Ang Ka-iw

Ang Ka-iw Ang Ka-iw ay ang opisyal na publikasyon ng Joaquin Smith National High School.

Balita sa loob at labas ng paaralan.
11/02/2025

Balita sa loob at labas ng paaralan.


Balitang Isports
03/02/2025

Balitang Isports

Boses ng Kampus
03/02/2025

Boses ng Kampus

31/01/2025

𝐀𝐑𝐈𝐁𝐀 𝐒𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐃𝐈𝐕𝐈𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐂𝐈𝐄𝐍𝐂𝐄 F𝐄𝐒𝐓𝐈𝐕𝐀𝐋

Matagumpay na idinaos ang 2024 Division Science Festival noong Nobyembre 9, 2024, sa Mabini Elementary School. Ang kaganapan, na taunang isinasagawa ng Schools Division of Baguio ay naglalayong itaguyod ang interes at kahusayan ng mga kabataan sa agham. Sa taong ito, nilahukan ito ng sampung paaralan mula District 10, kabilang ang mga pampubliko at pribadong paaralan.

Pangunahing tampok ng kompetisyon ay ang Science Quiz Bee, na hinati sa dalawang kategorya: Grade 10 at Senior High School. Sa Grade 10 Category, ipinamalas ni Marc Randolf D. Teodoro ang kanyang talino at dedikasyon, na nagresulta sa pagkamit niya ng ikatlong puwesto. Si Marc, na mula sa pangangalaga ni Gng. Annabelle Q. Montero, ay naging inspirasyon sa kanyang mga kapwa mag-aaral para ipagpatuly ang pag-aaral ng agham.

Sa Senior High School Category, ipinakita naman ng isang koponan ang kanilang kahusayan sa pagkakaisa. Binubuo ng tatlong miyembro ang bawat koponan, sina Mary Angeline D. Panaligan (12 HUMMS A), Waivhene B. Rivero (12 HUMMS A), at Kre-sham S. Tayaban (12 Tourism). Sa ilalim ng gabay ni Sir Emilton Mendoza, nakamit nila ang ikalawang puwesto. Ang kanilang tagumpay ay patunay ng kanilang dedikasyon at mahusay pagtutulungan.

Ang Division Science Festival ay higit pa sa isang kumpetisyon. Ito ay nagsilbing isang plataporma para sa mga kabataan na maipakita ang kanilang kakayahan sa agham at malikhaing pag-iisip. Ang mga mag-aaral, g**o, at mga opisyal mula sa iba’t ibang paaralan ay nagtulungan upang gawing matagumpay ang kaganapan.

Sa pagtatapos ng araw, ipinaabot ng mga tagapamahala ng kaganapan ang kanilang pasasalamat sa mga g**o, magulang, at iba pang stakeholders na sumuporta sa okasyon. Inaasahang magiging masigla at makabuluhan ang susunod na Division Science Festival sa daratin na mga taon.

Patuloy na itinaguyod ng kaganapang ito ang adhikain ng DepEd na hikayatin ang kabataan na mas palawakin ang kanilang kaalaman sa agham bilang mahalagang aspeto ng paghubog ng hinaharap.

✍️ Richell Edic

Send a message to learn more

J𝗦𝗡𝗛𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝑾𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗟𝗟Sa patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng bansa laban sa mga sakuna, m...
31/01/2025

J𝗦𝗡𝗛𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝑾𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗔𝗥𝗧𝗛𝗤𝗨𝗔𝗞𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗟𝗟

Sa patuloy na pagpapalakas ng kahandaan ng bansa laban sa mga sakuna, matagumpay na isinagawa ng Joaquin Smith National High School ang kanilang aktibong pakikilahok sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) noon Hunyo 28, 2024. Ang pagsasanay na ito, na bahagi ng programa ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ay naglalayong palakasin ang k**alayan at kakayahan ng bawat Pilipino sa pagtugon sa panganib ng lindol.

Eksaktong alas nwebe ng umaga nang magsimula ang drill sa pamamagitan ng isang alarma na nagsilbing hudyat upang magsagawa ng duck, cover, and hold. Mahigit 800 na mag-aaral at mga g**o ang sama-samang nagsanay, alinsunod sa inihandang safety protocol ng paaraln. Sa kabila ng init ng panahon, naging maayos at organisado ang paglikas ng mga mag-aaral patungo sa initnalagang evacuation areas. Ang mga g**o naman ay nagsilibing tagapangasiwa upang siguruhin ang kaayusan at kaligtasan ng bawat isa.

