Princess Ann Jordan Alba

Princess Ann Jordan Alba Strong & independent woman.🥰💋
Soft hearted 😍✅

19/11/2025

😂

❤️

30/10/2025

Happy Birthday to my sister ❤️🥰 love love ka Ng ate mo bunso.💋💋💋🫶

30/10/2025

Bilang isang lalaki, ang paraan ng pagmamahal at pagtrato mo sa iyong asawa ang huhubog kung paano ka niya mamahalin, rerespetuhin, at susuportahan. Kung gusto mong siya ay magpasakop, rumespeto, at mag-alaga sa’yo, tanungin mo muna ang sarili mo: Ibinibigay ko rin ba sa kanya ang mga ito?

Ang respeto ay hindi pinipilit, ito ay kailangang paghirapan. Ang pag-ibig ay lumalago kapag inaalagaan. Ang isang babae ay natural na susunod sa iyong pamumuno kapag nararamdaman niyang siya ay ligtas, pinahahalagahan, at minamahal. Tigilan na ang pag-asang makakakuha ka ng higit kung hindi mo rin naman ito kayang ibigay. Kung gusto mong ipadama niya sa’yo na isa kang tunay na lalaki, maging lalaki ka na nagpapadama sa kanya na siya ay espesyal, mahalaga, at inaalagaan.

Ang pagiging pinuno sa pag-aasawa ay hindi tungkol sa pagkontrol, kundi sa pagmamahal at paglilingkod. Maging mabuting tao araw-araw, hindi lang para sa sarili mo kundi para sa kanya rin. Kapag pinakitaan mo siya ng kabaitan, pinarangalan mo ang mga ginagawa niya, at iniinvest mo ang oras at puso mo sa kanyang kaligayahan, tutugon siya ng mas higit pang pag-ibig at respeto.

Kung gusto mong maramdaman niya na isa siyang reyna, kailangan mo munang kumilos bilang hari na nararapat sa kanya. Tratuhin mo siyang mabuti, at ibabalik niya ito sa’yo nang mas higit pa. Sa pag-aasawa, ikaw ang nagbibigay ng pinakamagandang halimbawa.

CTTO.

Boys alam nyo na Ngayon ha? 🤭


゚viralシalシ

8 lessons na Natutunan ko kay Roxanne Guinoo sa Toni Talks1. Hindi lahat dapat ipaliwanag.Minsan, mas okay ang manahimik...
30/10/2025

8 lessons na Natutunan ko kay Roxanne Guinoo sa Toni Talks

1. Hindi lahat dapat ipaliwanag.

Minsan, mas okay ang manahimik. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa mga taong hindi naman interesado sa totoong nangyare. Mind over matter—‘wag mo silang isipin, kasi hindi sila mahalaga.

2. Makikinig lang ang tao sa gusto nilang paniwalaan.

Kahit anong paliwanag mo, iba pa rin ang kwento nila. Ang totoong kaibigan, tatanungin ka muna bago humusga. Pero kung naniwala agad sila sa tsismis, baka matagal na nilang hinihintay ang pagkakamali mo—o baka simula’t sapul, hindi ka talaga nila gusto.

3. ‘Wag habulin ang lumalayo.

Ang totoong tao sa’yo, hindi kailangang pilitin. Yung aalis, eh di bye.

4. Hindi mo kontrolado ang pananaw ng iba.

Kahit anong gawin mo, may masasabi pa rin sila. Imbes na baguhin ang isip ng mga sarado na, mas mabuting ipagpatuloy mo na lang ang pagiging mabuting tao.

5. Matuto sa pagkakamali, pero ‘wag ipilit ang paliwanag at wag maging defensive.

Aminin kung may mali ka, pero ‘wag mong sayangin ang oras mo sa pagpapaliwanag sa mga taong ayaw ka talagang unawain.

6. Hindi ka perpekto—pero sila din hindi.

‘Wag mong hayaang iparamdam sa’yo ng iba na ikaw lang ang nagkakamali. Lahat tayo may sablay, pero hindi lahat marunong umamin.

