14/11/2025
Bagong Silid-Aralan ng Security Bank Foundation, Ipinagkaloob sa Hermosa
Ipinagkaloob ng Security Bank Foundation, Inc. (SBFI) ang isang bagong two-storey, six-classroom building sa Hermosa National High School (HNHS) kamakailan bilang bahagi ng Build a School, Build a Nation program. Layunin ng proyekto na tugunan ang matagal nang kakulangan sa maayos na pasilidad pang-edukasyon sa bayan.
Matagal na nakaranas ng siksikan at lumang silid-aralan ang mga mag-aaral at g**o ng HNHS, kabilang ang mga silid na may tagas at sirang kisame. Dahil sa kakulangan ng espasyo, napilitan ang paaralan na gumamit ng shifting schedule at magsagawa ng klase sa mga lugar na hindi talaga dinisenyo para sa pagtuturo. Sa kabila nito, ipinakita ng mga mag-aaral ang mataas na antas ng dedikasyon, lalo na ng mga tulad ni Franz Caling, isang Grade 7 student na nagwagi sa District Science Investigatory Project sa kabila ng hamon sa kanilang kabuhayan at kakulangan sa maaasahang kuryente.
Malaking ginhawa ang hatid ng bagong gusali sa mga estudyante at g**o na ngayon ay may mas ligtas at maayos na lugar ng pagkatuto. Ipinahayag ni Mayor Anne Lorraine Adorable-Inton ang pasasalamat sa SBFI dahil sa pagpili sa Hermosa bilang benepisyaryo, at binigyang-diin ang kahalagahan ng pakikipagtulungan ng pribadong sektor upang mapalakas ang edukasyon sa bayan.
Sa patuloy na pagtugon sa kakulangan ng mahigit 165,000 silid-aralan sa bansa, nakapagtayo na ang Security Bank Foundation ng 869 classrooms sa 149 na paaralan sa 90 lungsod at munisipalidad sa buong Pilipinas, kabilang ang bagong pasilidad sa Hermosa. | via Mhike Cigaral
๐ธ Security Bank