Agora Studios

Agora Studios ๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐˜๐—น๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—”๐—ฏ๐—น๐—ฎ๐˜‡๐—ฒ, ๐—œ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€ ๐—ถ๐—ป ๐— ๐—ผ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป. Here at Agora Studios, we breathe life into stories, capturing every emotion and vision.

Madamo gid nga salamat sa Berdeng Parola sa pag-feature sa amon kag sa paghatag sang kahigayunan nga maibahagi ang amon ...
15/12/2025

Madamo gid nga salamat sa Berdeng Parola sa pag-feature sa amon kag sa paghatag sang kahigayunan nga maibahagi ang amon istorya kag sining!

๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—›๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ป

Mula sa mga tinig na nagsasaliw, hanggang sa mga palakpakang pumapalibot na tila nagbibigay-aliw. Imahinasyong dambana ng guni-guning nagbabatid ng natatanging likha sa kapwang pareho ang kinahihiligan, tanging minimithi lamang ay maipamahagi ang sariling nararamdaman. Nagbibigay ng saysay sa mithiing tanaw na nagpapa-udyok sa mga madla upang maipadama ang kanilang sariling karanasan. Bawat paghihirap na dinaanan ay may katha na naglalakbay sa dilim, handang magliyab ang tinatagong kagalingan. Hindi baโ€™t bawat kasanayang bulong ng hangin ay may dalang lihim na hangarin?
Bawat likhaโ€™y may kalakip na kuwentoโ€”pagpapagal at oras na inilaan upang mapagtagumpayan ang bawat akda. Ibinahagi ng isang direktor ang kaniyang karanasan sa likod ng bawat malikhaing gawa. Isipan ay naglakbay sa kung anong maaari at nais gawin sa hinaharap ngunit sa karamihan ng nasubukan, isa lamang ang bumihag sa kaniyang atensyonโ€”ang paggawa ng pelikula. Taos-pusong ibinahagi ang kaniyang nasaksihang karanasan para sa masa. Samahan ng mga may pusong malikhain, Agora Studios ating tuklasin.

โ€œPart of me always wants to inspire others to pursue and experience the process of filmmaking.โ€ tugon ng direktor na si Savannah Gaile Dinageba, na tila bumabalik sa bawat kuwento at damdaming naihulog niya sa mga eksenang kanyang nilikha. Nagbubukas ng mga pusong may malalim na kabuluhan, naghihintay ng akmang panahon na may magtutuklas ng kaniyang kinahihiligan. Itoโ€™y tanglaw na may layuning magbigay-aliw o di kayaโ€™y ilaw na gagabay upang maunawaan ang katotohanan at kahulugan ng buhay.

Isang karangalan na mahandugan ng ganoong talento kahit pa itoโ€™y nagsimula sa walang katiyakan at hango sa kuryosidad lamang. Nagmula sa tibok ng nag-aalab na pasyon at munting pangarapโ€“kasama na ang kaligayahang hatid nito. Aniya ng direktor, bawat pagkakataong dumaan ay sinungkit upang lalong sanayin ang kanyang sining. Bawat sinalihan ay naging parte ng kanyang paglalakbay bilang isang ganap na direktor, dito siya natutong magtrabaho ng mag-isa at nagpasiklab sa damdaming magpatuloy sa kaniyang hinahangad.

Pagdating ng Senior High School, nakuha ng teatro ang kaniyang atensyonโ€”minahal niya ito. Panibagong anggulo sa paggawa ng pelikula, nasabik siyang alamin at unawain ang mga artista, dagdag kaalaman na magagamit niya sa kaniyang pelikula. Minsan, maiintindihan natin ang mga bagay kung paglalaanan natin ito ng oras, tingnan ang kabilang panig ng mundo at pagmasdan ang taglay nito. Tulad na lamang ng kasiyahang hatid ng sine, itoโ€™y may kaakibat na pagpatak ng pawis at mga panahong pahinga ay hindi na natatamasa. Hindi biro ang makagawa ng isang pelikula, halos lahat ay ibubuhos na.

Bilang mag-aaral at direktor ay nangangailangan ng balanse, pag-iisip ng konsepto hanggang sa pagsasagawa nito at mga aralin na kailangan pagtuonan ng pansinโ€“sanhi ng sakripisyong nararapat gawin. Gayunpaman, nangingibabaw ang kagustuhang matuto at pukawin ang mga talentong binaon upang makatulong sa kapwa at muling paigtingin ang kakayahang nakapaloob, โ€œthe process and your own pleasure of making this craft as your sustenance is the true success you would feel.โ€ Paglikha ng sining ay nararapat ibahagiโ€™t ipakilala at huwag limitahan sa sariling mga palad. Mga kuwentoโ€™y nabibigyang kaluluwa at saysay kung mayroong mga kamay na handang tumulong. Ayon sa direktor, siyaโ€™y lubos na nagpapasalamat sa mga taong sinamahan at ginabayan siya sa daan upang makamtan ang matagal na niyang mithiin.

โ€œStories donโ€™t just entertain; they visually educate and share your perspective with the audience.โ€ Iminungkahi ng direktor ang isang payo para sa mga susunod na hahakbang sa mundo ng sining at gagawa ng sariling marka rito bilang isang estudayenteng direktor. Bagaman nasa kasukdulan, patuloy na matuto sa bawat karanasan sapagkat itoโ€™y walang hangganan. Hindi kailangang magmukhang tama o maganda ang bawat gawa sa paningin ng iba, itoโ€™y salamin ng pansariling saloobin at ang kalayaang maglahad ay nasa kamay ng manggagawa. Angking pagpapahayag ay susi sa pagiging makatotohanan na siyang nagbibigay ng diwaโ€™t kulay sa pelikula. Sapagkat ang paglikha ay hindi nakatuon sa masigabong palakpakan na igagawad ng madla, ang mensaheng ipinaparating ang siyang saysay ng istorya.

