The Flare - Cvsu Imus

The Flare - Cvsu Imus The Flare is the Official Student Publication Unit of Cavite State University Imus Campus.

The Official Student Publication of Cavite State University-Imus Campus
(est. 2012)

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | CSG at BITS, bigo sa HALALAN 2025Pormal nang inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga na...
20/07/2025

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | CSG at BITS, bigo sa HALALAN 2025

Pormal nang inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nagwagi sa HALALAN 2025 na kung saan, walang kandidato ang naisama sa hanay ng Central Student Government (CSG) at Builders of Innovative Technologists Society (BITS) kahapon, Sabado, ika-19 ng Hulyo.

May mga organisasyon na lahat ng kinatawan ay nanalo kabilang ang Business Administration Society, Cavite Communicators, at Samahan ng mga Mag-aaral ng Sikolohiya.

May mga organisasyon na hindi lahat ng miyembro ay naihalal katulad ng Educators' Guild for Excellence, Cavite Young Leaders for Entrepreneurship, at Circle of Hospitality and Tourism Students.

Ayon sa Facebook post ng COMELEC, idineklara bilang mga nanalo ang mga kandidatong nakakuha ng higit sa 50% na boto batay sa kanilang populasyon. Habang ang mga hindi naman nakaabot dito ay nangangahulugan ng pagkatalo.

Ito ang ika-dalawang termino na walang kandidato mula sa CSG ang mailuluklok matapos ang ilang araw na botohan.

Sa naganap na botohan mula ika-10 ng Hulyo hanggang ika-14 ng Hulyo, 3,296 mula sa 5,213 na kabuuang populasyon ng pamantasan ang nakaboto ngayong halalan.

via Liberty Dela Cruz, Staff Writer

Layout by Michaela Reyes, Associate Production Editor
Mark Kevin Serinas, Layout Artist
Carl Luis Matin-ao, Associate Chief Layout Artist

Editor's note: This post has been re-uploaded after it was removed by META.

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, opisyal nang  isinara ang botohan para sa HALALAN 2025Pormal nang isinara ng Commission on El...
14/07/2025

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, opisyal nang isinara ang botohan para sa HALALAN 2025

Pormal nang isinara ng Commission on Elections ang online voting ballot matapos ang apat na araw ng botohan ngayong gabi, ika-14 ng Hulyo.

Mula ika-10 ng Hulyo hanggang ika-14 ng Hulyo, mahigit 3,000 na estudyante ang bumoto sa eleksyon upang pumili ng mga kinatawan nila sa kani-kanilang lider-estudyante sa academic organizations at sa Central Student Government (CSG).

Ulat ni Liberty Dela Cruz, Staff Writer

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, hinabaan muli ang botohan hanggang ika-14 ng HulyoOpisyal na inanunsyo ng Commission on Elect...
13/07/2025

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, hinabaan muli ang botohan hanggang ika-14 ng Hulyo

Opisyal na inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na magbibigay ito ng huling karagdagang araw para sa botohan ng HALALAN 2025 hanggang bukas, Lunes, ika-14 ng Hulyo, ayon sa kanilang Facebook post.

Ang anunsyong ito ay inilahad ilang minuto bago matapos ang botohan.

Hinihikayat ng COMELEC ang lahat ng lehitimong estudyante ng Cavite State University Imus na gamitin ang karapatang bumoto para sa kanilang mga kinatawan sa Academic Organizations at sa Central Student Government (CSG).

Narito ang Google Form link upang makaboto:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdn22T4_h81pXAiEu1KR3wtfltVIeRWq1o_hkIZ72NSeGxmkw/alreadyresponded

Ulat ni Liberty Dela Cruz, Staff Writer

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | Ilang minuto na lamang ang nalalabi bago magsara ang botohan. Tinatayang umabot na ng 3,222 mula sa ka...
13/07/2025

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | Ilang minuto na lamang ang nalalabi bago magsara ang botohan. Tinatayang umabot na ng 3,222 mula sa kabuuang bilang na 5,213 na mga estudyante ang nakaboto, mula sa huling datos ng CvSU Imus Commission on Elections (COMELEC).

Nakatakdang magsasara ang botohan ngayong araw, Hulyo 13, 11:59 ng gabi.

Ulat ni Liberty Dela Cruz, Staff Writer

Paglalapat nina Carl Luis Matin-ao , Associate Layout Artist
Leila Anne Candelaria, Chief Layout Artist
Mark Kevin Serinas , Layout Artist

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ| Umabot na sa 58.28% ng kabuuang populasyon ng mga estudyante ang naitalang verified voters para sa huling araw ng...
13/07/2025

๐ˆ๐‚๐˜๐Œ๐ˆ| Umabot na sa 58.28% ng kabuuang populasyon ng mga estudyante ang naitalang verified voters para sa huling araw ng pagboto para sa Student Elections 2025.

Nakatakdang magsara ang botohan ngayong araw, Hulyo 13, sa ganap na 11:59 PM.

