07/09/2026
BUKOD SA PUSO, ROMUALDEZ MAY KARAMDAMAN DIN UMANONG NAKAAAPEKTO SA UTAK
Bukod sa mga kondisyon sa puso, may iniulat din umanong karamdaman si dating House Speaker Martin Romualdez na may kaugnayan sa daloy ng dugo sa utak, batay sa mosyong inihain ng kanyang kampo habang nananatili siyang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center.
Kabilang sa mga kondisyong nakasaad sa mosyon ang Hypertensive Atherosclerotic Cardiovascular Disease, Unstable Angina, Coronary Artery Disease, Cerebrovascular Ischemic Disease, Type 2 Diabetes Mellitus, Hypertension, Dyslipidemia at Primary Hypothyroidism.
Partikular na ang cerebrovascular ischemic disease ay tumutukoy sa kondisyon kung saan nababawasan o nahahadlangan ang suplay ng dugo sa bahagi ng utak.
Dahil dito, hiniling ng kanyang mga abogado na manatili muna si Romualdez sa ospital habang nasa kustodiya ng batas, dahil maaari umanong maging mapanganib ang biglaang paghinto ng paggamot o paglipat sa pasilidad na walang sapat na kagamitan para sa kanyang kondisyon sa puso at utak.