The Voice of the Sierra - ASCOT

The Voice of the Sierra - ASCOT The Voice of the Sierra (TVOTS) - The Official Student and Community Publication of ASCOT

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | ๐—ง๐—œ๐——๐—˜๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—จ๐— ๐—ฃ๐—› "๐—”'๐—ฟ๐—ฒ!-๐—บ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒรฑ๐—ผ๐˜€ ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ"Along the eastern seaboard of Luzon, lies a coas...
07/11/2025

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | ๐—ง๐—œ๐——๐—˜๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—จ๐— ๐—ฃ๐—› "๐—”'๐—ฟ๐—ฒ!-๐—บ๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ผ๐—ณ ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ๐—ฒรฑ๐—ผ๐˜€ ๐—ฆ๐—จ๐—ฅ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ"

Along the eastern seaboard of Luzon, lies a coastal town Baler, Aurora wherein thrusting waves are more than just noises, but a vessel of life for its beating heart as water vanguards turn the tides beyond the global shore, becoming a surfing stardom.

Behind every great wave, there are stories to tell. For Baler, it all began when Hollywood came to town. This hidden place became a haven for salty-haired travelers, after Francis Ford Coppola, a renowned american director brought his epic "Apocalypse Now," in the late '70s to the sleepy shores of Sabang Beach.

As Balereรฑos continued to be captivated, watching every scene of the play until the crew packed up and the tides swallowed their footprints, a fragment of potential curiosity was left, these were surfboards. Some may just see this as discarded trash, but for the people of Baler, they regarded these as an opportunity. Time flew by, the locals were dancing along the waves which began as a pastime became a way of life for the town.

Now, Baler is no longer a secret spot whispered among wanderers, it is now a site for surfers. From first-timers experiencing their first wipeout, to legends riding their hearts out with their aerials through the tidal waves of Sabang, the same Sabang Beach that once served as a backdrop now hosts international surfing competitions, drawing athletes and enthusiasts around the globe.

In 2023, the Philippine Government sealed the legacy with the Republic Act No. 11957, officially naming Baler the โ€œBirthplace of Philippine Surfing.โ€

"๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐—ด๐—ฒ๐˜€ ๐—œ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ต๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€"

All geared up to conquer the town's towering waves, surfers are about to maneuver Baler's blue tides as they ramp up their surfboards on the upcoming World Surf League (WSL) Baler International Pro 2025, on this year's November 17-23.

Going back from the last sea*on of WSL at the same cradle, over 100 of asia's prominent surfers have set their foot along Baler's coastline last February 1-7, 2024, wherein some filipino surfers broke historic waves such as Jay-R Esquivel, clinching a back-to-back victory after his last win on WSL's La Union International Pro Longboard event, January 22-28, 2024.

Mark your calendars as Baler is set to host another historic event, taking Sabang's shores into another level, waking the sleepy coastal town from deep slumber as surfers across the globe once again ride the waves of their own stories.

"๐—”๐—ž๐—ž๐—”๐˜„๐—ฒ-๐—ถ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ถ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ข๐—ฐ๐—ฒ๐—ฎ๐—ป๐˜€"

Beyond Sabang, other Baler breaks such as Cemento Reef, Charlieโ€™s Point, and Lindyโ€™s Point, have also gained international attention. These spots challenge surfers with crazy barrels and right-hand reef breaks that separate the casual surfers from the true wave warriors.

All of this makes Baler special as it was not born out for tourism, but from the Balereรฑos curiosity, as they found freedom in the sea and passed that passion down through generations.
---
Words by Renemar Tubeje

๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ข๐—จ๐—Ÿ'๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฌ | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐˜ ๐˜๐—ต๐—ฒ๐˜† ๐—น๐—ฒ๐—ณ๐˜ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ.Silence became an unwelcome guest that lingered in every corner, and laughte...
02/11/2025

๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ ๐—ฆ๐—ข๐—จ๐—Ÿ'๐—ฆ ๐——๐—”๐—ฌ | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฒ๐˜ ๐˜๐—ต๐—ฒ๐˜† ๐—น๐—ฒ๐—ณ๐˜ ๐—ฏ๐—ฒ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ.

