02/10/2026
🚨 PUBLIC AWARENESS ADVISORY: MAG-INGAT SA PHISHING LINKS SA SMS!
📱 Huwag basta-basta mag-click ng anumang link na natatanggap sa pamamagitan ng SMS — kahit pa ito ay nasa mismong text message thread ng inyong lehitimong bangko, o telco!
Maging mapanuri sa mga text message na nagpapanggap na mula sa mga bangko, telecommunications companies, at iba pang lehitimong institusyon. Maaaring naglalaman ang mga ito ng mga mapanlinlang na link na idinisenyo upang makuha ang inyong personal na impormasyon, online banking credentials, OTP, at iba pang sensitibong datos.
⚠️ PAALALA: HINDI GARANTIYANG LEGITIMO ANG ISANG SMS DAHIL LAMANG NASA DATING TEXT THREAD ITO NG INYONG BANGKO.
May mga insidente ng SMS spoofing at iba pang pamamaraan na ginagamit ng mga scammer upang magmukhang lehitimo ang kanilang mga mensahe. Maaari rin silang gumamit ng mga pekeng website na halos kapareho ng opisyal na website ng mga bangko at iba pang institusyon.
🔴 PAANO MAKAIWAS SA PHISHING AT SMS SCAMS?
✅ HUWAG MAG-CLICK — Iwasang pindutin ang mga link sa SMS, lalo na kung may hinihinging agarang aksyon, account verification, o pagkansela ng kahina-hinalang transaksyon.
✅ HUWAG MAGBAHAGI — Huwag ibigay ang inyong OTP, PIN, password, CVV, o iba pang sensitibong impormasyon sa pamamagitan ng mga link o sa mga taong hindi beripikado.
✅ I-VERIFY ANG MENSAHE — Kung nakatanggap ng transaction alert o kahina-hinalang abiso, buksan mismo ang opisyal na banking application o website. Maaari ring tawagan ang opisyal na hotline na makikita sa inyong bank card o sa opisyal na website ng bangko.
✅ HUWAG MAGPADALA NG PERA — Huwag sundin ang mga kahilingan para sa bayad o transfer upang umano'y ma-secure, ma-unblock, o maibalik ang inyong account.
✅ AGARANG MAG-REPORT — Kung may kahina-hinalang transaksyon o naibahagi na ang inyong impormasyon, makipag-ugnayan agad sa inyong bangko gamit ang opisyal na contact details upang ma-secure ang inyong account at mai-report ang insidente.
📌 TANDAAN: Ang pagiging mapagmatyag ay mahalagang panangga laban sa cybercrime. Huwag hayaang malinlang ng mensaheng mukhang lehitimo. Sa bawat natatanggap na SMS, mag-isip, magsuri, at mag-verify bago kumilos.
THINK BEFORE YOU CLICK. VERIFY BEFORE YOU TRUST. PROTECT YOUR ACCOUNT, MONEY, AND PERSONAL INFORMATION! 🔐
📢 Ibahagi ang babalang ito sa inyong pamilya, mga kaibigan, katrabaho, at komunidad upang makatulong na maiwasan ang paglaganap ng phishing at online scams.
#𝗧𝗼𝗦𝗲𝗿𝘃𝗲𝗮𝗻𝗱𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