
15/05/2025
Inaanyayahan kayong saksihan ang bunga ng apat na taong paglikha, pag-aaral, at paglalakbay ng mga mag-aaral sa sining 🎨
Ang “𝙎𝙖𝙡𝙞𝙣-𝙇𝙪𝙣𝙖” ay isang sining ng paglalapat—pag-aangkop ng alaala sa espasyo, ng damdamin sa anyo. Mula sa “𝙨𝙖𝙡𝙞𝙣” bilang pagsasalin o paglipat, at “𝙡𝙪𝙣𝙖𝙣” bilang tahanan o lugar, ito’y tagpo ng gunita at posibilidad.
Ito ang kanilang mga tinig, pananaw, at piraso ng mundo—mga espasyong kanilang binuo, tinahak, at binigyang-hugis sa pamamagitan ng sining 🖼️
⏰𝙏𝙞𝙢𝙚: Mayo 16 | 1:30 PM
📍𝙇𝙤𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣: Darnay Demetillo Art Space (DDAS), CAC
Sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang malikhaing paglalakbay at ang mga kuwentong humubog sa kanila! 🎨🎭👥