Silence became an unwelcome guest that lingered in every corner, and laughter turned into a ghost of what it once was. Still, in that ache, I realized โ€” they never truly left; their peace stayed behind, wrapping our home like a blanket we could never fold away.

I used to think grief was just sadness โ€” a wound that time would eventually heal, but now I know itโ€™s more like the tide, always returning, always reminding. Sometimes, I still see them in my dreams, walking through the halls of heaven, free from pain, smiling like the world is brand new. In those moments, I feel them โ€” not in sight, but in the quiet comfort they left behind. They taught me that love doesnโ€™t need a lifetime to last; it only needs a heart to remember. They lived too short to be forgotten, and long enough to be remembered forever.

---
Words by Ara Canonigo

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐—น๐—ผIsinulat ni Angela G. CanonigoPangalawang taon ko na sa ASCOT, at dahil sa komplikadon...
01/11/2025

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—”๐—ป๐—ด ๐—ž๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ ๐——๐˜‚๐—น๐—ผ
Isinulat ni Angela G. Canonigo

Pangalawang taon ko na sa ASCOT, at dahil sa komplikadong iskedyul, kailangan kong umupa malapit sa eskuwelahan. Mabuti na lang at nakakita ako ng murang kuwarto sa boarding house ni Aling Rosa. Medyo nag-alala ako nang bumulong siya ng, "Sana lang ay magustuhan mo roon...," pero binalewala ko iyon dahil sa kagustuhang makahanap agad ng matutuluyan.

โ€˜Hay naku, kapagod pala maglipat ng mga gamit,โ€™ sabi ko sa aking sarili habang pinupunasan ang mga pawis sa noo.

Bitbit ang aking mabibigat na bagahe, dali-dali akong umakyat sa itaas. Kailangan kong magmadali para makapaglinis pa ako bago magabi.

โ€˜Ito na siguro yung sinasabi ni Aling Rosa,โ€™ sabi ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng lumang pintuan.

Pagbukas ko ng pintuan, bumungad agad sa akin ang dalawang palapag na higaan. Kaya pala mura, may ka-boardmate pala ako. Hindi naman ako nagrereklamo, mas makakatipid nga ako.

Isinara ko ang pinto at sinimulang ayusin ang aking mga gamit sa single bed na tila mas bago. Napansin ko na ang k**a sa kabila ay mayroong nakasampay na manipis na kumot at isang unan na may bakas pa ng pagkakusot, parang may humiga roon k**akailan lamang.

Habang naglilinis, narinig ko ang malakas na yabag mula sa pasilyo.

Dug, dug, dug.

Si Aling Rosa siguro iyon. Baka nakalimutan niyang sabihin na may kasama pala ako.

Kring! Kringโ€ฆโ€ฆ, Kringโ€ฆ!

Biglang tumunog ang aking cellphone. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag ng aking ina.

"Hello, Maโ€”"

Biglang narinig ko ang tunog sa pintuan na unti-unting binubuksan.

Click!

Napatigil ako sa pakikipag-usap sa cellphone.

"Teka lang, Ma, puma*ok ata si Aling Rosa."

โ€œAling Rosa? May nakalimutan po ba kayo?โ€ tanong ko, habang unti-unting lumalapit sa pinto. Inasahan kong makikita ko ang matanda.

Ngunit pagdating ko sa pinto, isang babae na kasing-edad ko ang nakita ko, hindi si Aling Rosa. Nagulat ako. Ang babae ay matangkad, may mahaba at itim na buhok na tumatakip sa bahagi ng kanyang mukha, at nakasuot ng oversized na hoodie kahit mainit. Ang kanyang mga mata ay tila kulang sa liwanag, at may bitbit siyang isang lumang aklat na tila notebook at isang manipis na supot.

Kinabahan ako. Parang ang tahimik niya. Wala man lang bakas ng ngiti sa kanyang mukha.