๐‚๐•๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, iniusod ang botohan hanggang Hulyo 13Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na magbib...
12/07/2025

๐‚๐•๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, iniusod ang botohan hanggang Hulyo 13

Inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) na magbibigay ito ng karagdagang araw para sa botohan ng Halalan 2025 hanggang bukas, Linggo, ika-13 ng Hulyo, ayon sa kanilang Facebook post.

Ang halalan ay nakatakda sanang matapos ng 11:59 ng gabi ngayong araw. Ang karagdagang araw ay upang makapagbigay-daan sa mga hindi pa nakapagsusumite ng kanilang boto.

Ayon sa kanilang pinakahuling ulat ng voting progress kaninang 4:25 ng hapon, nasa 2,703 pa lamang ang nakaboboto mula sa 5,213 na populasyon ng unibersidad.

Hinihikayat ng COMELEC ang lahat ng lehitimong estudyante ng CvSU-Imus na gamitin ang karapatang bumoto para sa kanilang mga kinatawan sa Academic Organizations at sa Central Student Government (CSG).

Narito ang Google Form link upang makaboto: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdn22T4_h81pXAiEu1KR3wtfltVIeRWq1o_hkIZ72NSeGxmkw/alreadyresponded

Ulat ni Liberty Dela Cruz, Staff Writer

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, inilabas ang ikaapat na voting progressBatay sa pinakabagong ulat ng Commission of Elections ...
12/07/2025

๐‚๐ฏ๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, inilabas ang ikaapat na voting progress

Batay sa pinakabagong ulat ng Commission of Elections (COMELEC), patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng nakaboto para sa HALALAN 2025 kaninang 10:15 a.m., Sabado, ika-12 ng Hulyo.

Inaanyayahan ang bawat estudyante sa Cavite State University Imus Campus na gamitin ang kanilang pagkakataon at karapatan na bumoto, gamit ang kanilang mga CvSU account.

Nagsimula ang botohan noong Huwebes, ika-10 ng Hulyo, at magtatapos ngayong ika-12 ng Hulyo, 11:59 ng gabi.

Narito ang Google Form na nagsisilbing electronic ballot, pindutin ito upang makaboto:
https://forms.gle/8wDCQk6kBzwsiyNG9?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR4tZy49ZbfFzKaoWdPPqJr64Zdq9b-kSB-mAvzF4w82pRPFFXVbZ7bnjquR-w_aem_smnvRX8iDMOF68kM5EoIkQ

Ulat ni Liberty Dela Cruz, Staff Writer

๐‚๐•๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, naglabas ng voting progress ng 2025 Student ElectionsInilahad ng Commission on Elections (COM...
11/07/2025

๐‚๐•๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, naglabas ng voting progress ng 2025 Student Elections

Inilahad ng Commission on Elections (COMELEC) ang listahan ng kasalukuyang bilang ng verified voters na nagsumite na ng kanilang mga boto sa Halalan 2025, batay sa kanilang Facebook post ngayong Biyernes, ika-11 ng Hulyo.

Samantala, nananatiling bukas ang electronic ballot at hinihikayat ang lahat na ipasa na ang kani-kanilang mga balota bago o sa araw ng pagtatapos ng botohan.

Matatandaan na nagsimula ang botohan noong Huwebes, ika-10 ng Hulyo at magtatapos sa Sabado, ika-12 ng Hulyo, ganap na 11:59 ng gabi.

Inaanyayahan ang bawat mag-aaral ng CvSU Imus na gamitin ang kanilang karapatan sa pagboto at isumite na ang kanilang mga balota para sa kani-kanilang mga akademikong organisasyon at sa Central Student Government (CSG).

Narito ang form ng electronic ballot para sa mga hindi pa nakakaboto:
https://forms.gle/8wDCQk6kBzwsiyNG9

Ulat ni Jannah Miraballes, Staff Writer

๐Ž๐๐ˆ๐๐ˆ๐Ž๐ | ๐๐ž๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐๐† ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘Is will to serve, enough? As the campaign period for the 2025 student elections comes to a clo...
11/07/2025

๐Ž๐๐ˆ๐๐ˆ๐Ž๐ | ๐๐ž๐’๐„๐‘๐•๐ˆ๐๐† ๐‹๐„๐€๐ƒ๐„๐‘

Is will to serve, enough? As the campaign period for the 2025 student elections comes to a close, we have heard the visions, advocacy, and platforms of every candidate for the student body. And if there is one common denominator that all these candidates share, which we frequently hear from them, it is their undying will to serve. As the mantra goes saying, โ€œPara sa Kabsuhenyo, buo ang serbisyo.โ€

It is easy for one to claim that they have the will to serve. The question is, whom, what, and where to serve?

๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐ฐ๐ก๐จ๐ฆ?
As student leaders, they ought to serve someone. When leading the student body, you are leading by serving. A leader provides solutions that will benefit the students. They should be the bridge of the students to the administration by standing as their representation, not the other way around. Otherwise, they opt to serve the latter.

