Ang Talaghay

Ang Talaghay ANG TALAGHAY ay ang Opisyal na Pahayagan sa Filipino ng Bataan National High School - Senior High School.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pormal nang nagtapos ang ikalawang araw ng pagpapatala sa cluster ng Science, Technology, Engineering, at Math...
31/05/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Pormal nang nagtapos ang ikalawang araw ng pagpapatala sa cluster ng Science, Technology, Engineering, at Mathematics, para sa mga mag-aaral na may apilyedong nagsisimula sa Aโ€“H, kahapon, ika-30 ng Mayo, 2025.

Muling aarangkada ang enrollment period sa paaralan sa darating na ika-2 ng Hunyo, taong kasalukuyan, upang salubungin ang mga mag-aaral na may apilyedong may inisyal na Iโ€“P, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa Bataan National High School-Senior High School (BNHS-SHS).

Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Larawang Kuha nina: Dhensel Ferrer, Vince Dela Cruz

๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Sa pagpapatuloy ng transpormatibong inisyatiba ng Ang Talaghay sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga o...
29/05/2025

๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Sa pagpapatuloy ng transpormatibong inisyatiba ng Ang Talaghay sa pagbibigay ng impormasyon ukol sa mga organisasyon at samahan na mayroon ang paaralan, matagumpay ang naging diskusyon sa hanay ng mga mag-aaral sa Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) cluster, sa ikalawang batch ng proyektong โ€œOrganisa-SHOWN, Diskus-YOWN,โ€ nitong ika-29 ng Mayo, 2025.

Kasama ang mga representatibo mula sa Supreme Secondary Learner Government (SSLG), The Premier, STEM Society, Solus Christus, at Mathletes, naging masigla ang maikling palihan ukol sa mga samahan na ito sa paaralan.

Bukas, ika-30 ng Mayo, 2025, magpapatuloy ang proyektong ito para sa mga nakatakdang magpatala sa mga mag-aaral na may apelyidong nagtatapos sa Aโ€“H na balak magpatala sa cluster ng STEM.

Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Winasto at Sinuri ni: Emma Pantaleon
Mga Larawang Kuha nina: Carlene Baldomero, Reann Aicel Basilio, Jan Andrei Narag, Rhiane Leido, Jayan Dameyelle, Regel Bagui, Allison Sausa

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na pinasinayaan ng mga mag-aaral na nagtapos sa programa ng Science, Technology, and Engineering (S...
29/05/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Matagumpay na pinasinayaan ng mga mag-aaral na nagtapos sa programa ng Science, Technology, and Engineering (STE) ang unang araw ng pagpapatala sa cluster ng Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM), at mga mag-aaral na kwalipikadong nakapasa sa Pre-Baccalaureate Maritime (PBM) ngayong araw, ika-29 ng Mayo, 2025.

Bandang ika-7:45 ng umaga, nagsimulang dumagsa ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang upang tumugon sa naitalagang iskedyul ng mga nagtapos sa programa ng STE para sa cluster ng STEM.

Bukas, ika-30 ng Mayo, 2025, naka-iskedyul ang pagpapatala para sa cluster ng STEM ang mga mag-aaral na mayroong apelyido na nagsisimula sa Aโ€“H.

Pinapayuhan ng pamunuan na sumunod sa mga naitalagang patakaran at siguraduhing tama ang iskedyul ng pagpunta upang maiwasan ang aberya.

Upang malaman ang mga kaukulang dokumento at mga bagay na dapat ihanda sa pagpapatala, inaabisuhan ang lahat na tingnan ang opisyal na page ng paaralan.

Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Winasto at Sinuri ni: Emma Pantaleon
Mga Larawang Kuha nina: Carlene Baldomero, Reann Aicel Basilio, Jan Andrei Narag, Rhiane Leido, Jayan Dameyelle, Regel Bagui, Allison Sausa

๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ž๐—” | Sumipa sa mahigit 567 ang totalidad ng naitalang mga mag-aaral na pormal nang nakapagpalista sa huling ara...
29/05/2025

๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—œ๐—ž๐—” | Sumipa sa mahigit 567 ang totalidad ng naitalang mga mag-aaral na pormal nang nakapagpalista sa huling araw ng pagpapatala sa mga cluster ng Arts, Humanities and Social Sciences at Business and Entrepreneurship ng Academic Track nitong ika-28 ng Mayo, 2025.

276 sa mga ito ay nagmula sa cluster ng Business and Entrepreneurship na tinatayang mayroong pinakamataas na bahagdan sa kasalukuyang bilang ng mga nagpatala sa loob ng tatlong araw.