โ€œIkaw ba ang makakasama ko dito?โ€ Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. โ€œAko si Tessaโ€ฆ ikaw?โ€

โ€œSofia,โ€ sagot niya, ang boses ay tila isang malambot na bulong na kinuha mula sa hangin. "Pero alam mo na siguro iyon. Nakaukit ang pangalan ko sa tabi ng pinto."

Ano? Nakaukit? Hindi ko naman nakita! Naguluhan ako, ngunit pilit kong pinawi ang pagdududa. "Ah, pasensya na, hindi ko napansin. Akala ko kasi si Aling Rosa ang bumalik."

Walang komento si Sofia. Umupo na lang siya sa kanyang k**a at sinimulang basahin ang kanyang lumang aklat.

Sa mga sumunod na buwan, naging magkaibigan kami ni Sofia. Siya ang naging partner ko sa pag-aaral, kahit napakatahimik niya at laging gabi umuwi. Napapansin ko na pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid, na tila may nakikita sila sa likuran ko. Naiinis ako, pero sinasabi lang ni Sofia na huwag silang pansinin.

Ngunit isang gabi, pag-uwi ko mula sa isang midterm exam, tahimik ang aming silid. Ang k**a ni Sofia ay walang kumot, walang unan, at walang bahid ng taong nagamit. Ang lumang aklat at ang mga gamit na madalas niyang basahin ay wala na rin.

โ€œSofia? Nasaan ka?โ€

Wala. Doon ako nagsimulang mag-alala. Hindi siya aalis nang hindi nagpapaalam.

Tatlong araw siyang hindi nagparamdam. Bumaba ako para tanungin si Aling Rosa. Nagulat ako sa naging reaksiyon niya.

"S-Sofia? Anong pinagsasabi mo, Iha?" tanong niya, at doon na ako nangilabot.

Dahan-dahan niyang sinabi sa akin ang katotohanan: Wala akong kasama sa kuwarto! Nalaman ko na kaya pala ako pinagtitinginan ng mga tao ay dahil lagi nila akong nakikitang nakikipagtawanan sa hangin.

Pagkatapos, inamin ni Aling Rosa ang matagal nang lihim: Ang kuwarto ko ay ang dating inupahan ni Sofia. Tatlong araw matapos siyang magpaalam na aalis, natagpuan siyang nakabitin at patay sa kuwarto.

Hindi ko maintindihan! Kung matagal nang wala si Sofia, sino ang kasama kong nag-aaral at natutulog sa loob ng halos tatlong buwan?

Sa matinding takot, tumakbo ako pabalik sa kuwarto. Pagpa*ok ko, lalo akong nanlamig: may malalim na bakas ng ulo sa k**a ko, at sa gitna ng silid, may bagong lubid na nakabitin at handa nang gamitin.

Bag!

Biglang nagsara ang pinto! Napasigaw ako. May nahulog na lumang libro na tulad ng palaging dala ni Sofia. Nang kunin ko, may papel na nahulog.

Gamit ang tila pulang tinta ay nakasulat: โ€œHuwag kang mag-alala, magkakasama na tayo.โ€

Hindi na ako makalabas. Hindi ko na alam kung ano ang totoo o sino ako. Sigurado akong may kasama ako... at hindi na siya aalis.
Nagsimulang magpatay-sindi ang ilaw, lumakas ang hangin na tila ba may bagyo, maging ang pinto ay bumukas-sara.

Bag!

Kasabay ng tuluyang pagsara ng pinto ay ang pagkawala ng ilaw.
Biglang may malamig na k**ay ang humawak sa balikat ko.

โ€œAhhhhhhhhhhhh!โ€ Napasigaw ako nang sobra sa matinding takot.

โ€œLa... la... Lola! Gising!โ€ Malakas na ayog ang naramdaman ko sa balikat ko.

Pagmulat ng mga mata ko ay nakita ko kaagad ang aking apo sa gilid ng aking k**a. Malamig na pawis ang naramdaman ko sa aking katawan.

โ€œLola, kanina pa po kita ginigising. May babae sa labas, nagtatanong kung magkano daw ang upa sa isang buwan.โ€

Dali-dali kong binuksan ang pintuan.

