08/08/2025
Dito Nagsimula ang Takot Mong Magkamali.
Grade mo = worth mo.
Simula bata ka, tinuruan kang i-attach ang value mo sa isang numero sa papel.
Kapag mataas ang grade mo, “magaling ka.”
Kapag mababa, “mahina ka.”
Walang nagsabi na baka ibang klaseng talino ang meron ka.
🚨 This is how the Matrix sets you up to keep you in the prison of your own mind:
Grades reward memorization.
Hindi creativity.
Hindi critical thinking.
Hindi emotional intelligence.
Hindi resilience.
Sa classroom, kung gaano ka kagaling mag-ulit ng sagot na gusto nila, doon ka lang mataas ang tingin.
Ulitin mo ang sagot ng libro, hindi ang tanong ng utak mo.
• Mataas na grade? Pinupuri ka, binibigyan ng medalya, tinatawag na “honor.”
• Mababang grade? Napapagalitan, pinapahiya, minsan tinatawag pang “bobo.”
Unti-unti, natutunan mo na:
“Pag nagkamali ako, wala akong halaga.”
“Pag hindi perfect sagot ko, may kapalit na hiya.”
⚠️ ⚠️ ⚠️
Here’s the LONG-TERM DAMAGE you should watch out for:
• Natatakot kang mag-try ng bago kasi baka magkamali.
• Lagi kang naghahanap ng “safe answer” para hindi mapahiya.
• Kapag may risk, default mo ay avoid kaysa explore.
Ito yung dahilan kung bakit maraming tao ang nag-stay sa trabaho na ayaw nila,
o hindi nag-pursue ng passion — kasi natatakot sa “red mark” ng buhay.
🧠 🤔
Grades measure compliance to the system,
not the fullness of your potential.
Marami sa pinaka-successful na tao ngayon…
hindi 1st honor sa school, pero 1st mover sa buhay.
✅ This proves that:
Hindi ka bobo.
Pero pinalaki ka sa system na tinuruan kang kabahan sa bawat pagkakamali.
And that’s how they kept you in line.