MomJen & NekoBabies

MomJen & NekoBabies . A day in my cats' life Mini Vlog small tiktok affiliate/ product recos for business purpose

Siyempre may entry din kami ng bebe ko.. Makiuso din kami sa 80's trend na yan.. Okay ba pormahan namin ng Mimi ko??? 😃😃...
12/09/2026

Siyempre may entry din kami ng bebe ko.. Makiuso din kami sa 80's trend na yan.. Okay ba pormahan namin ng Mimi ko??? 😃😃😃

04/09/2026

Bakit naman ako magagalit eh yung kasama kong pusa ang maldita😄😄😄 Ayan ang proof oh.. Mismo‼️
Aminado naman daw po siya ay maldita pero di daw masama ugali niya..mapanakit lang ang Madam Mimi nyo😄😄😄

04/08/2026

Meet my little bebe... Literal na maliit, sobrang liit.. Kaya ang name niya ay Liet☺
Sino mag akala na maka survive siya with her condition. Halos lahat ng kapatid niya hindi naka survive. Maliit din ang meowmy niya, actually super young pa din nun kasi ayun nabuntis nga... Tuwang tuwa ako sa kanya kasi ang liit niya.. Pero nagkukulitan na din siya ngayon.. Go go lang Liet 🥰

06/07/2026

Yung nanahimik ka at nagpapahinga tapos napag tripan ka naman ng nanay mong baliw🤣🤣🤣 Di mo alam kung maiinis ka ba sa boses ng nanay mo nakakasuya... Hahaha
Tumigil ka na kaya... Sarap na ng pwesto ng batang Katsu😄😄😄

02/07/2026

Kalma lang kayo guys... Si Choi lang yan, ang poging puspin ng Cavite😄
Laki na ng pinagbago mula sa madungis na outdoor cat at ngayon kumikinang sa puti ang mga balahibo ng aking Choi😊 Talagang iba ang ganda ng pusa kapag nabibigyan ng tamang alaga at pagmamahal.. Nawa'y lahat ng stray ay makatagpo ng forever homes..

01/07/2026

Thank you Mimi and Choi for the love and happiness you brought to our lives🥰 Thank you Papa G at tinuruan mo kaming magmahal ng mga pusa at gawin silang parte ng mga buhay namin. Alam kong binigay sila sa amin ni God para muling sumigla at bumangon ang aming pamilya. Hindi kayang tumbasan ng kahit na anong materyal na bagay ang saya na dulot nila sa buhay namin...

29/06/2026

Hihingalin at lalawit ang dila nyo sa mga makukulit na yan... Malamang ganito din ang mga alaga nyo.. Magsisimula sa grooming hanggang bardagulan to the max😄
Si Mimi at si Choi nung wala pa si Katsu.. Yan ang pinaka exercise nila, wag na di magdikit mga katawan parang mga nakukuryente at ready for action😄😄😄

28/06/2026

Yung anak ko takang taka kung ako pa ba ang meowmy niya o napalitan na ng iba😅
Kitang kita sa kanya yung kalituhan kung nasa tamang pamilya pa ba siya o wala na sa katinuan mga kasama niya sa bahay😆😆😆
Napag tripan lang kita Mimi, nag vocal chords lang ang meowmy mo🤣🤣🤣

25/06/2026

Naabutan na naman ng ulan ang mga bebeloves... Mga takot pa naman mabasa ang mga yan kaya tamang tambay muna, chill chill lang habang nagpapatila... Sarap naman din pag naulan, maginhawa sa pakiramdam, lumalamig ang paligid😊 Panuorin na lang muna daw nila ang pagpatak ng ulan at wala silang balak magtampisaw😄😄😄

25/06/2026

Makuha kayo sa tingin‼️😄 Tingnan nyo kung gano katalim ang mata ng Katsu boy na yan... Hehehe.. Wala siya magawa eh, binalutan namin siya ng comforter tapos nag off na kami ng aircon.. Asar na asar ang bebeng mainitin😆 Nakaisa na naman daw kami sa kanya..

Address

Bacoor
Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MomJen & NekoBabies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share