12/10/2025
Amazing π₯²
Ang kasaysayan ng Talaan;
Taong 1930, o sa panahon ng pamamahala ng mga Amerikano sa bansa, nagsimula ang ganap na civil registration na kinikilala ng Guiness, kailangang lahat ay magpatala noong panahong iyon kahit pa ang mga matatanda na hindi makapagbigay ng orihinal na dokumento o birth certificate.
May ilang mga dukumento kasi sa Pilipinas ang nawala, binaha o nasunog sa mga gusali noong Philippine-American War, may ilang dokumento din na mahirap nang maibigay noong panahon na 'yun dahil ang karamihan ay nasa archeive ng Espanya o nawalang parang bula o sinadyang sirain.
Kaya hindi kinilala ng Guiness ang maraming matatanda natin sa rason bilang late-registration ang karamihan dito, na nagpatala sa pagitan ng 1930-1940 pero ang orihinal na birth certificate ay nawala na o 'di na makita pa.
Kung mapapansin n'yo sa kanilang talaan, mas kinikilala ng Guiness sng mga matatanda na nasa mga first-world-countries, gaya ng; Japan, UK at Amerika na kumpleto sa mga datos at tunay na lehitimo.
1941, higit 60% ng mga talaan ay sinira at sinunog ng mga Hapon, nang mapalayas ang mga ito, taong 1946 muling isinaayos ng pamahalaan at nagpatalang muli ang lahat.
Matapos sumakabilang-buhay ang ilan sa pinakamatandang Filipino nitong mga nakaraan, gaya nila Magdalena Emboy, Senie Usman, Caridad Papa, si Leopolda Robble na ang kasalukuyang pinakamatandang Filipino at babaeng nabubuhay pa rin hanggang sa kasalukuyan sa edad na 113.
Kasama n'ya sa pagiging Supercentenarian o mga lumagpas na ng 110 sina; Maria Tomales, Asuncion Ochea, Rivera Pagadora, Sigue Chavez at Tolentino Tute.
Ang mga sinilang naman noong 1916 bilang mga nasa edad ng 109 ay sina; Genoveva Ferma Garcia, Maria Ngihol Dulnuan, Leonora L. Cuenca, Patricia Espinueva, Melinde Lobrido, Visitacion Victorama Contenido, Victorina Kawili Nonan at Pascuala Luntad Lionan, kabilang din dito si Lauro Bigcas Bilaos bilang pinakamatandang lalakeng nabubuhay sa Pilipinas.
kulang man sa espasyo ang post na ito, kabilang din sa dapat kilalanin ang katandaan nila; Leocadia Bota (1917), Apo Whang-Od (1917), Trinidad Valeros Pegerino (1917), Catalina Auayang (1918) at Julieta Recto (1920).
Maaari lamang pong mag-mensahe sa Pinoy History kung isa ang inyong kamag-anak na dapat ay nasa listahang ito, salamt po. Ang Research na ito ay sinagawa ni Admin 1 at nang isang 13-year-old Grade 8 Student.
Tandaan natin, kung wala ang mga pinakamatatandang kapamilya natin, wala tayo, sa kanila tayo nagmula at dahilan kung bakit tayo nagka-buhay, kaya sa mga huling sandali't dapit-hapon ng kanilang buhay, baunan natin sila ng pagmamahal, 'wag natin silang pabayaan.
Darating ang panahon, maaaring lalagpas ka rin sa 100+, tatanda rin tayo at mamamatay, ang legisiyang ating iiwan sa mundo ang mahalaga, iwanan natin ang kapwa natin ng kabutihan dahil doon tayo maaalala ng tao, at ang kabutihan 'yon ay ang 'forever'.