Sinundan ito ng cluster ng Humanities and Social Sciences na mayroong 258 na bilang ng mga mag-aaral, cluster ng Arts na mayroong 25 na mga mag-aaral, at Technical Professional (Tech-Pro) Track na mayroon nang naitalang walo.

Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Winasto at Sinuri ni: Emma Pantaleon
Nilapat ni: Jan Andrei Narag

29/05/2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Bilang komemorasyon sa 2025 International Aids Candlelight Memorial, nagsagawa ang Balanga City Health Office ng Infomercial Video Making Competition upang paunlarin ang kamalayan ng kabataan ukol sa usapin ng HIV.

Kaugnay nito, ang video entry na ito ang
opisyal na entry ng Bataan National High School - Senior High School (BNHS-SHS) sa naturang patimpalak.

Bilang pagsuport, inaanyayahan ang mga Arellanistas na pusuan "โค๏ธ" ang mismong post at i-share sa mga kasamahan upang makuha ng paaralan ang Popularity Award.

Maraming salamat, Arellanistas!!

29/05/2025

๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Tingnan ang kasalukuyang lagay ng dami ng mga nagpapatala sa unang araw ng Enrollment sa Science, Technology, Engineering, at Mathematics cluster ngayong umaga, ika-29 ng Mayo, 2025.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Bandang 7:45 ng umaga, nagsimula nang dumating ang mga mag-aaral na nagtapos sa programa ng Science, Technolog...
29/05/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Bandang 7:45 ng umaga, nagsimula nang dumating ang mga mag-aaral na nagtapos sa programa ng Science, Technology, and Engineering (STE) kasama ang kanilang mga magulang upang magpatala sa Science, Technology, Engineering, Mathematics Cluster sa Bataan National High School-Senior High School (BNHS-SHS) ngayong araw, ika-29 ng Mayo, 2025.

Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Mga Larawang Kuha ni: Jan Andrei Narag

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Nagtapos na ngayong araw ang pagpapatala ng mga mag-aaral na papasok sa ika-11 baitang sa cluster ng Arts, Hum...
28/05/2025

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Nagtapos na ngayong araw ang pagpapatala ng mga mag-aaral na papasok sa ika-11 baitang sa cluster ng Arts, Humanities and Social Sciences, at Business and Entrepreneurship sa ilalim ng Academic Track, ika-28 ng Mayo, 2025.

Sa ikatlong araw ng pagpapatala, patuloy ang pagdating ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang paaralan sa lalawigan ng Bataan upang magpalista sa napiling cluster sa Bataan National High School-Senior High School (BNHS-SHS).

Bukas, ika-29 ng Mayo, 2025, magsisimula ang Enrollment sa mga nagtapos sa programang Science, Technology, and Engeneering (STE) noong Junior High School para sa STEM Cluster.

Sa detalye ng mga kailangang dalhin at iskedyul ng pagpapatatala sa bawat cluster, pinapayuhan ang mga mag-aaral na bisitahin ang opisyal na page ng [Bataan National High School SHS].

Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Mga Larawang Kuha ni: Kriziah Nicole Enriquez

๐—š๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ป ๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€?Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) Clusters, ...
28/05/2025

๐—š๐˜‚๐˜€๐˜๐—ผ ๐—บ๐—ผ ๐—ฏ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ ๐—ฎ๐˜ ๐—”๐—น๐—ฑ๐—ฒ๐—ป ๐—ฅ๐—ถ๐—ฐ๐—ต๐—ฎ๐—ฟ๐—ฑ๐˜€?

Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) Clusters, STE graduate enrollees, enrollment niyo na bukas, ika-29 ng Mayo, 2025! Nais mo bang sumakses sa iba't ibang larangan? Samahan ang Ang Talaghay sa masiglang diskusyon at palihan ukol sa mga organisasyon na matatagpuan sa paaralan sa proyektong "Organisa-SHOWN, DISKUS-YOWN!"

Kitakits, future Arellanistas! Located at Manggo Station, BNHS-SHS!โ˜๐Ÿปโ˜๐Ÿป

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374, s. 1965. Executive Order No. 179, s. 1994, ngayong ika-28 ng Mayo, 2025, a...
28/05/2025

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374, s. 1965. Executive Order No. 179, s. 1994, ngayong ika-28 ng Mayo, 2025, ating ginugunita ang Pambansang Araw ng Watawat (National Flag Day), kaugnay ng komemorasyon na ito, mula ika-28 ng Mayo, 2025, hanggang ika-12 ng Hunyo, 2025, (Araw ng Kalayaan) hinihimok ang lahat na makiisa sa pagpapayaman ng kamalayan at pagpapaunlad ng kahalagahan ng pamabansang watawat ng bansa.

