Baggao Information Office

Baggao Information Office This is the Official Information Page of Baggao in the social media. It will channel verified data.

PROVERBS 16:3 |  "Before you do anything, put your trust totally in God and not in yourself. Then every plan you make wi...
08/08/2026

PROVERBS 16:3 | "Before you do anything, put your trust totally in God and not in yourself. Then every plan you make will succeed."

AGOSTO 6, 2026, LOKAL NA PAMAHALAAN, NAGSAGAWA NG KONSULTATIBONG PAGPUPULONG PARA SA MGA MEAT VENDORSNagsagawa ang Lokal...
06/08/2026

AGOSTO 6, 2026, LOKAL NA PAMAHALAAN, NAGSAGAWA NG KONSULTATIBONG PAGPUPULONG PARA SA MGA MEAT VENDORS

Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Baggao ng isang konsultatibong pagpupulong para sa mga meat vendors sa buong bayan upang talakayin ang mahahalagang usapin, mga umiiral na alituntunin, at iba pang gabay na may kaugnayan sa kanilang hanapbuhay.

Pinangunahan ang programa ni Slaughterhouse Master Diosdado Ortiz, kasama sina Municipal Legal Officer Atty. Rudolph Juan, Municipal Administrator Mylene D. Pattung, Market Supervisor ng Market Section na si Engr. Jhonny Columna, at Municipal Agriculturist Ghiner Manding ng Municipal Agriculture Office, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at mga paalala upang matiyak ang maayos, ligtas, at wastong operasyon ng pagbebenta ng karne sa munisipalidad.

Dumalo rin sa nasabing pagpupulong ang mga Municipal Officials bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa sektor ng mga meat vendors at sa patuloy na pagsusulong ng Lokal na Pamahalaan ng maayos na pagpapatupad ng mga patakaran at serbisyong pampubliko.

Sa pamamagitan ng konsultatibong pagpupulong na ito, muling pinagtibay ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao ang kahalagahan ng pagtutulungan at bukas na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at ng mga meat vendors upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko at ang kalidad ng serbisyong ibinibigay sa mamamayan.

PUBLIC ADVISORY: LIFTING OF SUSPENSION OF CLASSESExecutive Order No. 59, s. 2026Please be informed that Municipal Mayor ...
06/08/2026

PUBLIC ADVISORY: LIFTING OF SUSPENSION OF CLASSES

Executive Order No. 59, s. 2026
Please be informed that Municipal Mayor Leonardo C. Pattung, M.D. has officially issued an order LIFTING the suspension of classes in the Municipality of Baggao.

- All levels (both public and private schools)

-Effective August 7, 2026(Friday)

The heavy rainfall brought by Tropical Storm "MAYMAY" that prompted class suspensions on August 5 and August 6, recent monitoring and assessment by the MDRRMC indicate that weather conditions in the municipality have significantly improved.

Classes shall resume as scheduled starting tomorrow, August 7, 2026. Stay safe, everyone!

ANNOUNCEMENTCALL FOR APPLICATIONS: PSHS 2027 NATIONAL COMPETITIVE EXAMINATION (NCE)The Philippine Science High School (P...
06/08/2026

ANNOUNCEMENT

CALL FOR APPLICATIONS: PSHS 2027 NATIONAL COMPETITIVE EXAMINATION (NCE)
The Philippine Science High School (PSHS) System, through its Cagayan Valley Campus, is conducting its Information Campaign and Caravan to reach out to deserving Grade 6 pupils who have a strong aptitude and potential in science, mathematics, and technology.

Qualifying for this examination opens doors to a prestigious STEM-focused education through the PSHS System.

Important Dates to Remember:
* Deadline for Filing of Applications: November 7, 2026
* National Competitive Examination (NCE) Date: January 30, 2027

Who Can Apply?
* Current Grade 6 pupils with demonstrated aptitude in science and mathematics.

Where to Get Application Forms:
* Online: nce.pshs.edu.ph
* In-Person: Any PSHS campus, DOST Regional Office, or Provincial Science and Technology Office (PSTO).

For Inquiries and Coordination:
* Contact Number: 0917-114-8213
* Email: [email protected]

Let us support our young learners in becoming the country's future scientists, engineers, innovators, and technology leaders!

