
04/06/2025
18 years ka nang wala sa amin, Tay. 🥹
Ngayon ko mas narealize kung gaano pala kaikli ‘yung panahon na nakasama ka namin. Parang isang kisapmata lang ‘yung mga taon na iyon, pero ang bigat ng iniwang alaala mo sa puso ko. Akala ko, dahil matagal ka nang wala, masasanay na rin ako sa pagkawala mo... pero hindi pala gano’n kadali. Ang hirap pa rin, Tay. Kahit gaano na katagal, may kirot pa rin tuwing naiisip ko na hindi na kita makakasama ulit.
Isa sa mga pinaka-hindi ko makakalimutan ay ‘yung mga bonding moments natin—lalo na tuwing magkakaraoke tayo. Palagi mong pinapatugtog ‘yung mga paborito mong kanta, lalo na ‘yung mga worship songs. Hanggang ngayon, kapag naririnig ko ‘yung mga kantang ‘yun, parang nandiyan ka pa rin. Parang naririnig ko pa rin boses mo, at ramdam ko pa rin ‘yung saya natin noon.
Miss na miss ka na namin, Tay. Alam kong masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. At alam ko rin sa puso ko, proud na proud ka sa’kin. Hindi ko man nasabi noon habang andito ka pa, pero gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita, Tay. Ikaw ang naging gabay at inspirasyon ko kung bakit ako nandito ngayon, kung bakit ako buhay at patuloy na lumalaban.
Lagi kang nasa puso ko. Salamat sa lahat, Tay🥹