Bukod sa pagkakakilanlan, ang bawat watawat ay simbolo ng kasaysayan na nagkukubli sa nakaraan, ito ang sumasagisag sa tayog at tikas na mayroon ang isang bansa dahil sa kabila ng mga pagsubok nanatili itong matatag at nakatindig hanggang ngayon.

Bilang selebrasyon sa National Flag Day, ating talakayin ang mga watawat na naging mukha ng rebolusyon at ebolusyon ng bansa mula sa pananakop ng Imperyong Kastila, pagkatatag ng Himagsikang Pilipino, at hanggang sa kasalukuyang panahon.

๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐—ป๐—ด (๐Ÿญ๐Ÿฌ) ๐—ช๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐˜‚๐—ธ๐—ต๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—˜๐—ฏ๐—ผ๐—น๐˜‚๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€
1. Ang Unang Tatlong Watawat ng Katipunan
2. Ang Watawat ni Andres Bonifacio
3. Opisyal na Watawat ng Gobyernong De Facto (Watawat ni Aguinaldo-Magdalo)
4. Sun of Liberty Flag
5. Watawat ng Bungo ni Llanera
6. Bandila ng Matagumpay (Watawat ni Pio del Pilar)
7. Watawat ni Gregorio del Pilar
8. Kasalukuyang Watawat ng Pilipinas

Talakay ni: Dhensel Ferrer
Nilapat ni: Jan Andrei Narag

๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ | Sa loob ng dalawang linggo, muli na namang magbubukas ang pintuan ng ating ikalawang tahanan para sa panibagon...
27/05/2025

๐—ง๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ | Sa loob ng dalawang linggo, muli na namang magbubukas ang pintuan ng ating ikalawang tahanan para sa panibagong taong panuruan, kaugnay nito isinasagawa ngayon sa Bataan National High School-Senior High School (BNHS-SHS) ang pagpapatala para sa mga papasok na ika-11 baitang sa iba't ibang cluster ng Strengthened Senior High School Curriculum.

Kaugnay nito, mayroong walong (8) hakbang upang makapagpalista sa mga nais at napiling larangan, upang mas maintindihan at mapaghandaan ang nasabing mga hakbang, talakayin natin ang mga bagay na dapat asahan sa bawat stage ng Enrollment Process.

Walong Hakbang sa Pagpapatala:
โ€ข ๐—จ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Oryentasyon ukol sa Key Features ng Strengthened Senior High School Curriculum
โ€ข ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Iskrining ng mga Kaukulang Dokumento
โ€ข ๐—œ๐—ž๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Pagtataya ng Nutritional Status ng Mag-aaral
โ€ข ๐—œ๐—ž๐—”-๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง ๐—ก๐—” ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Reading Assessment
โ€ข ๐—œ๐—ž๐—”๐—Ÿ๐—œ๐— ๐—”๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Numeracy Assessment
โ€ข ๐—œ๐—ž๐—”-๐—”๐—ก๐—œ๐—  ๐—ก๐—” ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Oryentasyon ukol sa Polisiya na mayroon ang Paaralan
โ€ข ๐—œ๐—ž๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ง๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Physical Health Examination
โ€ข ๐—œ๐—ž๐—”๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐—›๐—”๐—ž๐—•๐—”๐—ก๐—š | Sectioning

Talakay nina: Dhensel Ferrer, Jan Andrei Narag
Nilapat ni: Jan Andrei Narag

๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Patuloy ang pagsalubong ng paaralan sa mga mag-aaral na magpapatala sa ika-11 baitang para sa ikalawang a...
27/05/2025

๐—ก๐—”๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—”๐—ฅ๐—”๐—ช๐—”๐—ก | Patuloy ang pagsalubong ng paaralan sa mga mag-aaral na magpapatala sa ika-11 baitang para sa ikalawang araw ng Enrollment sa mga clusters ng Arts, Humanities and Social Sciences, at Business and Entrepreneurship.

Inaasahang magtatapos ang pagpapatala sa araw na ito mamayang ika-5 ng hapon.

Balitang Pampaaralan ni: Dhensel Ferrer
Mga Larawang Kuha ni: Leigh Jafayrah Malibiran

Address

Balanga

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Talaghay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share