11/07/2026
๐๐๐ก๐๐ ๐, ๐ฅ๐๐ฉ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐ช๐ง๐ฎ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ช๐ฉ๐ค๐ก ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐ผ๐ก๐๐๐ฎ
Dead-on-arrival sa hospital ang isang 29 anyos na lalaki matapos makuryente ng naputol na live wire mula sa poste ng Albay Electric Cooperative sa Brgy. Hindi, Bacacay, Albay, bandang 9:50 ng umaga, July 11.
Ayon sa ulat ng Bacacay MPS, ang biktima ay kinilala sa pangalang John, nagtitinda ng isda sa lugar, residente ng Purok-2 Pili Ilawod, Bacacay, Albay.
Ayon sa imbestigasyon, bigla na lamang naputol ang linya ng kuryente at bumagsak sa tapat ng tindahan ng biktima.
Kumuha umano ng kawayan ang biktima upang tanggalin ang wire subalit alsidenteng nakadikit ito kung kaya nakuryente hanggang sa mahulog sa kanal.
Nasunog ang kable at lumaylay sa kalsada kung kaya walang nakalapit kaagad upang saklolohan ang biktima.
Nang maputol ang suplay ng kuryente, saka pa lamang ito nadala sa hospital, subalit, nasawi na nang makarating.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya kung may kapabayaan sa nangyari.
Photos from Bacacay MPS