/04/2024
A year ago, lumabas ang pinakauna kong content sa TBON.
Naalala ko, extra lang ako sa first ever content kong to (nandun kasi ako sa shoot para sana manood lang sa ex ko). That time si Direk Franz ang director, ayokong mamura at masabihan ng bobo nung time na yon kaya kahit extra lang, ginalingan ko kahit nanginginig ako. HAHAHAHAHA
2 takes yung nag-iisang scene ko at right after the 2nd take, nagsabi si Direk Franz ng "Welcome to TBON".
Yes po, si Direk Franz po ang kumuha sa akin bilang extra nung araw na yun at sya rin po ang nagwelcome sa akin sa TBON.😄 (hindi ko alam kung saan nakuha ng ibang tao yung sila raw ang nagpasok sa akin dito. hehe)
Sa pangalawa kong content kung saan main role ako. Si Direk Rigor naman ang director, kasama nya nun si Direk Anjie na writer nung content na yun.
Grabe rin kaba ko sa 2 to kasi parehas silang hindi gaanong nagsasalita pero makikita mo sa mga mukha kapag badtrip sila sa acting mo. lol. Halos lahat ng mga nauna kong content sa TBON, sila ang kasama ko. Silang dalawa ang masasabi kong foundation ko. Grabe ang guidance na binigay sa'kin ng dalawang to. Solid, lalo na, iba ibang role din ang pinagkatiwala nila sa'kin. Hanggang sa naging writer ako, si Direk Rigor din ang naggaguide sa'kin sa simula. Naaappreciate ko before, kahit alam kong badtrip na sya sa walang kwenta kong sulat, nagpipiem pa rin siya ng madaling araw para magbigay ng feedback at guidelines para umayos sulat ko. Sorry sa mga panahong yun Direk at Happy Birthday nga po pala. hehe.
Sa pagiging writer ko hindi ko syempre kakalimutan ang pinakanagpaintindi sa'kin ng tamang pagsusulat at nagtiyaga na magcheck lagi ng mga sulat ko nung nagsisimula ako bilang writer, si Angel V. Maraming salamat kahit napakamaldita mo rin, Gel. haha
Isa pa sa masasabi kong nag-inspire sa'kin at nagturo ng maraming bagay tungkol sa pag-arte ay walang iba kundi si Coach MaryJune.
Napakabata pero napakaprofessional sa pag-arte. Hanggang ngayon pangarap kong makasama ka sa isang heavy drama na content (sana soon tapos ang title "galit na galit ako sa'yo") hahahahaha
Syempre gusto ko rin magpasalamat kina Direk Noy and Direk Malic na kahit hindi na ako gaanong active sa pag-arte, naniniwala pa rin sila sa kakayahan ko. Naiiyak ako sa part na to kasi last December may awards night tapos tinanggal ko yung name ko sa lahat ng categories na nominated ako pero nung biglaang may award na Artist of the Year at tinanong sila kasama si Direk Anj, ako pinili nila. ðŸ˜. Laki rin ng utang na loob ko sa dalawang to kasi sila rin ang nagbigay ng support nung mga time na nangangapa ako sa kung paano ko gagawin ang mga bagay sa production.
Sa management at head of production team ng Bacolod ngayon, Direk Anj, thank you po sa guidance mula noon hanggang ngayon, at thank you rin sa pagsalo tuwing feeling mo alanganin ako. Sana bigyan mo na po ako ng isang malupit na sexy role, pilitin nyo po ako please. HAHAHAHAHA
Direk King and Direk Mark, sa buong production team, salamat sa suporta at respeto at lalong lalo na sa pag-intindi kapag mainit ang ulo ko. Alam ko hindi ako madaling katrabaho pero mapagpasensya rin kayo.
Sa mga Artists, thank you for doing your best every single time, sa inyo rin ako naglelearn ng mga bagay-bagay, nakakawala ng pagod yung makitang nag-iimprove kayong lahat. :)
Grabe it has been a year pa lang pero ang dami nang nangyari at ang dami kong natutunan. Hindi lang sa pag-arte kundi pati sa sarili ko at sa ibang tao.
Ngayon, nagcecelebrate ako dahil alam ko na mula sa pag-aaral ng script at character ko, pagpunta sa shoot na memorize ko ang dialogues ko, sa paglilikot ng utak ko tuwing nagsusulat hanggang sa paglelead sa production at talents ngayon - lahat to pinaghirapan ko na wala akong tinatapakang tao (kahit anong gawin nyong kwento jan, bahala na kayo). Patuloy kong ginagawa ang best ko hindi lang para sa mga taong tumutulong at nagtitiwala sa akin pero para may pinagkakaabalahan din sa buhay ang mga taong nakaabang na magkamali ako. :)
Kaya maraming salamat sa lahat ng katrabaho ko dito mula simula hanggang ngayon. Mula sa management lalo na kay DMike at Ma'am Ja (sobrang salamat po sa tiwala at guidance nyo), production team, artists hanggang sa mga nanonood lagi ng mga contents ko, lalo na sa grab Driver nung Sunday na nagsabing "ma'am kilala ko po kayo, lagi ko po kayong pinapanood at ang galing galing nyo po" sorry kuya kung umiiyak ako habang nasa byahe kasi natouch ako! hahaha, kayo lahat ang totoong dahilan kung bakit nandito ako sa kung nasaan ako ngayon dahil kung hindi dahil sa tiwala at suporta nyo, siguro tumigil na ako.
Maraming maraming salamat po and more power to TBON!