Ayon kay Dr. Jesusa R. Yadao, punong-g**o ng paaralan, “Ang ganitong uri ng pagsasanay ay hindi lamang para sa pagsunod sa regulation kunid para matiyak na handa ang community sakaling dumating ang isang malakas na lindol. Ang kahandaan sa mga ganitong sitwasyon ay nangangailangan ng disiplina, cooperation at proper information.”

Bago matapos ang drill, nagkaroon ng maikling programa kung saang ipinaliwanag ni G. Daniel A. Aro Jr., ang DRRM Coordinator ng paaralan, ang wastong hakbang bago, habang, at pagkatapos ng lindol.

Ang nasabing earthquake drill ay bahagi ng mas malaking kampanya ng gobyerno na itaas ang antas ng k**alayan at kahandaan ng bawat Pilipino laban sa mga kalamidad. Muling ipinaalala ng NDRRMC at ng pamunuan ng paaralan na ang lindol ay hindi maiiwasan, ngunit ang pagiging handa at maalam sa mga dapat gawin ay makapagliligtas ng maraming buhay.

✍️ Althea Jeane Resuello
📷 Pola Trisha Tuquero

𝐌𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐠𝐮𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐌𝐬 𝐁𝐮𝐠𝐚𝐧, 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥 Kinoronahang Mr. Aliguyon at Ms Bugan 2024 sina Jhoanna Dangawen  mula sa ika-12 bai...
31/01/2025

𝐌𝐫 𝐀𝐥𝐢𝐠𝐮𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐌𝐬 𝐁𝐮𝐠𝐚𝐧, 𝐢𝐭𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐡𝐚𝐥

Kinoronahang Mr. Aliguyon at Ms Bugan 2024 sina Jhoanna Dangawen mula sa ika-12 baitang at Gamar Mondiguing mula sa ika-10 baitang sa pagtatapos ng selebrasyon ng Buwan ng Katutubo sa Joaquin Smith National Highschool noong ika-13 ng Nobyembre 2024.
Ipinamalas ng mga Kandidato ang kanilang galing sa Pag sayaw sa kanilang "Production Number” inirampa rin nila ang kani kanilang mga nag gagandahang mga creative attire" gawa ng mga estudyante mula sa ika-12 na baitang. Ipinamalas din ng mga kanditato ang kanilang husay sa pagsagot ng mga tanong mula sa mga hurado.


Itinanghal na 5th runner sina Sarah Gumaad mula sa ika- 10 baitang at Froilan Jose mula sa ika-9 na baitang, samantalang 4th runner up naman sing Shalanie Baruzo mula sa ika-7 baitang at Romeo Linglingon Jr. mula sa ika-11 baitang, 3rd runnerup naman sina Jamaica Tayaban mula sa ika-11 baitang at kenneth Poete mula sa ika-12 baitang Nasungkit naman nina Alexie Montejo mula sa ika-8 na baitang at Acheigh Badongen mula sa ika - 8 na baitang, ang 2nd runner up at itinanghal naman bilang Ist runner up sina Assyra Pumeg-as mula sa ika- 8 na baitang at Bendel Lassin mula sa ika7 baitang.

"This Pageant lies in their roles as platforms for celebrating and promoting cultural heritage, identity, and diversity.” Ani ni Gng. Fara E. Bulcio-Aliswag, IPED Coordinator ng JSNHS. Dagdag pa niya "This event go beyond beauty and fashion to emphasize the richness of traditions, values and the collective history of the community.”

Binigyang diin ni Gng. Aliswag ang kahalagahan ng proyektong ito. Sa isinagawang pagdiriwang, nakalikom sila ng Php.59,644.35 kung saan ang 40% ay ibinalik sa mga candidato 10% ay ibinigay sa grade level. Ang natitirang 50% ay mapupunta sa programa ng IPED ng paaralan. Ang perang nalikom ay magagamit sa pagbili ng mga gagamitin sa "Panagbenga Cultural dance at para sa mga premyo sa ibat ibang aktibidad.

Dahil Kay Gng. Fara Bulcio ay matagumpayang naisagawa ang pagdiriwang ng Buwan ng Katutubo. Inaasahan naman ang patuloy na pagsuporta ng mga g**o, magulang, at stakeholders sa mga susunod pang aktibidad ng IPED para sa paaralan.

