26/10/2025
Lahat naman ng bagay kaya pang ayusin,
kaya pang pag-usapan ng maayos, kaya pang subukang muli kung pareho pa kayong willing. Pero minsan, kahit gaano mo gustong ayusin, kung siya mismo ‘yung unti-unting bumibitaw… wala ka talagang magagawa kundi tanggapin.
Dati, ang dali lang ng lahat — ang saya, ang gaan, parang walang katapusan. Pero dumating na pala ‘yung araw na kahit simpleng usapan, nauuwi sa tampuhan. Kahit simpleng pagkakamali, nagiging dahilan para magsumbatan. Hanggang sa mapagod na lang kayong dalawa sa paulit-ulit na “ayos na tayo” na hindi naman talaga nagiging ayos.