18/08/2025
TORRE, HUMINGI NG PAUMANHIN DAHIL HINDI AGAD MASAGOT ANG MGA TAWAG SA 911
Nanawagan si PNP Chief P/Gen. Nicolas Torre III na huwag naman sanang batikusin mabuti ang kanilang 911 hotline dahil lamang sa hindi agad nasasagot ang kanilang tawag.
Ayon kasi kay Torre ay may ilan na nagrereklamo na umaabot sa sampung ring bago sagutin ang 911.
"May mga kritiko na nagpalabas... pinag-demohan tayo diyan bakit daw sampung rings dahil sabi ko nga three rings.... Masyado naman kayong perpekto," ani Torre.
"10 rings eh 30 seconds lang yan. Pwede ba bigyan mo naman kami ng kalahating minito. Huwag naman masyadong banat agad... Sorry na po... na-late kami ng 20 seconds. Pasensya na po. Sa susunod gawin namin talaga 10 seconds," dagdag pa ni Torre.