✍️ Jamaica Tayaban
📷 Pola Trisha Tuquero

𝑴𝑼𝑨𝒀𝑻𝑯𝑨𝑰, 𝑩𝑨𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑴𝑼𝑲𝑯𝑨 𝑵𝑮 𝑪𝑶𝑴𝑩𝑨𝑻𝑰𝑽𝑬 𝑺𝑷𝑶𝑹𝑻𝑺 𝑺𝑨 J𝑺𝑵𝑯𝑺       Opisyal nang inilunsad ang kauna-unahang koponan ng Muaythai s...
31/01/2025

𝑴𝑼𝑨𝒀𝑻𝑯𝑨𝑰, 𝑩𝑨𝑮𝑶𝑵𝑮 𝑴𝑼𝑲𝑯𝑨 𝑵𝑮 𝑪𝑶𝑴𝑩𝑨𝑻𝑰𝑽𝑬 𝑺𝑷𝑶𝑹𝑻𝑺 𝑺𝑨 J𝑺𝑵𝑯𝑺

Opisyal nang inilunsad ang kauna-unahang koponan ng Muaythai sa Joaquin Smith National High School sa ilalim ng paggabay ni Gng. Carla Fattit. Layunin ng bagong koponan na ipakilala ang Muaythai bilang bahagi ng sports program ng paaralan at mahikayat ang mas maraming kabataan na subukan ang martial arts.

Sa kasalukuyan, binubuo ng 30 miyembro ang Muaythai Team. Ilan sa miyembro ng nasabing koponan ay sina Achiles Dwyane Badongen at Cathy Dale Sao-an, na parehong nagpapakita ng inspirasyon sa kanilang dedikasyon at determinasyon. Ayon kay Achiles, “Napakasaya ko na maging sa sa mga unang manlalaro ng Muaythai para sa school. Pangarap kong maipakita na kaya nating makipagsabayan sa kahit na sinong atleta, kahit nagsisimula pa lang kami.”

Ibinahagi rin ni Cathy Dale ang kanyang pananaw. Ayon sa kanya, “Nakakatuwa na mabigyan kami ng ganitong chance. Sa Muaythai, natutuhan kong hindi lang ang depensa kundi pati ang kumpiyansa sa sarili. Sana mas marami pang sumali sa amin.”

Samantala, pinuri naman ni Gng. Carla Fattit ang tapang at determinasyon ng kanyang mga manlalaro. “Lahat sila ay halimbawa ng kung gaano kalaki ang potensyal ng ating students. Sana mas marami pang sumali para mas marami pa ang magbigay ng karangalan para sa school.”

Ang pagtatatag ng Muaythai team ay nakikita bilang isang mahalagang hakbang para sa Joaquin Smith National High School upang mapalawak ang kanilang sports program at hikayatin ang mas maraming mag-aaral na mahasa ang kanilang kakayahan sa iba’t ibang larangan ng isport.

✍️ Karylle D. Peralta
📷 Pola Trisha Tuquero

𝑲𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝑰𝒏𝒊𝒍𝒖𝒏𝒔𝒂𝒅Kamakailan, pinangunahan ng mga opisyal ng SPTA, sa pangunguna ng Pangulong Preciou...
03/12/2024

𝑲𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝒂𝒂𝒓𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝑰𝒏𝒊𝒍𝒖𝒏𝒔𝒂𝒅

Kamakailan, pinangunahan ng mga opisyal ng SPTA, sa pangunguna ng Pangulong Preciousa Patna-an, ang isang clean-up drive sa Joaquin Smith National High School. Ang gawain na ito ay sinuportahan ng pamunuan ng paaralan at ng mga stakeholder upang itaguyod ang kalinisan at magsilbing magandang halimbawa para sa komunidad.

Ayon kay Preciousa Patna-an, ang gawain na ito ay alinsunod sa isang ordinansa ng lokal na barangay na nagtataguyod ng kalinisan sa komunidad at binibigyang-diin ang dedikasyon ng paaralan na maging huwaran sa pangangalaga sa kapaligiran.

"Bahagi ng aming layunin ang itaguyod ang kalinisan sa paaralan. Nais din naming ipakita na ang Joaquin Smith National High School ay maaaring maging modelo ng kalinisan at disiplina," paliwanag ni Patna-an.

Ang clean-up drive na ito ay nilahukan ng mga kasalukuyan at dating opisyal ng SPTA, mga opisyal ng SSLG, mga magulang, at iba pang miyembro ng komunidad. Ang gawain ay inisyatiba ni Punongg**o Jesusa R. Yadao, na nagmungkahi ng ideya sa mga opisyal ng SPTA para sa agarang implementasyon.

