01/11/2025
👀BASAHIN
Ito ang aking karanasan noong ako ay mag apply sa isang ahensya ng gobyerno
Nagsumite ako ng aplikasyon para sa isang posisyon sa gobyerno sa pamamagitan ng email, tulad ng nakasaad sa anunsyo ng CSC.gov.career. Sa kabila ng paghihintay ng isang linggo, walang natanggap na kahit anong pagkilala (acknowledgement) sa aking email. Nagtulak ito sa akin na magtungo nang personal sa kanilang opisina upang magtanong.
Sabi nong napagtanungan ko na echeck nya sa email..at kanyang kinumpirma na mayroon naman daw silang natanggap hind lang nag acknowledge.Sinabihan akonna maghintay ng text message para sa petsa ng interbyu.Anim na buwan na ang lumipas, ngunit wala pa ring tawag o text.
😥Ang ganitong tagal ng paghihintay ay hindi lamang nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa oras ng aplikante, kundi nagpapalabas din ng tanong kung ang job posting ba ay para lang sa "compliance" sa CSC requirements, at mayroon na pala silang napili (hal., insider, job order, o casual employee na i-po-promote).
Kung ang layunin ay punan lamang ang posisyon sa loob, mas makabubuti sana kung ito ay malinaw na isasaad sa anunsyo. Malaking tulong ito upang maiwasan ang pag-aaksaya ng panahon at pinansyal na gastusin (sa pagpapa-ID, pagpapa-print/xerox ng mga dokumento, at transportasyon) ng mga aplikanteng umaasa at kwalipikado mula sa labas.
Gayundin ang kawalan ng standard na propesyonal na pag-uugali sa simpleng pagkilala ng pagtanggap ng aplikasyon ay nakakadismaya.
Ang 6 na buwang paghihintay ko ay nagngahulugan na may nakuah na sila pero hind man lng ako nabigyan ng tsansa na mainterbyo..
Bagamat walang explicit na pag-uutos na mag-send ng acknowledgement email ang mga ahensya, ang patakaran ay nagpo-promote ng "efficiency, integrity, responsiveness, progressiveness, and courtesy" sa civil service.
Ang kawalan ng simpleng acknowledgement sa email ay malinaw na unprofessional at hindi sumusunod sa diwa ng courtesy at responsiveness na inaasahan sa mga lingkod-bayan.
Copypaste