There are student leaders who are indeed willing to serve โ€“ those who have been elected not to lead but to merely follow. These are the so-called leaders who are lenient to what is being told rather than being demanded. We call them student-leaders, where the emphasis is on the word โ€œstudent.โ€

๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐ฐ๐ก๐š๐ญ?
During the campaign period, we witnessed how all candidates asserted that they were after the progress, for empowerment, and inclusive leadership. But let us hold on to the reality โ€“ similarly to the national elections, these platforms can be shallow promises to reflect their willingness to serve without a genuine understanding of what the studentry truly needs.

Some are advocates of transparency, mental health awareness, or even possess the pursuit of constitutional convention for organizational charters โ€“ but when asked about the actual steps for these initiatives, the answers are either vague or insubstantial.

What is being served, then? Are the candidates after the interest of the students or merely the interest of themselves? Are they laying solutions or slogans?

๐’๐ž๐ซ๐ฏ๐ข๐ง๐  ๐ฐ๐ก๐ž๐ซ๐ž?
Student issues remain prevalent on our campus โ€“ rampant academic concerns linger unresolved, the gaps between the communication of the students and the administration are still evident, and other predicaments where student leaders may play a crucial role in resolving. The question is, where will these aspiring leaders choose to serve?

Will these leaders serve within the bounds of their subordinates? Will they simply serve through conducting events for studentโ€™s merriment? Or will they have the courage to serve in spaces of conflict in which they need to be the voice of the voiceless? Their will to serve must go beyond the words they utter during the campaign.

Serving must be done even in places where they cannot be acknowledged, without people who will give them applause, and without anything in exchange for service.

๐“๐ก๐ฎ๐ฌ, ๐ข๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐ฐ๐ข๐ฅ๐ฅ ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ž๐ซ๐ฏ๐ž, ๐ž๐ง๐จ๐ฎ๐ ๐ก?
Will is simply a drive to aim for something โ€“ to obtain a position or to change a notion. But leadership demands more. It comes with competence, courage, and genuine compassion. Without these three, oneโ€™s will to serve is a drive with no clear pathway to a better government for the student body. Having a good intention is not enough to create change.

As we cast our votes during this election, let us be reminded that the most fundamental trait of a student leader is not simply possessing the will to serve โ€“ but the wisdom to serve well.

By Jayson Pascua

Editorโ€™s Note: The views and opinions expressed by the opinion writer do not necessarily state or reflect those of the publication.

๐‚๐•๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, opisyal nang binuksan ang botohanPormal nang binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) an...
10/07/2025

๐‚๐•๐’๐”๐…๐…๐‘๐€๐†๐„ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“ | COMELEC, opisyal nang binuksan ang botohan

Pormal nang binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang botohan para sa Halalan 2025, kung saan inaasahang makikilahok ang mga estudyante sa pagpili ng kanilang mga kinatawan sa kani-kanilang organisasyon at sa Central Student Government (CSG). Nagsimula ang botohan ngayong ika-10 ng Hulyo at magtatapos sa ika-12 ng Hulyo, ganap na 11:59 ng gabi, ayon sa Facebook post ng COMELEC, ngayong Huwebes.

Ang botohan ay kasulukuyang isinasagawa online sa pamamagitan ng isang Google Form link, na maaaring masagutan ng mga estudyante gamit ang kanilang CvSU email account.

Pinapaalala ng COMELEC na hindi tatanggapin ang personal na email, at dapat siguraduhin na tama at kumpleto ang lahat ng impormasyon ng mag-aaral. Iisang beses lang din puwedeng bumoto.

Upang manalo ang isang kandidato, kailangan makakuha ng 50% + 1 ng kabuuang boto mula sa mga estudyanteng naka-enroll sa kanilang programa (Academic Organizations) o mula sa lahat ng estudyante sa CvSU-Imus (Central Student Government).

Narito ang link para sa HALALAN 2025:
https://docs.google.com/forms/u/0/d/e/1FAIpQLSdn22T4_h81pXAiEu1KR3wtfltVIeRWq1o_hkIZ72NSeGxmkw/alreadyresponded?usp=send_form

Ulat ni Liberty Dela Cruz, Staff Writer

COMELEC, Inanunsyo ang pagtatapos ng Campaign Period para sa Halalan 2025Natapos na ang panahon ng pangangampanya para s...
09/07/2025

COMELEC, Inanunsyo ang pagtatapos ng Campaign Period para sa Halalan 2025

Natapos na ang panahon ng pangangampanya para sa 2025 Student Elections na ibinaba ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang Facebook post, ngayong Huwebes, ika-10 ng Hulyo.

Dadako na ang halalan sa botohan at hindi na maaaring magsagawa pa nang anomang direkta o hindi direktang pangangampanya ang sinoman sa mga kandidato sa mga susunod na oras at araw.

Mapapatawan ng parusa ang sinomang lumabag dito batay sa electoral guidelines.

Ito ay pagkatapos nang araw na isinagawa ang Miting de Avance, kung saan inilahad ng mga tatakbo ang kanilang mga plataporma at plano, noong ika-9 ng Hulyo

Ulat ni Jannah Miraballes, Staff Writer

Address

Bacoor

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Flare - Cvsu Imus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share