15/05/2026
Minsan naiisip ko… ang unfair ng buhay no?
Yung tipong gigising ka nang pagod, matutulog ka ring pagod, tapos parang walang nakakapansin kung gaano kabigat yung mga laban na pasan mo araw-araw. Walang audience. Walang cheers. Walang medal. Tahimik lang lahat habang pilit mong binubuo sarili mo kahit ikaw mismo, unti-unti nang napapagod.
There were days na gusto ko nalang huminto.
Yung pakiramdam na ikaw nalang lagi yung umiintindi, ikaw nalang lagi yung kailangang maging matatag. Habang yung ibang tao nakikita lang yung ngiti mo, hindi nila alam kung ilang beses ka munang umiyak bago mo nasabing “okay lang ako.”
Pero natutunan ko rin na hindi lahat ng laban may palakpakan. Hindi lahat ng effort may recognition agad. Minsan ang pinakaimportanteng laban ay yung tahimik, yung pagpili mong bumangon kahit wasak ka na emotionally, mentally, at physically. Yung kahit walang nakakakita, tuloy ka pa rin. Kahit walang nagchi-cheer para sayo, binibigay mo pa rin best mo parang championship game ang bawat araw.
Kasi totoo naman, survival na minsan ang buhay. And surviving silently is already a victory.
Sa lahat ng taong pagod na pero tuloy pa rin, proud ako sa inyo. Hindi man kayo napapalakpakan ngayon, pero every sacrifice, every puyat, every silent breakdown, at bawat beses na pinili mong lumaban instead na sumuko, may halaga lahat ng yan.
One day, marerealize mo nalang na yung mga araw na akala mong walang nangyayari, yun pala yung mga araw na hinuhubog ka ni Lord para maging mas matatag, mas mature, at mas ready sa blessings na matagal mong ipinagdarasal.
So if no one claps for you today, clap for yourself quietly. Celebrate the fact na nandito ka pa rin. Na kahit sugatan ka na ng buhay, marunong ka pa ring lumaban.
At tandaan mo, hindi nasusukat ang lakas ng tao sa dami ng nakakakita ng paghihirap niya. Minsan, ang tunay na malakas ay yung taong tahimik lang pero hindi sumusuko. 💯