BAGONG ACTING FIRE MARSHAL ITINALAGA SA BAYANNagsagawa ng courtesy call kahapon Agosto 5, 2026 ang bagong Acting Fire Ma...
06/08/2026

BAGONG ACTING FIRE MARSHAL ITINALAGA SA BAYAN

Nagsagawa ng courtesy call kahapon Agosto 5, 2026 ang bagong Acting Fire Marshal ng BFP-Baggao sa katauhan ni FINSP Edgar N. Lagget Jr. kina Mayor Leonardo Pattung, Vice Mayor Rowel Gazmen, at mga miyembro ng Sangguniang Bayan.

Si FINSP Lagget, na mula sa Rosales Fire Station sa Pangasinan, ay pormal na pinalitan si FSINSP Jhan Maurice Bumatay noong Agosto 4, 2026. Nagsilbi si Bumatay nang sampung buwan sa bayan bago naitalaga bilang bagong Acting Provincial Director ng BFP sa Batanes.

Nagpaabot ng pasasalamat ang pamahalaang lokal kay Bumatay para sa kanyang serbisyo, habang mainit namang tinanggap si Lagget sa kanyang bagong panunungkulan sa bayan.

BARANGAY NUTRITION PROGRAM MANAGEMENT (BNPM) ORIENTATION AT SEMINAR, MATAGUMPAY NA ISINAGAWAMatagumpay na isinagawa ang ...
06/08/2026

BARANGAY NUTRITION PROGRAM MANAGEMENT (BNPM) ORIENTATION AT SEMINAR, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA

Matagumpay na isinagawa ang tatlong araw na Barangay Nutrition Program Management (BNPM) Orientation at Seminar mula Agosto 4 hanggang 6, 2026 sa Mayor's Conference Hall, na dinaluhan ng mga barangay nutrition workers at iba pang mga kalahok mula sa iba't ibang barangay ng bayan.

Pinangunahan ang nasabing programa ng Municipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Dr. Olga-Joy A. Bautista, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan na palakasin ang pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon sa antas ng barangay.

Nagbahagi rin ng kanilang kaalaman at karanasan ang mga resource speakers mula sa Provincial Health Office (PHO), kabilang sina Corazon Baccay (ND II), Tristan Astrud del Rosario (HEPO II), ang retiradong nutritionist na si Rizza Narisma, at si Ofelia Soriano (DMO IV) na nagsilbing espesyal na panauhing tagapagsalita.

Sa loob ng tatlong araw, tinalakay ang mahahalagang paksa ukol sa wastong pamamahala ng mga programang pangnutrisyon, pagpaplano, pagpapatupad, at monitoring ng mga proyekto sa barangay upang higit na mapabuti ang kalagayang pangkalusugan at nutrisyon ng bawat komunidad.

Layunin ng BNPM Orientation at Seminar na higit pang mapaigting ang kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng mga barangay nutrition workers at iba pang lokal na katuwang upang matiyak ang epektibong pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa buong munisipalidad.

IKATLONG YUGTO NG SERBISYO CARAVAN, ISINAGAWA SA BARANGAY DALLA NGAYONG ARAW AGOSTO 6, 2026.Muling umarangkada ngayong a...
06/08/2026

IKATLONG YUGTO NG SERBISYO CARAVAN, ISINAGAWA SA BARANGAY DALLA NGAYONG ARAW AGOSTO 6, 2026.

Muling umarangkada ngayong araw ang Serbisyo Caravan ng Lokal na Pamahalaan ng Baggao sa Barangay Dalla.

Kasabay nito, dumalo rin si Cagayan Governor Edgar Aglipay sa nasabing programa kung saan personal niyang ipinagkaloob ang mga benepisyo sa ilalim ng mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan. Kabilang dito ang pagkakaloob ng pondo para sa 12 barangay na benepisyaryo ng No Barangay Left Behind (NBLB) Program, gayundin ang No Town Left Behind (NTLB) grant para sa Lokal na Pamahalaan ng Baggao na nagkakahalaga ng โ‚ฑ3 milyon. Naglaan din ang Pamahalaang Panlalawigan ng karagdagang โ‚ฑ3 milyong pondo sa ilalim ng Support to LGU Agricultural Program (SLAP) bilang suporta sa mga programang pang-agrikultura ng munisipalidad.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Punong Barangay ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa LGU Baggao sa muling pagsasagawa ng Serbisyo Caravan sa kanyang nasasakupan. Aniya, malaking tulong ito sa mga residente sapagkat ang lokal na pamahalaan mismo ang naglalapit ng iba't ibang serbisyong makatutugon sa agarang pangangailangan ng kanyang mga kabarangay.

