10/06/2024
Anak,
Hindi mo utang ang buhay mo samin.
Ginusto namin magkaroon ng anak. Responsibilidad namin palakihin ka ng maayos sa abot ng aming makakaya.
Hindi mo kailanman kailangan bayaran lahat ng hirap at pagod namin sayo.
Hindi mo dapat isipin na kailangan mong yumaman para maibalik mo samin ang nagastos para sa pag aaral mo.
Dadating ang araw na magkakaroon ka ng sariling mong pamilya. Ayaw namin nakawin ang saya sa inyong tahanan. Ayaw namin maging dahilan ng pag aaway ninyong mag asawa.
Kung kami ay iyong reregaluhan, maraming salamat anak. Pero kung wala naman, maraming salamat padin dahil ikaw ang bigay ng Diyos sa amin.
Araw araw namin pinagdadasal sa Panginoon na bigyan kami ng lakas para mapalaki ka ng naayon sa kanyang kagustuhan.
Araw araw namin hinihingi sa Kanya na sana lagi ka Niyang gabayan lalo sa mga araw na hindi ka namin nakikita.
Pagtanda namin, hindi mo kami obligasyon.
Unahin mo ang pangarap mo.
Unahin mo ang pamilya mo.
Unahin mo ang sarili mo.
Tuturuan ka namin lumingon, pero hindi para balikan kami. Lumingon ka samin para kami ay maging isa mong inspirasyon.
Pagnawala kami sa mundo, magiging masaya kami kasi hindi kami nagkulang sa pagpapalaki sayo.
Kaya kung ikaw ay magkakaanak sa tamang panahon, sana ipamana mo sakanya ang aral na ito.
Kailan man hindi mo utang ang buhay mo sa magulang mo.
Our kids are not the continuation of our shattered dreams.
Hindi sila ipinagkatiwala satin para palakihin at tayo ay buhayin.
Our role as parents is to guide them and help them find their purpose in life.
We are the stewards of our children.