Once Upon A Reign

Once Upon A Reign Digital storyteller | Fantasy, folktales, & real-life echoes
📖 Creating worlds one story at a time.

Meet LALA - ang munting tutubi na may Pakpak ng Kabutihan 💫Siya ang simbolo ng liwanag, pagbabago, at kabutihang ipinapa...
20/11/2025

Meet LALA - ang munting tutubi na may Pakpak ng Kabutihan 💫

Siya ang simbolo ng liwanag, pagbabago, at kabutihang ipinapasa mo sa mundo, kahit gaano kaliit.

"Kapag mabait ka, lumilipad ang kabutihan."

Welcome to the world, Lala. 🧚‍♀️✨🩵

The beauty of small things ☕📸Sometimes, it’s the quiet objects that tell the loudest stories. 💭
07/11/2025

The beauty of small things ☕📸
Sometimes, it’s the quiet objects that tell the loudest stories. 💭

Want this? Just comment your name below and I'll send yours! 🙂
07/11/2025

Want this? Just comment your name below and I'll send yours! 🙂

I finally published my first digital story, Luna & Kai!This project means so much to me as I’m still learning and creati...
06/11/2025

I finally published my first digital story, Luna & Kai!
This project means so much to me as I’m still learning and creating little by little.
📚 Check it out on my Gumroad here 👇
https://onceuponareign.gumroad.com/l/rltunz?

Available on Gumroad

Designing and creating has become my happy place. I may be a newbie, but I’m proud of every ebook, printable, and pastel...
06/11/2025

Designing and creating has become my happy place. I may be a newbie, but I’m proud of every ebook, printable, and pastel design I make.

Welcome to my little creative world, "Once Upon a Reign," where stories and designs come to life!
Check out my works here:
🛒 Raket.ph: https://www.raket.ph/onceuponareign
📚 Gumroad: https://onceuponareign.gumroad.com/?

On Gumroad

Not every light is loud. Sometimes it’s quiet and enough. 🌙
29/10/2025

Not every light is loud. Sometimes it’s quiet and enough. 🌙

29/10/2025

“Not every fairytale starts with ‘once upon a time’… 🌙

Younger Self:Gusto ko na dyan.Older Self:Ay naku, wag ka dito. D’yan ka na lang muna kung nasaan ka, mas masarap pa dyan...
30/09/2025

Younger Self:
Gusto ko na dyan.

Older Self:
Ay naku, wag ka dito. D’yan ka na lang muna kung nasaan ka, mas masarap pa dyan. Ang daming stress dito, ninanakaw pa ang kaban ng bayan — charrr 🤭. At least ikaw, inosente ka pa, di pa bugbog sa problema.

Younger Self:
So… hindi pala masarap maging “matanda na, may trabaho na”?

Older Self:
Hindi, scam lang yung pangarap mo. Ang totoo, stress, bills, trabaho na walang katapusan, at eto pa, menopausal life. Dzai, sobraaaa, ang hirap. 😅 Kaya wag mo na i-wish, enjoyin mo yung simple mong mundo ngayon.

Sino relate?😁

Episode 3: Ang PagtakasNag-iba ang hangin sa bakuran. Mula sa masayang handaan, biglang lumalim ang katahimikan. Ang mga...
18/08/2025

Episode 3: Ang Pagtakas

Nag-iba ang hangin sa bakuran. Mula sa masayang handaan, biglang lumalim ang katahimikan. Ang mga matang kanina’y nakangiti ay ngayo’y tila naghihintay.

“Anak,” ulit ni Tinyente Gimo kay Isabel, “bakit hindi mo pa sila inihahain?”

Nanlamig si Clarita. Ang mga bulong kagabi, ang mga matang nakatitig sa kanya, at ang biglaang pagsasabi ng salitang hain—lahat ay nagtagpo sa isang iglap.

Hindi na siya naghintay. Tumalon siya mula sa upuan at tumakbo palabas ng bakuran.
“’Wag hayaang makatakas!” sigaw ni Gimo.

Narinig niya ang pagkalabog ng mga paa, ang mga itak na kumalansing, at ang mga babae’y nagsisigawan habang nagdadala ng lampara upang siya’y sundan. Naramdaman niyang nadulas siya sa damuhan, pero agad siyang bumangon, sugatan ang tuhod, at patuloy na kumaripas.

Sa gitna ng dilim ng kakahuyan, tanging liwanag ng buwan ang naging gabay niya. Rinig niya ang sariling hininga malalim, mabilis, halos masakal habang ang mga yabag sa kanyang likuran ay palapit nang palapit.

Hanggang sa isang iglap, dumaan sa kanyang pandinig ang isang nakapanghihilakbot na alingawngaw pakpak na humahaginit mula sa itaas. Sa liwanag ng buwan, nasilayan ng lahat ang isang nilalang na kalahating babae, kalahating halimaw, ang manananggal, tagapagsundo ng hain.