๐˜๐˜ด๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‘๐˜ฆ๐˜ด๐˜ด๐˜ญ๐˜บ๐˜ฏ ๐˜›๐˜ถ๐˜ข๐˜ญ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜—๐˜ข๐˜ถ๐˜ญ๐˜ข ๐˜“๐˜ข๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ
๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ป๐˜ช๐˜ข ๐˜ˆ๐˜ฃ๐˜ช๐˜ญ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ

02/12/2025

No Vandalism at the waโ€” Uy Handurawan mentioned!
โ€Ž
โ€ŽTOMORROW IS THE DAY!!!
โ€ŽCATCH HANDURAWAN AT THE SCREENS
โ€ŽDonโ€™t miss your chanceโ€”secure your seats now!
โ€Ž
โ€Ž๐Ÿ“ Cinematheque Centre Negros
โ€Ž๐Ÿ•‘ Set C โ€ข 2:00 PM โ€ข Dec 3-6
โ€Ž๐ŸŽŸ๏ธ FREE ADMISSION (Limited Seatings)
โ€Ž
โ€ŽFor more details, please visit: https://www.facebook.com/share/1FHGkTDKLE/

30/11/2025

๐ŸŽตYour love is my love, kasakit to ya haw~๐ŸŽถ

โœจ 4 DAYS TO GO! โœจ
Donโ€™t miss your chanceโ€”secure your seats now!

๐Ÿ“ Cinematheque Centre Negros
๐Ÿ•‘ Set C โ€ข 2:00 PM
๐ŸŽŸ๏ธ FREE ADMISSION (Limited Seatings)

For more details, please visit: https://www.facebook.com/share/1FHGkTDKLE/

๐ŸŽฌITโ€™S A WRAP! ๐ŸŽคAgora Studios goes to Love Radio to promote Handurawan for the upcoming Sine Negrense Film Festival, happ...
29/11/2025

๐ŸŽฌITโ€™S A WRAP! ๐ŸŽค

Agora Studios goes to Love Radio to promote Handurawan for the upcoming Sine Negrense Film Festival, happening this December 3โ€“6.
Insights were given, passions were spoken, and dedication was showen(SHOWENN?!??)

โœจ 5 DAYS TO GO! โœจ
Donโ€™t miss your chanceโ€”secure your seats now!

๐Ÿ“ Cinematheque Centre Negros
๐Ÿ•‘ Set C โ€ข 2:00 PM
๐ŸŽŸ๏ธ FREE ADMISSION (Limited Seatings)

For more details, please visit: https://www.facebook.com/share/1FHGkTDKLE/

Amo ni baskog sa amon sine. Si Piolo Pascual ya amon artistaโ€”galing na forfeit lang kami sa face card/visuals tungod sa ...
29/11/2025

Amo ni baskog sa amon sine. Si Piolo Pascual ya amon artistaโ€”galing na forfeit lang kami sa face card/visuals tungod sa tight budget. jokes asideโ€”salamat kay . -sav

Thank you Integrated School Student Government!   forever!
29/11/2025

Thank you Integrated School Student Government! forever!

๐—Ÿ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—น๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐˜€! Letโ€™s support ๐—›๐—”๐—ก๐——๐—จ๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก, showing at ๐—–๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—พ๐˜‚๐—ฒ ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ฒ ๐—ก๐—ฒ๐—ด๐—ฟ๐—ผ๐˜€ this ๐Ÿฏโ€“๐Ÿฒ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ! ๐ŸŽฌ

The film features amazing ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐—น ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ป๐˜, including our very own ๐—œ๐—ฆ ๐˜๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—ฆ๐—ถ๐—ฟ ๐—ก๐—ผ๐—ป๐—ถ. Letโ€™s show ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ to the ๐˜„๐—ต๐—ผ๐—น๐—ฒ ๐˜๐—ฒ๐—ฎ๐—บ behind this ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฎ๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ณ๐˜‚๐—น ๐—ฝ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ and ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ผ๐—ป our ๐˜๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟโ€™๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป. ๐Ÿ’šโœจ

28/11/2025

Buy me ChanelโŒ
Buy me handurawan ticketsโŒ
FREE ADMISSIONโœ…

๐Ÿ“Œ Cinematheque Centre Negros
๐Ÿ“Set C 2:00 PM

Dec. 3-6 ONLYYโ—โ—

For more details, please visit: https://www.facebook.com/share/17S3vBArPL/

27/11/2025

TEHโ€ฆ ANO PA GINAHULAT NIYO?! ๐Ÿคฉ๐Ÿ”ฅ
BUDOTS TA!!! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ

๐ŸŽฌ 7 DAYS LEFTโ—

๐Ÿ“Œ FREE ADMISSION
๐Ÿ“ Cinematheque Centre Negros

19/11/2025

Hoi Jimmy! Hulta sa kuno kay gina pangita nya si NEILMYBESTFRIEND!

For now, ari anayโ€”a glimpse of Daddy Dylanโ€™s improv camera blockings.

Stay tuned diri sa Agora Studios page kay soon ipakita ni SGD ang mga unhinged BTS (kon indi na sa sako!).
December 3โ€“6, Cinematique. Lantaw kamo!

Send a message to learn more

17/11/2025

Oi nonilon!

๐Ÿ˜
03/11/2025

๐Ÿ˜

Address

Bacolod CIty
6115

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Agora Studios posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share