27/06/2025
Assalamu Alaikum warahmatullah.
Nakita ko po ang comment na ito sa isang video natin kamakailan lamang at aminado akong nabigla at nalungkot ako. Hindi po tama ang ganitong pag-iisip na kapag ang babae ay tumaba, pumangit sa paningin natin, o hindi na gaya ng dati, ay nawawalan na siya ng halaga.
Una sa lahat, tandaan natin na ang babae, lalo na ang mga ina, ay nagsasakripisyo ng katawan, oras, at lakas para sa asawa at pamilya. Ang pagtaas ng timbang o pagkakaroon ng physical changes ay natural, lalo na pagkatapos manganak. Hindi ito dahilan para mawalan sila ng respeto o pagmamahal.
Pangalawa, ang ganitong kaisipan ay hindi naaayon sa Islam. Hindi tayo tinuruan ng ating Propeta Muhammad ๏ทบ na suriin ang kababaihan batay lang sa panlabas. Sa halip, sinabi niya:
โAng pinakamahusay sa inyo ay ang pinakamahusay sa kanyang pamilya.โ
(Hadith โ Tirmidhi)
Pangatlo, kung ang lalaki ay nagmamahal lang kapag maganda ang babae, anong klaseng pagmamahal iyon? Panlabas lang? Kapag nawala na ang ganda, tapos na rin ang respeto? Ang ganitong mindset ay nakakasira hindi lang sa relasyon kundi sa kabuuan ng pagkatao natin.
Ang babae ay hindi trophy. Hindi siya para lang pagandahin at ipagmalaki. Siya ay partner sa buhay, katuwang, at ina ng ating mga anak. Kapag pinabayaan natin sila emosyonal man o pisikal tayo ang tunay na may pagkukulang.
Mga kapwa lalaki, huwag nating gawing batayan ng respeto at halaga ang itsura. Gamitin natin ang mata ng awa, pasasalamat, at taqwa. Dahil isang araw, lahat tayo ay tatanda, at haharap sa Allah hindi dahil sa itsura, kundi dahil sa ating puso, akhlak, at pagkilos.
Kung tunay tayong lalaki, tunay tayong Muslim itatama natin ang ganitong pag-iisip. Irespeto natin ang kababaihan hindi dahil perpekto sila, kundi dahil mahal sila ng Allah at sila ay pinagkatiwala sa atin.โ
Wa Allahu Aโlam.