Pinuri ni Punongg**o Yadao ang mga lumahok sa kanilang dedikasyon at hinikayat ang patuloy na pagsasagawa ng ganitong mga aktibidad. "Ang clean-up drive na ito ay patunay ng matibay na pakikipagtulungan ng paaralan at ng komunidad. Sama-sama nating magagawa ang mas maayos na kapaligiran para sa ating mga mag-aaral," aniya.

Inihayag ng SPTA na magkakaroon muli ng clean-up drive sa Enero at balak itong gawin ng regular tuwing ikatlong buwan. Hinikayat din ni Preciousa Patna-an ang lahat ng mga magulang at stakeholder ng paaralan na maging aktibo sa mga susunod na aktibidad.
"Iniimbitahan namin ang lahat na makilahok. Sama-sama nating maisusulong ang kalinisan at kaayusan sa ating paaralan, na magdudulot ng benepisyo sa lahat, lalo na sa mga mag-aaral," ayon kay Patna-an.

Ang clean-up drive ay hindi lamang kolektibong pagpapakita ng pagkakaisa ng paaralan kundi isang panawagan din para sa responsibilidad sa kapaligiran, na nagbibigay-inspirasyon sa mga mag-aaral at miyembro ng komunidad.

𝓐𝓷𝓰 𝓓𝓲𝓵𝓲𝓶 𝓼𝓪 𝓛𝓲𝓴𝓸𝓭 𝓷𝓰 𝓟𝓲𝓷𝓽𝓸Si Lila ay isang dalagita na mahilig magbasa ng mga kuwentong nakakatakkot. Isang gabi, haban...
24/10/2024

𝓐𝓷𝓰 𝓓𝓲𝓵𝓲𝓶 𝓼𝓪 𝓛𝓲𝓴𝓸𝓭 𝓷𝓰 𝓟𝓲𝓷𝓽𝓸

Si Lila ay isang dalagita na mahilig magbasa ng mga kuwentong nakakatakkot. Isang gabi, habang siya ay nagbabasa sa kanyang kuwarto, narinig niya ang mahina ngunit malinaw na tunog ng kaluskos mula sa likod ng pinto. Ipinagwalang-bahala niya ito, iniisip na baka hangin lang o baka daga. Ngunit haban lumalalim ang gabi, lumalakas ang tunog ng kaluskos at parang may kumakatok sa pinto. Nakaramdam si Lila ng kilabot at biglang bumangon sa kanyang k**a. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto at itinaas ang kanyang k**ay upang buksan ito. “Kung sino ka man, umalis ka na!!!”, sigaw niya habang nanginginig. Ngunit wala siyang narinig na tugon. Nang buksan ni Lila ang pinto, isang malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Madilim ang pasilyo, ngunti may aninong kumuha ng kanyang atensyon. Isang babae na may mahabang buhok ang nakatayo sa dulo ng pasilyo, nakatitig sa kanya. ang mga mata nito ay puro ito, at ang ngiti nito ay hindi makatao. Biglang tumakbo papalapit ang babae, napasigaw si Lila sa takot “AAAAHHHHH!!!”. Agad niyang isinara ang pinto at sumandal doon, hingal na hingal, balot na balot ang kanyang katawa sa tako. Narinig niya ang malaka na katok at yabag mula sa kabila. “Sa likod mo Lila”, isang malamig at mababang boses ang bumulong sa kanyang pagkakaupo. Nang tumingin siya sa likod, nakita niya ang babae na nakaluhod din sa tabi niya at nakangiti. Tanging nagawa niya na lamang ay umiyak at sumigaw “Tulong!!!”

Mula nang gabing iyon, hindi na muling nakita pa si Lila ng kanyang pamilya. Sa bahay pala na iyon ay may isang babeng tumira doon na ginahasa at pinatay, ang kanyang kaluluwa ay hindi matahimik at ito ay nagpaparamdam tuwing may dalagita na maninirahan sa nasabing tahanan. Tanging naiwan na lamang na alala ni Lila ay ang kanyang mga libro na nakakalat sa sahig at ang pinto ng kanyang kuwarto na nakabukas ng kaunti, tila naghihintay ng susunod na biktima.

Sulat ni: Arianne Babael
Guhit ni: Kirsten Hagay

𝙂𝙄𝙉𝙏𝙊𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙂𝙐𝙈𝙋𝘼𝙔 𝙉𝙄 𝙔𝙐𝙇𝙊Namayagpag si Carlos Yulo matapos mapabagsak ang defending champion na si Arlem Dolyopyat ng Isr...
24/10/2024

𝙂𝙄𝙉𝙏𝙊𝙉𝙂 𝙏𝘼𝙂𝙐𝙈𝙋𝘼𝙔 𝙉𝙄 𝙔𝙐𝙇𝙊

Namayagpag si Carlos Yulo matapos mapabagsak ang defending champion na si Arlem Dolyopyat ng Israel sa ginanap na artistic gymnastics, Paris Olympics 2024 noong Agost 3, 2024

Nanguna si Carlos Yulo matapos magtala ng iskor na 15.000 samantalang 14.966 naman ang naitalang iskor ni Dolgopyat ng Israel at 14.933 naman ang naitala ni Jake Jerman ng Britanya.

