Gimeno TV

Gimeno TV Panibagong Araw, Panibagong Bike Day!
🟢 Bike to Work Enthusiast since 2017
🟢 Creating Contents since June 2024
✉️ Work with me: [email protected]
(2)

First outdoor ride after almost 2 weeks! 🙌Grabe, ang saya lang makabalik kahit medyo bumaba yung average speed ko dahil ...
31/08/2025

First outdoor ride after almost 2 weeks! 🙌

Grabe, ang saya lang makabalik kahit medyo bumaba yung average speed ko dahil sa traffic sa Buhay na Tubig at Camella. Still, nothing beats the joy of pedaling outdoors!

✅ First time using my new Kocevlo Aerobar - solid ang stability at comfort, sobrang game changer lalo na sa flats.
✅ Wrapped it up with Banig Bar Tape from Bicycle Project Manila - ang ganda ng grip, breathable pa at stylish sa mata.
✅ And of course, suot ko na rin ang first cycling jersey ko from Bravado. Sports Apparel - swak sa fit, lightweight, at super comfortable.

All in all, sulit lahat. Can’t wait for more rides ahead!

📸 Sir Jay of Jayeva Photography

10 Kilometers Walktrip: MOA - Manila Bay - Vice Versa!Habang si misis busy sa Beauty Con sa SMX, ako naman nag-decide ma...
30/08/2025

10 Kilometers Walktrip: MOA - Manila Bay - Vice Versa!

Habang si misis busy sa Beauty Con sa SMX, ako naman nag-decide maglakad-lakad mula MOA papunta sa Manila Bay at kung saan-saan pa 🙂

Wala sa plano, pero grabe… ang peaceful din ng ganito. Yung tipong solo walktrip na ikaw lang, walang pressure sa pacing, walang iniisip, enjoy lang sa paligid at tamang langhap ng singaw ng dolomite 🙈

✅ Nakakaclear ng mind
✅ Exercise na walang masyadong pressure sa pace kasi chill lang
✅ Nakakatulong para makapag-reflect at makapag-isip
✅ Plus, may mga nadidiscover ka pang spots na di mo usually napapansin

Minsan, best trips talaga yung hindi planado. 😄

DPWH YAYA RIDE! 💪Eto na ang pinakahihintay ng lahat! Laging tatandaan ang meaning ng DPWH:⚫️ Di Pwede Walang Hangin (Ang...
29/08/2025

DPWH YAYA RIDE! 💪

Eto na ang pinakahihintay ng lahat! Laging tatandaan ang meaning ng DPWH:
⚫️ Di Pwede Walang Hangin (Ang Gulong)!
⚫️ Di Pwede Walang Helmet (Safety)!
⚫️ Di Pwede Walang Hinto (Pahinga din)!
⚫️ Di Pwede Walang Hataw (Remate sa arko)!

Ang ruta natin: mga lugar na binabaha! At syempre, wag kalimutan na bumili tayo ng bike dahil sa payong! 🙌

LOST CELLPHONE!May napulot pong cellphone (📱 brand: POCO) ang kapwa siklista natin na si Mark Yves Lipata sa may Palipar...
29/08/2025

LOST CELLPHONE!

May napulot pong cellphone (📱 brand: POCO) ang kapwa siklista natin na si Mark Yves Lipata sa may Paliparan Silang Road.

Kung kayo po ang may-ari o may kakilala kayo na nawalan ng POCO phone, maaari pong makipag-ugnayan kay Mark sa 09463601835 para maibalik agad sa tamang may-ari. 🙏

Gusto ko na rin personally i-commend si bro Mark Yves Lipata for being an honest citizen at hindi nagdalawang-isip na isauli ang napulot na cellphone. Saludo kami sa ’yo bro! 👏

Paki-share nalang po mga bossing para mas mabilis makita ng may-ari.

Madilim na kalsada, delikado sa lahat - pero ngayon, narinig na tayo!Ngayong araw, nagkaroon po tayo ng pagkakataon na m...
29/08/2025

Madilim na kalsada, delikado sa lahat - pero ngayon, narinig na tayo!

Ngayong araw, nagkaroon po tayo ng pagkakataon na ma-interview nila Miss Winnie Cordero at Doc Dennis Ngo sa DZMM Teleradyo Aksyon Ngayon.

Dito ko niraise ang matagal nang issue ng poor lighting sa mga pangunahing kalsada sa Bacoor, Cavite - partikular na sa Aguinaldo Highway, Tirona Highway, at General Evangelista Street - na matagal nang nagiging delikado para sa mga siklista at motorista.

Sa tulong ng DZMM Aksyon Ngayon, naiparating ang concern na ito kay Sec. Manuel Bonoan ng DPWH. Ayon sa kanila, ito ay kanilang titingnan kasama ng local government. Dagdag pa rito, magsasagawa rin ng formal request at inquiry ang DZMM upang masimulan ang proseso. 🙌

Kami po ay lubos na umaasa na sa tulong ng media, DPWH, at LGU, magkakaroon na ng konkretong aksyon.

Hindi po ito para sa amin lang mga siklista kundi para sa lahat ng gumagamit ng kalsada. Ang tanging hiling lang namin: ligtas na daan para makauwi at makarating ng safe sa mga mahal namin sa buhay.

🏃‍♂️ RUNNERS, LET’S BE REAL…Marami sa atin iniipon yung sports gels at tinatabi lang for race day. Kasi iniisip natin: “...
28/08/2025

🏃‍♂️ RUNNERS, LET’S BE REAL…

Marami sa atin iniipon yung sports gels at tinatabi lang for race day. Kasi iniisip natin: “Doon naman importante.”