7. Kapag hindi ka na kayang siraan, gagawan ka na lang ng kwento.

At kapag dumating sa ganyan, hayaan mo silang maging scriptwriter ng sarili nilang teleserye. Ikaw, chill ka lang.

8. Protektahan mo ang iyong peace of mind.

Ilagay ang oras at energy mo sa mga bagay at taong may halaga.

Sa huli, ang katahimikan ng loob mo ang mas mahalaga kaysa sa opinyon ng mga makikitid ang utak.

# ゚viralシalシ

26/10/2025

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! Yorrie Ramirez, Mark Jann Corrales, Sherman Morandarte, Nhard Balatucan Pareño, Rowena Gransones, Gunio Tamoro Butch, Jhon Diaz

BIG ✅
18/10/2025

BIG ✅

18/10/2025

Madalas, kapag nasaktan tayo, unang instinct natin ay magtayo ng pader. Iniisip natin, “Ayoko nang mauna. Kung gusto niya, siya ang lumapit.” Pero sa totoo lang, pride lang ‘yan ang humaharang sa pagitan n’yong dalawa — hindi dahil wala nang pagmamahal, kundi dahil pareho kayong naghihintayan kung sino ang unang lalambot.

Sa isang relasyon, hindi mawawala ang tampuhan at hindi pagkakaintindihan. Pero kung pareho kayong nagpapataasan ng pride, walang mananalo — kasi pareho kayong talo. Minsan, kailangan mong ibaba ang pride hindi dahil mahina ka, kundi dahil mas importante sa’yo ang taong ‘yon kaysa sa pagiging tama. Ang totoo, ang paghingi ng tawad o pag-abot ng kamay, hindi ‘yan kababaan — ‘yan ay tapang.

At hindi lang sa romantic relationships ito applicable. Minsan kailangan din nating ibaba ang pride sa mga magulang natin, sa mga kapatid, o kahit sa kaibigan na minsang nakaalitan natin. Kasi habang buhay pa silang nasa tabi natin, may pagkakataon pa tayong ayusin. Kapag nawala na, wala nang saysay ang pride na ’yan.

Kaya tanungin mo sarili mo, “Mas mahalaga ba sa’kin ang pride, o ang taong pinanghahawakan ko?” Dahil sa dulo, ang tunay na malakas ay hindi ‘yung laging tama — kundi ‘yung marunong magpakumbaba kahit kaya niyang ipaglaban ang ego niya.✅

Tandaan mo, tao lang kaming mga babae marunong din kaming mapagod at sumuko kapag di na namin kaya.Saludo ako sa mga hus...
18/10/2025

Tandaan mo, tao lang kaming mga babae marunong din kaming mapagod at sumuko kapag di na namin kaya.

Saludo ako sa mga husband na
marunong makiramdam sa kanilang wife kung ano ang mga hinanaing.🫶


゚viralシ

Check on Your Wife—Not Just Her AttitudeSometimes we say, “She’s moody… she has an attitude today… she’s distant.”But ha...
18/10/2025

Check on Your Wife—Not Just Her Attitude

Sometimes we say, “She’s moody… she has an attitude today… she’s distant.”
But have you ever paused and truly checked on her—not just her tone?

✅ Check her mind – Is she overwhelmed by the mental load? Constant planning, organizing, remembering, worrying… it’s exhausting to always be the one holding everything together.

✅ Check her heart – Has she been hurt? Does she feel appreciated? Does she still feel seen, loved, valued—or has she been pouring from an empty cup for too long?

✅ Check her energy – Is she physically and emotionally drained? Is she sleeping well? Does she ever get a break, or does she go from one responsibility to the next without breathing?

✅ Check her silence – Sometimes silence isn’t peace. Sometimes it’s exhaustion. Sometimes it’s “I don’t even know how to ask for help anymore.”

Because the truth is…
A woman rarely “just has an attitude.”
Often she’s tired, overwhelmed, lonely, or running on survival mode.

