17/10/2025
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | Patuloy sa kanilang adbokasiya para maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawa, nagsagawa muli ang Social Security System (SSS) Bacoor Branch ng Run After Contribution Evaders (RACE) Program ngayong buwan ng Oktobre.
Layunin ng programa na paalalahanan at hikayatin ang mga employer na ayusin ang kanilang mga kontribusyon sa SSS upang matiyak na natatanggap ng kanilang mga empleyado ang mga benepisyong nararapat sa kanila.
Sabayan at masinop na isinagawa ng SSS Bacoor ang inspeksyon sa ibaโt ibang establisimyento sa lungsod. Ilan dito ay isang salon sinundan ng isang clinic, isang center ng eSynergy International at dalawa sa nakapaloob sa isang mall, dalawang salon, isang repair shop, at businesses tulad pag-bebenta ng produkto sa katawan at medical supplies. Kasama rin na binisita ang dalawang nakapaloob sa public market.
Umabot sa โฑ1.5 million ang kabuuang delinquencies mula sa sampung establisimyento, kabilang ang principal contributions at penalties, ayon sa SSS Bacoor Branch.
Sa bawat pagbisita, maayos na kinausap ng mga kinatawan ng SSS ang mga may-ari at empleyado upang ipaliwanag ang kahalagahan ng tamang pagbabayad ng kontribusyon.
Ayon sa pamunuan ng SSS Bacoor, isinasagawa nila ang ganitong aktibidad hindi bababa sa isang beses kada buwan upang mapalawak ang kamalayan ng mga negosyo tungkol sa kanilang pananagutan sa ilalim ng batas.
Sa pamamagitan ng RACE Program, umaasa ang SSS na mas marami pang employer ang magiging responsable sa pagbabayad ng kontribusyon. Isang hakbang tungo sa mas matatag na seguridad sa hanapbuhay ng bawat Pilipino.