Pero alam mo ba? Training day is where the real fitness happens. Diyan mo binubuo ang stamina, endurance, at mental toughness na kailangan mo pagdating ng race.

Kaya hindi ko na hinahayaan na “bare” lang ang mga training runs ko. Instead, I fuel smart with Flashpoint Sports Fuel.

✅ 30g of fast-absorbing carbs - enough energy to keep my legs turning over kahit mahaba o intense ang takbo.
✅ Complete electrolytes - to fight cramping, dehydration, at fatigue.
✅ Only ₱70 - para hindi ka manghinayang gamitin, kahit sa bawat long run o interval session.

Ngayon, bakit ko siya gusto?
Kasi fueling shouldn’t be a luxury you only save for race day. If you practice with it during training, your body adapts better. You’ll know exactly how your stomach and energy respond - no surprises on race day.

With Flash Point, fueling every session is not just effective… it’s also affordable. 🔥

So next time you lace up your shoes, don’t just train hard - train fueled. Because the stronger you are in training, the faster and better you’ll be on race day.

⚡ Run with Flash Point. Fuel every session. ⚡

“MAHIHIYA DUMAPO ANG LANGAW!” 🤣Hahaha grabe naman yung comment na ‘to ni Sir Joel!Pero totoo yan guys kapag galing sa Ge...
28/08/2025

“MAHIHIYA DUMAPO ANG LANGAW!” 🤣

Hahaha grabe naman yung comment na ‘to ni Sir Joel!

Pero totoo yan guys kapag galing sa Gear Cycles ang gamit mo, panalo talaga sa linis. Lalo na yung bike shampoo at degreaser nila na sobrang effective sa pagtanggal ng dumi at grasa.

Bakit importante ang paglilinis ng bike lalo na ngayong tag-ulan?
⚫️ Dahil sa putik at ulan, mabilis mag-ipon ng dumi at grasa sa chain at drivetrain.
⚫️ Kapag napabayaan, mabilis masira ang components at mangangalawang pa!
⚫️ Malinis na bike = mas smooth ang ride at mas tumatagal ang parts.

Kaya guys, wag tipirin ang pag-aalaga sa bike. Sulit ang Gear Cycles bike wash items - proven na! 🙌

Guys, may niluluto ang kaibigan natin sa Bicycle Project Manila! 🙌Alam natin lahat na hindi madali maghanap ng bike shop...
27/08/2025

Guys, may niluluto ang kaibigan natin sa Bicycle Project Manila! 🙌

Alam natin lahat na hindi madali maghanap ng bike shop na malapit sa atin lalo na kung Facebook lang yung basehan. Dahil diyan, gumawa siya ng website na may collection ng iba’t ibang bike shops - maliit man o malaki - mula sa iba’t ibang lugar para mas madali yung paghahanap natin. 🔍

Hindi pa ito kumpleto at ongoing pa ang development, pero malaking tulong na yung initiative na ‘to para sa ating lahat.

May part din pala doon kung saan makikita niyo ang mga papalapit na cycling events, mga content creators sa cycling community, at iba pang bike-related topics.

Supportahan natin ang ganitong klase ng proyekto! 🙏🚲l

Boss, sorry pero Strava na naglaglag ng stats mo…
27/08/2025

Boss, sorry pero Strava na naglaglag ng stats mo…

Cyclist na, contractor pa… 🙈
27/08/2025

Cyclist na, contractor pa… 🙈

Ako’y isang biktima din… 🙈
27/08/2025

Ako’y isang biktima din… 🙈

STOLEN BIKE ALERT! 🚨Mga ka-biker, may lumapit po sa atin at nag-send ng message tungkol sa nangyari sa kanya. Si Sir Wal...
26/08/2025

STOLEN BIKE ALERT! 🚨

Mga ka-biker, may lumapit po sa atin at nag-send ng message tungkol sa nangyari sa kanya. Si Sir Walter Pots Yutuc po ay isa ding bike-to-work rider at sa kasamaang palad, ninakawan siya ng bisikleta na ginagamit niya araw-araw papasok sa trabaho. 😢

Kwento ng may-ari:
“ISA PO AKONG BIKE TO WORK… SA NGAYONG SITWASYON NINAKAW PO NG MGA KAWATAN YUNG BIKE KO NA GAMIT KO PAMASOK SA TRABAHO… DI KO NA ALAM NGAYON PANO ULET AKO BUBUO NG BISIKLETA PARA GAMITIN KO PAMASOK SA TRABAHO… AT SAYO NA KUMUHA NG BISIKLETA KO… PAGPALAIN KA NG DIYOS. NAWAY MAGING MALIGAYA KA SA GINAWA MO.”

⚫️ Lugar ng insidente: Greenhills Shopping Center bike parking
⚫️ Paraan ng pagnanakaw: Pinutol po ang bike lock

Sobrang sakit po nito para sa isang kapwa biker na araw-araw nagsusumikap at umaasa lang sa bisikleta para makapasok sa trabaho.

Kaya nakikiusap po kami sa inyo mga ka-biker at mga kaibigan dito sa ating community, sa simpleng pagshare po ng post na ito ay baka sakaling may makakita o makatulong para mahanap ang bike niya.

Ang bisikleta ay hindi lang gamit. Para sa iba, ito ay panghanapbuhay at paraan para makaraos sa araw-araw.

Address

Bacoor

Telephone

+639178470165

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gimeno TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share