Sa gitna ng persyon at halos pitong taong pag-eensayo, nasungkit ng pambato ng Pilipinas ang gintong medalya. Laking pasasalamat naman ng tinagurian “Double Gold Medalist” sa mga suportang natanggap mula sa mga Pilipino.

Muling nadinig ang Pambansang Awit ng Pilipinas sa Paris Olympics matapos gamitin ni Yulo ang Ri Se Awang sa unang vault na nagmarka ng puntos na 15.433 at Kasamolso double twist sa ikalawang vault na nagbigay ng iskor na 15.116 para mapabagsak ang katunggaling si Pavtyan.

“Ito na po yung ultimate goal ko, grabe wala na po akong hinihiling na iba pa ngayon. Sobrang thankful ako sa kay Lord na narinig niya po at di Niya ako pinabayaan sa lahat ng challenges na binigay Niya sa akin. Nag-grow ako. I’m really grateful na di ako sumuko” saad ni Yulo.

Matapos maabot ang kanyang layunin na makapag-uwi ng gintong medalya sa Paris Olympics, hindi nnaman doon nagtatapos ang magandang layuin ng tinaguriang “Double Gold Medalist”. Nais pa rin iyang makipagkumpetensya sa 2028 Los Angeles Olympics.

“Hidi pa po ako titigil, gusto ko pa po mag-Olympics sa 2028 sa LA and I’ll do my best po sa lahat ng training and magiging challenges ko pa po” dagdag ni Yulo.

Sulat ni: Aliyah Padlan
Larawan mula sa https://gmanews.com/sports

𝙀𝙉𝙍𝙊𝙇𝙇𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙍𝘼𝙏𝙀, 𝘽𝘼𝙃𝘼𝙂𝙔𝘼𝙉𝙂 𝙏𝙐𝙈𝘼𝘼𝙎Bahagyang  tumaas ang enrollment rate sa kasalukuyang taon ang Joaquin Smith National H...
24/10/2024

𝙀𝙉𝙍𝙊𝙇𝙇𝙈𝙀𝙉𝙏 𝙍𝘼𝙏𝙀, 𝘽𝘼𝙃𝘼𝙂𝙔𝘼𝙉𝙂 𝙏𝙐𝙈𝘼𝘼𝙎

Bahagyang tumaas ang enrollment rate sa kasalukuyang taon ang Joaquin Smith National High School. Tinatayang umabot sa 13.06% ang naidagdag sa mga tala ng mga mag-aaral kumpara sa nakaraang taon na bumaba ng 12.67%. Sa Juior High School, tumaas ng 1.84% ang enrollment rate habang 43.90% naman ang itinaas sa Senior High School.

Ilan sa mga nakikitang dahilan ng pagtaas na ito ay ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng paaralan at ang lokasyon nito sa tahanan ng mga mag-aaral. Inaasahan namang magpapatuloy pa ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral sa mga susunod na taon.

Ayon kay Dr. Jesusa R. Yadao, ang punungg**o ng paaralan, malaki ang epekto ng pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral para sa paaralan. Dahil dito, napapatunayan ng JSNHS na mas pinipili pa rin ng mga mag-aaral ang pumasok dito kaysa sa ibang paaralan dahil alam nilang may malaking dulot ang kalidad edukasyong naibibigay sa kanila tungo sa kanilang hinaharap.

Dagdag pa niya, bagama’t hindi maiiwasan ang pagkakataong magkaroon ng drop-outs, pipilitin pa rin ng paaralan na maiwasan ito. Aniya, ginagawa ng lahat ng mga g**o ang lahat ng kanilang makakaya upang himukin ang lahat ng mga mag-aaral na tapusin ang kanilang pag-aaral upang hindi mapabilang sa mga drop-outs ng paaralan. Dahil dito, maraming paghahanda ang ginagawa ng mga g**o upang maibigay ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto.

Larawan ni: Pola Trisha Toquero
Sulat ni: Jamaica Tayaban

Address

Km. 4 Asin Road
Baguio City
2600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Ka-iw posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category