Poem from Heart

Poem from Heart “Poem from Heart” is dedicated to sharing heartfelt poetry that resonates with the soul.

30/09/2024
30/09/2024

Nung una kitang nasilayan
Pagkamangha ay di maiwasan
Mga mata mong nangungusap
Na animong mga bituing kumikislap
Kaya di ko maiwasan na maibigkas
Ang mga salitang saaki'y magbibigay lakas
"There's no such forever if we are not meant to be together"

Sa lawak ng mundo
Bat ikaw pa tong nahanap ko
Hindi ba nito nahulaan
Na sa isa't -isa', y walang kinabukasan

Pilit kong tinatanong ang sarili
Kung bakit ako nauwing sawi
Nasawi sa pag-ibig na parehas nating tinayo
Ngunit bumigay ka para magkatayo hanggang dulo

Napakahirap isipin o ito ma'y tanggapin
Ano bang kulang saakin?
Pakiusap sabihin mo saakin
Upang may pagmamadali ko itong gagawin

Ngunit mukhang ako'y huli na
Sa puso mo'y may iba ng nagpapasaya
Kitang kita sainyong mga mata
Na kayo'y masaya sa isa't-isa

Kaya mahal salamat sa panahong ako'y iyong minahal
Kahit ang pag-iibigan natin ay di tumagal
Puso ko nama'y iyong pinasaya ng subra
Ngayo'y pinalalaya na kita
Sana'y sumaya ka sa piling niya

By: maiden03

30/09/2024

Hindi ko alam kung saan magsisimula
Nitong mumuting tula
Tula na gusto kong ialay sayo
Kahit malabo ng magkatayo

Hindi ko maikakaila na ika'y ubod ng gwapo
Patunay ang maraming nagkakandarapa saiyo
Ngunit hindi ako dun nahumaling
Kundi dahil sa ika'y kakaiba kaya ikaw ang hiniling

Nung una'y ika'y ubod ng ma***to
Kaya ako'y nagtaray sayo
Sa totoo lang di Tayo close sa isat isa
Anupat kung tayo'y magtatagpo'y nag-iiwasan talaga

Kaya ako'y talaga nalilito
Bat sayo pa nagkagusto
Bat ang puso ko'y iyong nasungkit
At sa puso'y tanging ngalan mo lang ang nakaukit

Minahal kita ngunit may mahal ka ng iba
Anung laban ko kung sa una pa lang ay talo na
Lah na finish na
Uwian na may nanalo na😂

By: maiden03

30/09/2024

Paglimot madaling sabihin
Mahirap namang gawin
Para bang isang magnet
Na hinihila ka pabalik
Pabalik sa kahapong puno ng sakit
Sakit dahil nagawa mong ipagpalit
Ewan ko ba dito sa puso kong kay kulit
Bumabalik parin sa iyo ng paulit-ulit
Pagmamahal ko kasi say'y parang mantsa
Na kahit anong pilit alisin hindi mawala wala
Na kahit iniwan mo ng nagdurusa
sa puso't isipan ko ikaw lang ang lamang sinta
Kasalanan mo kung ba't ako nagkaganito
Naging manhid na sa ginawa mo
Sinanay mo kasi ako sa pagmamahal mo
Pinasaya at pinakilig mo ng todo
Ngunit pag-ibig mo pala'y pansamantala
Na pati itong purong pagmamahal ko'y iyong sinamantala
Sinaktan mo't iniwang nag-iisa
Puso ko iyong winasak at pinag pirapirasu pa
Alam kong kailangan ng limutin ka
Ngunit sa puso ko'y ikaw lang talaga
Nagmumukha na nga akong tanga
Sa kahihintay sa iyong pagbabalik sinta
Ngunit naghihintay lang sa wala
Dahil hindi kana babalik pa
Masaya kana sa piling niya
At ang saktan siya ay di mo magagawa
Masaya ako para sayo
Na kahit masakit tatanggapin ko
Di man kita malimot sa ngayon
Pero magagawa ko din yan pagdating ng panahon
❤️

30/09/2024

Minsan na nga lang magmahal
Sa maling tao pa napunta
Yung akala mong magtatagal
Iiwan ka lang pala
Di ko maiwasang sisihin ang sarili ko
Dahil nagpaloko ako sayo ng todo
Sabihin man ng iba'y ako'y tanga
At least minahal ka ng tama, hindi ba?
Di ka naman karpentero
Pero ba't ang galing mo namang pumako
Dahil lahat ng yong pangako
Ni isa walang natupad mahal ko
Nais kong ipakita na ako'y matatag
Ngunit luha'y patuloy na lumalaglag
Magaling na nga akong mag pretend
Na ako'y ok kahit hindi
Mga ngiti mong ka'y tamis
Na noo'y nagpakilig sa akin ng labis
Ngayo'y pagkairitay di matiis
Sarap kac nilang burahin promise
Oo nga't ika'y gwapo't simpatiko
Pero tol hari ka ng manloloko
Minahal kita ng lubos
Pero tiwala ko'y iyong inubos
Ako'y nagtiwalang iyong mamahalin
Na kailanma'y di lolokohin
Pero aba't di pa nga nagtatagal
Meron ka ng ibang mahal
Pero salamat saiyo mahal ko
Dahil ako'y natuto
Maling gawing mundo ang isang tao
Mahalagang mahalin mo rin ang sarili mo
Dahil sa ngayo'y maraming manloloko
Makikita mo kahit sang kanto
Kaya mahalagang mapanuri
Para buha'y ay bumuti😂😂😂(kua kim is that u?)😂
By: maiden03

Address

Bagamanoc
1702

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Poem from Heart posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share