"Good morning po, Aling Rosa! Ako po si Sofia." Masayang bati ng dalaga.

Tumaas ang mga balahibo sa katawan ko. Sa sobrang gulat ay walang lumalabas na boses sa mga labi ko. Hindi ako makagalaw, nagsisimulang sumikip ang dibdib ko hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid ko.

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ข๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎNi: EychivesInilapat ni Leah Arguezaโ€œOro, plata, mata, oro, plata, mata, oro-โ€โ€œItigil mo ...
01/11/2025

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ข๐—ฟ๐—ผ, ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ, ๐—บ๐—ฎ๐˜๐—ฎ
Ni: Eychives
Inilapat ni Leah Argueza

โ€œOro, plata, mata, oro, plata, mata, oro-โ€
โ€œItigil mo nga โ€˜yan, nangingilo ako. Paulit-ulit ka.โ€

Lumingon ako kay Odracir, ang kaibigan kong kasabay kong puma*ok. Sa hagdan pa-engineering kami dumaan dahil naroon ang room ng ilang section ng tourism students. Pwede naman kaming magsakay pero nasasayangan ako.

โ€œOro, plata, mata, oro-โ€
Napairap ako nang ipagpatuloy niya ang ginagawa. Hindi ko pa rin maintindihan ang ginagawa niya, madalas siyang ganโ€™yan sa mga hagdanan na nadadaanan namin. Hinayaan ko nalang naman ang lalaking kaibigan, libangan niya marahil โ€˜yan at unti-unti na rin akong nasasanay.

Natanaw ko ang ikalawang bench sa taas, hingal na hingal ako nang tignan siya. Ayos pa rin naman ang buhok niya at gwapo pa rin sa suot naming beige na uniform.

Sana all!
Samantalang ako ay hulas na hulas na at kaunting nananakit ang paa sa suot na heels.

โ€œOro.โ€
Dalawang hakbang nalang kami nang marinig ko ulit siyang banggitin iyon. Bumagal ang paghakbang niya.

โ€œPlata.โ€

Pawis na pawis ang mukha naming dalawa.

โ€œMata!โ€ puno ng enerhiya kong sabi at ngumiti dahil alam ko na na iyon ang susunod.

Gulat na gulat ako nang makitang nanlalaki ang mata niya.

โ€œMalas, Elcid!โ€ kabadong sabi niya saโ€™kin .
โ€œHa?โ€
โ€œMamalasin ang eskwelahang ito.โ€

Tumawa ako at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

โ€œOo, malas, dahil late na tayo!โ€ hinawakan ko ang k**ay niya at tumakbo sa room namin.

Kinalimutan ko na rin ang sinabi niya tungkol sa malas na iyan.

โ€œGuys, wala raw pa*ok! May nahulog sa hagdan pa-engineering!โ€

Sabay-sabay kaming napalingon kay Sheena, ang chismosa ng TM -1A. Napakunot ang noo ko nang makita si Odracir na nakakuyom ang k**ay. Tila galit.

โ€œHuy teh, okay ka lang?โ€
โ€œSabi ko saโ€™yo, mamalasin tayong lahat eh.โ€

Naguluhan ako pero hinayaan ko nalang siya. Madalas naman ay hindi ko naiintindihan ang mga pinagsasabi niya. Sa ngayon ay masaya ako dahil wala kaming recitation.

โ€œSalpukan ng dalawang motorista pababa galing sa taas ng engineering, patay!โ€ pagbasa ni Aleli sa screen ng kanโ€™yang cellphone.

โ€œOMG! TOTOO BA ITO?โ€

Nagulat ako sa sigaw ni Aleli, ang ka-boardmate ko. Pinaulit ko ang sinabi niya dahil hindi ako makapaniwala sa balita. Kahapon ay may nahulog sa hagdan, ngayon ay sa daan naman? At hindi lang isa.

Bumilis ang tibok ng puso ko at naalala ang sinabi ng kaibigan ng mga lumipas na araw.

