15/07/2026
Eto na guys, start na ng ating training plan! 🔥
Day 1 (marathon training): INTERVALS. Namiss ko to. 😅
Naalala ko nung first time kong ginawa to, halos mamuti na mata ko sa 5:00/km pace. Ngayon, ibang mindset na, trust the process.
May 2 months pa tayo para paghandaan ang goal nating sub 3:40 marathon. Pero sa totoo lang, hindi lang training ang focus ko. Mas pagbubutihin ko rin ang nutrition at kumpletong tulog para matapos ko tong training plan nang maayos, iwas burnout, at maibigay ko nang all out sa bawat session.
Consistency lang!!!
Run happy, guys!👊🏻🫡
Full vlog ng buong training journey natin coming soon. Let’s go! 🔥