
03/10/2024
๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ง๐ข๐๐ข๐ฉ๐๐ฅ ๐
๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ญ๐ฌ -๐๐๐๐๐ก๐๐ซ๐ฌ ๐๐ฌ๐ฌ๐จ๐๐ข๐๐ญ๐ข๐จ๐ง , ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ง๐๐ง๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐
Naganap ang eleksyon at panunumpa ng mga opisyales ng SPTA mula sa Baggao North, East, South at West para sa panunuran 2024-2025 sa Baggao National Agricultural School sa araw na ito.
Pinangunahan at nagsilbing inducting officer ang PSDS ng Baggao na si Dr. Estrella Dimaya ang naturang okasyon, nagpahayag ng mensahe si Ma'am Star sa mga na halal na sana'y sila ay maging boses ng mga mag-aaral, magulang at g**o para sa ikabubuti ng mga paaralan at mapatibay pa ang pagtutulungan upang maging matagumpay ang anumang programang isasagawa ng kagawaran.
Samantala, taos pusong pinasalamatan at ipinaabot ang pagbati ng punong g**o na si Dr. Leyme V. Gonzales sa mga nahalal na opisyal.Kasabay nito ang kanyang hamon sa kanilang sinumpaang responsibilidad at pasasalamat sa kanilang pagdalo.
๐ท Ma'am Nicole Koh & Ma'am Baby Grace Corpuz