Behind every heavy sigh…
Behind every quiet “I’m fine”…
Behind every forced smile…
…might be a woman who’s barely holding on.

So instead of saying: “What’s wrong with you?”
Try saying: “Are you okay? How can I help? What do you need?”

Be her safe place.
Be her partner—not just in bills, but in emotions, burdens, and healing.
Notice the little things. Offer comfort before she breaks.
Support her before she feels invisible.

A strong marriage isn’t built by avoiding problems.
It’s built by checking on each other’s hearts before they harden.

Sometimes the most loving thing you can do is simply say, “I see you. I’m with you. You don’t have to carry it all alone.”

Because she’s not just a wife.
She is human.
She is tired.
And sometimes… she is barely surviving.





Maling mali yung magsisinungaling ka sa partner o sa taong mahal mo, para hindi lang sya masaktan or hindi masaktan yung...
18/10/2025

Maling mali yung magsisinungaling ka sa partner o sa taong mahal mo, para hindi lang sya masaktan or hindi masaktan yung damdamin nya.

Kasi alam mo na LYING LOSES TRUST.
Mas mabuting magsabi ka ng totoo kesa magsinungaling at magtago ng sikreto.
Lying is another sign of TOXIC RELATIONSHIP.

Wag mong bigyan ng sama ng loob ang partner mo. Tandaan mo
Na ang pagsisinungaling ay nagiging sanhi ng mga problema at paglayo sayo ng loob ng partner mo.
It can also create doubts and insecurities to your partner!


❤️

18/10/2025

Kapag tahimik Ang BAHAY
nag pi -FacEboOK Ang nanay 🤭🤫✌️🤣

Bakit nga ba umiiyak ang isang lalaki?Alam natin na bihira yan mangyari, madalas nga sabi ng lipunan, lalaki ka bawal um...
18/10/2025

Bakit nga ba umiiyak ang isang lalaki?Alam natin na bihira yan mangyari, madalas nga sabi ng lipunan, lalaki ka bawal umiyak.Wait lang.Bakit nga ba umiiyak ang isang lalaki?Alam natin na bihira yan mangyari, madalas nga sinasabi ng lipunan, lalaki ka bawal umiyak.
Pero eto ang totoo.Kapag ang isang lalaki ay lumuha dahil sa isang babae, ibang level na pagmamahal yan, kasi hindi lang siya basta nagpakita ng emosyon, ipinakita niya ang pinakamahina niyang bahagi na madalas niyang itinatago sa mundo.
Ayon sa mga eksperto, natural na mas bihira silang umiyak dahil mas konti ang prolactin hormone sa katawan nila.
Kaya kapag nangyari ito, ibig sabihin hindi na niya kayang pigilan ang bigat ng nararamdaman niya at ang mga luhang yon kasama niyan ang oxytocin at endorphins na lumalabas, mga chemical na nagpapatibay ng koneksyon sa taong mahal niya.
Kaya isipin mo sa dami ng pagkakataong, kaya niyang magpigil, pero pinili niyang ilabas ang luha niya sa harap mo, doon mo malalaman na ikaw ang mundo niya.
Kasi ang tunay na nagmamahal na lalaki hindi natatakot na maging totoo, kahit pa kahinaan ang makita mo.At tandaan mo hindi lahat ng babae nabibigyan ng ganitong privilehiyo sa tunay na buhay.
Iba, iba ang paraan ng lalaki sa pagdadala ng emosyon, may umiiyak, may tahimik na nag aalaga, may nagpapakita sa gawa.
Kaya kapag nakita mong lumuha siya para sayo, tandaan mo na special ka kayo ba lumuha na din ba sa inyo ang partner niyo o hindi pa. At kung hindi pa, hindi ibig sabihin na hindi ka niya mahal.
Iba lang talaga ang paraan nila upang iexpress ang pakiramdam nila. 💔

Ctto...

Address

Bagac Bataan
Bagac

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Princess Ann Jordan Alba posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share