11/04/2026
HINDI DAW AKO MAGKAKA GIRLFRIEND SABI NG MANGHUHULA DAHIL WALA AKONG TULI,PAANO NYA NALAMAN YUN?
DEAR KUYA MID,
Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa kahihiyan na ‘to.
Nangyari kasi, sinamahan ko lang yung tropa ko sa isang manghuhula sa kanto. Alam mo na, trip-trip lang, pampalipas oras. Ako naman si tanga, natawa pa ako nung una kasi sabi ko, “Ano ba ‘yan, scam lang ‘yan.” Pero nung ako na yung pinaupo, biglang tumahimik yung manghuhula, tapos hinawakan kamay ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, parang ini-scan buong pagkatao ko. Kinabahan ako bigla, pero chill lang kunwari.
Tapos bigla niyang sinabi…
“Anak… hindi ka magkaka-girlfriend.”
Parang may sumabog sa tenga ko. Sabi ko, “Ha? Bakit naman po?”
Tumingin siya sa akin nang sobrang seryoso, tapos bumulong pa, parang may sikreto siyang ibubunyag…
“Kasi… wala kang tuli.”
Napatayo ako agad. “HOY?! Paano mo nalaman ‘yan?!”
Yung tropa ko sa gilid, tawang-tawa na. Ako naman, gusto ko na lang lamunin ng lupa. Hindi ko alam kung manghuhula ba talaga siya o may hidden CCTV sa buhay ko.
Simula nun, paranoid na ako. Iniisip ko, “Legit kaya ‘to? Paano kung totoo? Paano kung hanggang tanda wala akong jowa dahil lang dito?!”
After ilang araw na pag-ooverthink, hindi na ako mapakali. Kada may nakikita akong mag-jowa, napapaisip ako, “Ito na ba ang kapalaran ko? Single forever dahil sa… hindi pa ako tuli???”
Kaya ayun… isang umaga, nagdesisyon ako.
Pumunta ako sa clinic.
Kahit binata na ako, kebs na. Sabi ko sa sarili ko, “Bahala na, basta mabago lang ang kapalaran ko!”
Pagpasok ko, tinanong ako ng nurse, “Ilang taon ka na po?”
Sabi ko, “Ate, huwag niyo na po itanong… basta gusto ko na pong magkaroon ng pag-asa sa lovelife.”
Yung doctor parang napangiti pa, pero sige lang, ginawa na nila.
After ng operation, habang nakahiga ako, iniisip ko, “Ito na… bagong ako na ‘to. Sigurado na ‘to, magkaka-girlfriend na ako.”
Pagbalik ko sa tropa ko, proud pa ako. Sabi ko, “Pre, ayos na. Ready na ako sa destiny ko.”
Tapos yung gago kong kaibigan, biglang sabi:
“Eh kung hindi pala sa tuli yung problema mo?”
Simula nun, mas lalong sumakit yung sugat ko. Hindi ko alam kung dahil sa tahi… o dahil sa katotohanan
FROM SENDER