12/07/2025
𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗧𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗦𝗧𝗢𝗥🙏🫡
Akala nila 👇👇👇👇👇
Akala nila,
pag sinabing "Pastor,"
laging naka-long sleeves,
laging naka formal na damit,
laging kalmado,
laging may sagot sa lahat ng tanong.
Akala nila,
hindi napapagod, hindi umiiyak, hindi nasasaktan at laging malakas.
Pero kung alam mo lang, kapatid…
ang totoong buhay ng pastor?
Huwag kang magugulat, ha…
hindi po yan laging “Hallelujah.”
Buhay Pastor, hindi madali.....
Oo, masarap maging pastor.
Lalo na pag may kainan sa church —
ikaw ang VIP sa pila,
at laging may nagbubulong: “Si pastor, unahin n’yo.”
Pero dahil pastor ka mas pauunahin mo pa rin sila.
Pag uwian na, may nakaabang na plastic bag ng ulam,
minsan may prutas pa,
at kung blessed ka talaga —
may pa-love gift pa,
at minsan may pa T-shirt pa na may nakasulat na God bless you pastor
Pero aminado ako… malungkot din minsan.
Kasi kapag may emergency,
lahat may text sa’yo:
“Pastor, please pray for us...”
"Pero bihira ang magtanong:
“Pastor, kamusta ka na po ?”
Sanay silang tumakbo sa’yo kapag may problema,
pero bihira ang magtanong kung may problema ka rin.
Lahat humihingi ng payo,
pero hindi nila alam —
ikaw din minsan, gulong-gulo na ang isip mo.
Yung mga miyembro,
nagpapapray dahil may sakit ang anak nila…
pero ang ‘di nila alam,
ikaw din — may anak na may lagnat sa bahay,
pero kailangan mo pa ring ngumiti at mag-preach.
Parang wala kang karapatang mapagod,
wala kang room para madurog,
kasi “pastor ka eh.”
Pero ang totoo?
Tao ka rin at umiiyak rin.
At oo, totoo… mahirap maging pastor.
Hindi lang ito tungkol sa sermon.
Minsan feeling mo,
ikaw ang lahat sa church na parang isang taong multi-tasking machine.
Ikaw ang tagapagsalita,
ikaw ang magco-counsel bago ang service,
Ikaw ang susundo para sa gawain
tapos ikaw rin ang maghahatid pauwi pagkatapos.
Lunes hanggang Sabado,
iniisip mo na yung ituturo mo sa Linggo.
Nagpe-pray ka, nagre-research,
hinihintay ang direction ni Lord.
Pagdating ng Linggo,
bitbit mo ang Salita ng Diyos —
buong puso mong itinuro,
buong lakas mong ibinigay.
Tapos biglang may lalapit:
“Pastor, parang paulit-ulit na po ‘yang topic nyo"
“Pastor, parang narinig ko na yan”
"Aray 😢"
Hindi nila alam…
’yon na ‘yong mensaheng pinaiyak ka ni Lord sa kwarto.
’Yan ‘yong binuo Niya sa’yo habang hawak mo ang Biblia habang nakikinig ka sa Kanya.
Pero tahimik ka lang.
Ngumiti ka pa nga,
Kasi hindi mo naman yon ginagawa para sa palakpak.
Ginagawa mo yon — kasi tinawag ka.
“Be strong and do not give up, for your work will be rewarded.”
(2 Chronicles 15:7)
Pero eto ang totoo:
Sulit pa rin.
Hindi dahil laging masaya,
hindi dahil kilala ka,
hindi dahil may title kang "Pastor."
Kundi dahil alam mong si Lord ang pinaglilingkuran mo.
“Naglilingkod tayo sa Hari ng mga hari,
at Panginoon ng mga panginoon.”
(1 Timoteo 6:15)
Ang pastoring?
*Pinakamataas na calling – kasi kaluluwa ang inaabot mo, hindi lang attendance.
*Pinakamahirap na calling – kasi kahit hindi ka perfect, inaasahan kang parang si Jesus.
*Pinakabanal na calling– hindi dahil malinis ka,
kundi dahil araw-araw kang hinuhubog ni Lord.
*Pinaka-masaya na calling – kasi wala nang mas nakakaiyak na saya
kaysa sa dating may pasaway na member…
ngayon ay naglilingkod na sa Diyos.
Kaya kung may pastor ka sa buhay mo,
Please lang…
wag lang puro,
“Pastor, pwede pong pa-pray?”
"Minsan tanungin mo rin:
“Pastor, okay ka po ba?”
“Pastor, nakapagpahinga ka ba?”
“Pastor, may problema ka ba?
"Pastor, ano po maitutulong ko?
Huwag mo ring kalimutang sabihing:
Salamat, Pastor, sa pagmamahal.
Salamat, Pastor, sa sakripisyo mo.
Salamat, Pastor, sa pagtuturo mo.
Salamat, Pastor, sa pag-unawa sa amin kahit minsan matitigas ang ulo namin.
Salamat, Pastor, sa panalangin mong lihim pero makapangyarihan.
Salamat, Pastor, sa paggabay mo kahit pagod ka na.
Salamat, Pastor, sa pagtayo mong matatag sa gitna ng pagsubok.
Salamat, Pastor, sa pagiging huwaran ng pananampalataya.
Salamat, Pastor, sa pagiging totoo mong lingkod ng Diyos.
Salamat, Pastor, dahil pinili mong maglingkod kahit hindi madali.
At kung ikaw ang pastor…
Pakinggan mo ito:
Hindi sayang ang luha mo.
Hindi sayang ang sermon mo.
Hindi sayang ang sakripisyo mo.
Wag mong sukuan ang tawag sa iyo.
Dahil hindi si church,
hindi si member,
hindi si leader ang gantimpala mo…
kundi si Kristo.
“Ang iyong pagpapagal sa Panginoon ay hindi masasayang.”
(1 Corinto 15:58)
God bless everyone
Ctto