Ayon naman kay Mayor Leonardo Pattung MD, hindi dito nagtatapos ang programang ito ng LGU Baggao. Sa halip, magpapatuloy ito dahil sa ordinansang ipinasa ng Sangguniang Bayan na naglalaan ng taunang pondo na nagkakahalaga ng P10 milyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng programa at maiwasang maparalisa ang mga serbisyong ibinibigay nito.

Kabilang sa mga serbisyong handog ng Serbisyo Caravan ang medical check-up, dental services, libreng tuli, pamamahagi ng vegetable seeds, libreng gamot,lreng gupit, libreng bigas,raffle draw at iba pang programang pakikinabangan ng mga mamamayan.

Sa panig ng Sangguniang Bayan, sinabi ni Vice Mayor Rowel Gazmen na makaaasa ang mga Baggaoeรฑo sa kanyang buong suporta para sa programa, kasama ang lahat ng miyembro ng konseho.

Patunay aniya rito ang pagpasa ng ordinansa para sa Serbisyo Caravan at ang taunang pag-apruba ng Sangguniang Bayan sa pondong hinihiling ng alkalde upang matiyak ang pagpapatuloy ng nasabing programa.

Kaugnay nito, patuloy ding nakikiisa sa pagpapatupad ng programa at pagpapanatili ng seguridad sa lugar ang mga kasapi ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP). Nakiisa rin ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng gupit at pagtulong sa pagsasagawa ng libreng tuli.Kasama rin ang Municipal Social Welfare and Development Office

(MSWDO),Municipal Health Office(MHO), Department of Agriculture(DA) ,Baggao District Hospital(BDH) at miyembro ng LGBTQA+.

Layon ng Serbisyo Caravan na ilapit sa mga mamamayan ang mahahalagang programa at serbisyo ng pamahalaan upang hindi na sila ang kinakailangang magtungo pa sa munisipyo. Sa halip, ang pamahalaan mismo ang nagdadala ng mga serbisyong ito sa kanilang mga komunidad upang mas marami ang makinabang

"MAYMAY" HUMINA AT NAGING TROPICAL DEPRESSION NA LAMANG; SIGNAL NO. 1, NAKATAAS PA RIN SA HILAGANG LUZONHumina na at nag...
06/08/2026

"MAYMAY" HUMINA AT NAGING TROPICAL DEPRESSION NA LAMANG; SIGNAL NO. 1, NAKATAAS PA RIN SA HILAGANG LUZON

Humina na at naging isang tropical depression na lamang ang Bagyong 'Maymay' habang tinatawid ang kabundukan ng Northern Luzon ngayong Huwebes ng umaga, Agosto 6, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa Tropical Cyclone Bulletin No. 13 na inilabas ng PAGASA dakong 11:00 AM, huling natagpuan ang gitna ng bagyo sa paligid ng Tanudan, Kalinga. Taglay nito ang maximum sustained winds na 55 km/h malapit sa gitna at pagbugso na umaabot sa 90 km/h, habang mabagal na kumikilos patungong timog-silangan.

Nakatakda pa ring magdala ng malalakas na hangin at pag-ulan ang bagyo sa malaking bahagi ng rehiyon, kung kaya't nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Cagayan Valley: Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, at ang timog na bahagi ng Babuyan Islands (Calayan, Dalupiri, Fuga, Camiguin).

Cordillera Administrative Region: Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, at Benguet.

Ilocos Region: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, at hilagang-kanlurang bahagi ng Pangasinan (Bolinao, Anda, Bani).

Central Luzon: Hilaga at gitnang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao).

Ayon sa pambansang ahensya ng panahon, inaasahang magpapatuloy ang paghina ni 'Maymay' habang kumikilos sa kabundukan at maaari itong maging isang remnant low na lamang ngayong hapon o gabi bago lumabas sa baybayin ng Cagayan o Isabela. Kalaunan ay inaasahang sasalihan nito ang sirkulasyon ng mas malaking Bagyong 'Dolphin'.

