08/04/2025
HUWAG KANG MAG-AASAWA KUNG:
1. Hindi ka pa handa sa mas malaking responsibilidad
2. Hindi ka pa sawa sa pagkadalaga o pagkabinata
3. Hindi ka pa tapos sa responsibilidad mo sa kinalakihang pamilya mo o kung sila pa rin ang magiging priority mo
4. Hindi ka pa handang magkaroon ng katuwang sa pagdedesisyon
5. Barkada at bisyo pa rin ang priority mo
6. Breadwinner ka at hindi ka marunong tumanggi sa lahat ng demands ng pamilya mo
7. Mahilig kang magpautang nang walang balikan dahil malaki ang chance na mag-suffer ang pamilya mo
8. Priority mo pa rin ang luho kaysa sa pamilyang bubuuin mo
9. Hindi mo kayang tanggapin na habambuhay ay mayroon nang sisita sa’yo kapag nakitang mayroon kang nagagawang mali
10. Hindi mo kayang ipagtanggol ang asawa at mga anak mo sa mga taong nagtatangkang sirain ang pamilya ninyo👌
11. Hindi mo kayang bumukod o humiwalay sa mga magulang at/o kapatid mo✅
12. Hindi ka marunong magpahalaga at magtrato nang tama ng anak at asawa✅