Kahit kakampi ito ng pamilya Gimo, marami sa mga taong humahabol ay napaurong, nanginginig at hindi makakilos sa hilakbot. Hindi lahat ay sanay humarap sa anyong tunay ng kanilang kasabwat. At sa pagkabiglang iyon, nagkaroon ng pagkakataon si Clarita na makalayo.

Hindi niya alam kung saan patungo ang kanyang mga paa, basta’t kailangan niyang makaligtas. Sa awa ng pagkakataon, nakalampas siya sa baryo, basang-basa ng pawis, hingal na hingal, saka lamang siya nakahinto.

Ang gabing iyon, hindi na niya muling malilimutan....

Si Clarita ang naging buhay na saksi na sa bahay ni Tinyente Gimo, ang handaan ay hindi para sa kasayahan, kundi para sa hain.

At mula noon, ang kuwentong ito’y paulit-ulit nang isinasaad ng mga matatanda:
na kung sakaling maimbitahan ka sa baryo ni Tinyente Gimo at sagana ang hapag, mag-ingat ka.
Baka ikaw na ang susunod.

🩸 Episode 2: Ang HainPagdilat ng mga mata ni Clarita kinabukasan, dama niya ang lamig ng hangin kahit tirik na ang araw....
25/07/2025

🩸 Episode 2: Ang Hain

Pagdilat ng mga mata ni Clarita kinabukasan, dama niya ang lamig ng hangin kahit tirik na ang araw. Amoy sabon pa rin ang mga kumot, at ang kulambo'y maingat na nakaayos sa gilid ng kutson. Tahimik ang buong bahay, pero hindi ang kanyang dibdib.
Naalimpungatan siya bandang madaling araw, at may naalala siyang mga bulong.

“Handa na ba siya?”
“Kanina pa. Hinihintay ka na lang.”
“Siguraduhin mong mahimbing ang tulog. Ayokong may sigaw.”
“Kailangan bago mag-ikatlo ng madaling araw.”

Napaupo siya bigla sa k**a.

"Panaginip lang siguro," bulong niya sa sarili.

Ipinilig niya ang ulo. Baka pagod lang siya kagabi, baka bunga lang ng kaba sa bagong lugar, o baka... hindi naman talaga siya ang tinutukoy sa bulong. Marami namang tao sa bahay kagabi. Baka may bisita pa silang iba? Baka may inaalagaan silang may sakit?
Ngunit habang nilalakad niya ang daan papuntang kusina, ang mga matang sumusulyap sa kanya ay tila sumusukat. Tahimik. Hindi mainit ang bati, hindi rin malamig. Basta... may kung anong iba.

Paglabas niya sa bakuran, laking gulat niya sa dami ng taong naroroon. Abala ang mga babae sa paghahanda ng lamesa sa ilalim ng punong mangga, habang ang ilang lalaki ay may bitbit na mga kahon, uling, at sangkalan na inilalagay sa isang sulok ng bakuran.

“Clarita!” tawag ni Isabel mula sa may pintuan, may bitbit na bandehadong may takip. Halatang mainit pa ang hawak, pinapahiran pa ng tuwalya ang gilid. “Gising ka na pala? Sakto lang, kakatapos lang naming magluto.

Lumapit siya at bahagyang ngumiti. “Kaldereta ‘to, espesyal na luto ni Papa,” dagdag ni Isabel na may pagmamalaki sa boses. “Tuwing pista lang siya nagluluto nito. Maupo ka na ro’n ha, para sayo ‘yan.”
Umupo si Clarita sa tabi ng mahabang mesa. Kumakalam ang sikmura niya pero hindi siya makakain. Sa kanyang harapan: nilaga, adobo, sinigang, kaldereta. Lahat mukhang masarap. Lahat... mukhang hindi dapat para sa kanya.

“Para sa'yo 'to. Walang ibang bisita ngayon kundi ikaw,” dagdag ni Isabel.

Napatingin siya sa paligid.

Wala nga. Siya lang.

Bumilis ang tibok ng puso niya. Naalala niyang sinabi sa bulong: "Kailangan bago mag-ikatlo ng madaling araw."

Pero... gabi na ulit mamaya. At buhay pa siya.

Ibig sabihin… hindi siya?

Napatingin siya sa isang matandang babae sa di kalayuan na nakatingin sa kanya, hindi kumukurap. Maya-maya’y ngumiti ito, ngiting hindi niya maipaliwanag kung may tuwa, awa… o hudyat.
Muli siyang napalunok. Hindi siya sigurado. Hindi siya makatiyak.
Pero sa dami ng ulam sa hapag, at sa dami ng matang nakatingin, isang tanong ang unti-unting gumugulo sa isip niya:
Kung hindi siya ang tinutukoy kagabi...

Sino?

O baka... hindi pa lang oras?

Itutuloy....

Address

Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Once Upon A Reign posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share