Samantala, pinaiiral din ang Gale Warning sa kanlurang baybayin ng Northern Luzon dahil sa matataas na alon na umaabot sa 4.5 metro. Mahigpit na pinapayuhan ang mga mangingisda at mayhawak ng maliliit na sasakyang-dagat na huwag munang pumalaot dahil sa panganib sa karagatan.

Nagpaalala rin ang mga awtoridad at Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO) sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na madalas bahain at magkaroon ng landslide na manatiling alerto at sumunod sa mga tagubilin ng lokal na pamahalaan.

06/08/2026

MDRRMO LGU-BAGGAO
Situational Report No. 04
Weather System: TROPICAL STORM (KUJIRA)
As of August 06, 2026, 8:00 AM
1. Mayor - In
Vice Mayor - In

2. Weather Condition:
- Clouds: OVERCAST
- Rains: LIGHT TO MODERATE RAINS with an average rains of 0.6 mm/15 minutes, 2.0 rain total/hour and 24 hour rains total of 98.0 mm
- Winds: LIGHT WINDS with winds speed of 2km/hr

3. PREPAREDNESS MEASURES UNDERTAKEN/ACTIONS TAKEN:
- Continuous Monitoring on PAGASA Latest Weather Update and Advisories and Information Dissemination to M/B DRRMCs via Social Media and G.C.
- Preposition of Response Assets and Rescue 116 Teams at 3 sub-stations (poblacion, tallang ang san jose)
- Close Coordination with BDRRMCs
- Continuous Sending of Sitrep to OCD, PDRRMC, and Other Agencies
-Close monitoring of roads and bridges by the Rescue 116 members on duty
- Integrated Command and Control Center (IC3) activated
-LCE suspended classes of kindergarten with the recommendation of the MDRRMO
-LCE suspended classes of all level tomorrow August 6, 2026 with the recommendation of the MDRRMO
-MDRRMC conducted MDRRMC MEETING as of today, 7:00 am August 06, 2026.

4. POWER INTERRUPTION:
*None

5. STATUS OF COMMUNICATION
*ALL ARE FUNCTIONAL

6. FLOODED AREAS:
*None

7. AFFECTED INFRASTRUCTURE: *None

8. AFFECTED AGRICULTURE: *None

9. EVACUEES:
*None

10. INCIDENT RELATED:
*None

11. STATUS OF ROADS:
*ALL ARE PASSABLE

12. STATUS OF BRIDGES:
*ALL ARE PASSABLE
-EXCEPT TABUAN BRIDGE

13. WATER LEVEL:
-Abusag Bridge (Normal level) as of 11:00 am
-Abusag Bridge (5m) as of 6:00 pm
-Abusag Bridge (5.2m) as of 11:00 pm
Abusag Bridge (Normal) as of 8:00 am

KEEP SAFE EVERYONE!

BaggaoIC3

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐ƒ๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐„๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐   #๐Œ๐š๐ฒ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐งNagpulong ang Municipa...
06/08/2026

๐Œ๐ƒ๐‘๐‘๐Œ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ”, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐ƒ๐š๐ก๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐„๐ฉ๐ž๐ค๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐๐š๐ ๐ฒ๐จ๐ง๐  #๐Œ๐š๐ฒ๐ฆ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ฒ๐š๐ง

Nagpulong ang Municipal DRRM Council upang tugunan ang mga pinsalang dulot at posibleng idulot ng Bagyong sa bayan, partikular ang mga mudslide sa pangunahing kalsada at tulay.

Ayon kay MDRRM Officer Narciso Corpuz, magkatuwang na magsasagawa ng clearing operations ang MDRRMO, PNP, BFP, Philippine Army, at LGU upang alisin ang mga putik at debris para muling mabuksan ang mga kalsada.

Samantala, habang kinukumpuni ang nasirang approach ng Tabuan Bridge sa Brgy. Mocag, pansamantalang bubuksan ang Bitag Pequeรฑo Steel Bridge sa mga kwalipikadong sasakyan. Nagpahayag din ng suporta ang contractor nito na tumulong sa rehabilitasyon ng Tabuan Bridge.

Patuloy namang pinaiingat ang publiko at pinapayuhang umiwas sa mga lugar na may banta ng landslide at pagbaha.

- Baggao Integrated Command and Control Center

Address

San Jose, Cagayan
Baggao
3506

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Baggao Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Baggao Information Office:

Shortcuts

Share