04/07/2025
“Hindi ko pangarap ang mamahaling bag.
Ang gusto ko, grocery na hindi naka-calculator.”
Ang sarap siguro ng pakiramdam ‘no? Yung maggogrocery ka na hindi mo kailangang hawak-hawak yung phone mo para i-add lahat ng nilalagay mo sa cart. Yung hindi mo kailangan tanungin sarili mo kung “essential ba talaga ‘to?” o “may natira pa ba sa budget?”
Yung simpleng pagpili ng gatas, diapers, shampoo, at ulam sa hapag ay hindi na isang mental math challenge.
Hindi ko naman hinahangad ang mga bagay na magarbo. Hindi ko priority ang mamahaling gamit, branded clothes, o social media-worthy lifestyle.
Ang gusto ko lang talaga ay kapayapaan.
Yung kaya kong tustusan ang mga pangangailangan ng pamilya ko nang hindi ako kinakabahan tuwing may darating na bayarin. Yung hindi ko kailangang piliin kung pagkain o kuryente muna ang uunahin.
Ang pangarap ko ay simple:
Makapamuhay nang tahimik.
Makapaggrocery nang hindi kulang.
Makabayad ng bills nang hindi sumasakit ang ulo.
Mabigay ang gusto at kailangan ng anak ko, kahit hindi laging hinihingi.
Hindi ko kailangan ng mamahaling bag sa braso ko—
ang kailangan ko ay siguradong bukas may makakain pa kami.
Kaya habang nag-iipon, habang nagsusumikap,
tinitiis ko muna ang lahat—
dahil isang araw, makakamtan ko rin ang simpleng buhay na walang takot sa gastos.
Hindi marangyang buhay ang pangarap ko.
Pangarap ko yung hindi ako kakabahan kapag may kumatok na bayarin. 💸🙏🛒
- Mommy Munik