โ€œBaka coincidence lang namanโ€ฆโ€ pagkumbinsi sa sarili.

โ€œGuys, may patay daw sa ilog! IT student!โ€

Naglalakad kami ng mga kaklase ko pababa sa hagdan dahil tapos na ang aming 3-5pm class galing second floor ng GenEd building nang marinig namin iyon sa mga Educ students na nagkukumpulan sa lobby.

โ€œNapaโ€™no?โ€ pakikiusyoso ng mga kaklase ko.
โ€œSinaksak daw.โ€

Bumilis ang tibok ng puso ko. Puro patayan at k**alasan nga ang nangyayari ngayon. Lumipad ang tingin ko kay Odracir na nagnga-ngatngat ng kuko sa tabi ko. Ayokong isiping may kinalaman siya.

โ€œHoy, hindi ka naman pumapatay ano?โ€

Hinila ko ang damit niya at ipinunta siya sa gilid.

โ€œSinabihan na kita, mamalasin ang eskwelahan natin dahil sa pagkakagawa ng hagdan.โ€

Napakunot ang noo ko.

โ€œPaanong dahil sa hagdan?!โ€
โ€œOro, plata, mata.โ€

Naguguluhan akong tumingin sa kanโ€™ya, natatangahan ako sa ideya.

โ€œHalika, tignan mo.โ€

Ipinunta niya ako sa hagdan ng lobby papuntang second floor.

โ€œMata.โ€ pagtapak namin sa pinakataas ay iyon ang saktong salita.

Hinila niya ako ulit sa hagdan malapit sa canteen paangat ng School of IT.

โ€œMata.โ€ doon muli sumakto ang huling hakbang.

Hindi siya nakuntento, tumaas kami sa ICTU gamit ang hagdan at sa mata rin natapat na salita ang huling hakbang.

โ€œTeka nga! Napapagod na ako, eh ano naman kung sa mata tumatapat ang huling hakbang sa pinakataas?!โ€

Masamang tingin ang ibinato ko sa kanโ€™ya, palagay koโ€™y pinagti-tripan niya lang ako. Saka madilim na!

โ€œHindi mo ba alam ang mga pamahiin? Oro, ibig sabihin noon ay gold, in general kaginhawaan. Ang plata naman ay silver, swerte pa rin. At ang mata ay death. Kamalasan, k**atayan.โ€

Bumilis ang tibok ng puso ko, bakit nga kaya puro mata ang huling hakbang ng lahat ng hagdan sa school na ito?

โ€œDahil ba roon kaya sunod-sunod ang pagk**atay ng mga estudyante?โ€

โ€œHindi ko alam kung tama ako, pero dahil Chinese ako, naniniwala ako. Kailangan madagdagan ang steps ng mga hagdan dito para matanggal ang k**alasan.โ€

โ€œPaano mo gagawin iyon?โ€ tinignan ko ang kaibigan.

โ€œLetโ€™s talk with the Director.โ€

โ€œSubukan moโ€ฆโ€

Nasa unang hakbang siya pababa nang lumingon siya saโ€™kin.

โ€œAnong-!โ€

Napangiti ako nang makita siyang gumulong pababa sa hagdan. Tumama ang ulo niya at duguan ang muka nang sundan ko.

โ€œPakielamero ka kasi eh.โ€

Kinuha ko ang nagriring na cellphone sa bulsa at napangiti nang makita ang papa kong tumatawag.

โ€œYes pa, sisiguraduhin kong wala ng papa*ok sa eskwelahan naโ€™to, ipaghihiganti ko ang kapatid kong nawala dahil sa kapabayaan nila.โ€

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ฎIsinulat ni Alexandra ReyesInilapat ni Charlou SindacMalalim na ang gabi ngunit patuloy ...
01/11/2025

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ฆ๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ฎ
Isinulat ni Alexandra Reyes
Inilapat ni Charlou Sindac

Malalim na ang gabi ngunit patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Napakalakas nito at bawat patak ay tila ba mararamdaman mo. Malamig din ang ihip ng hangin, kaya isinara ko ang mga bintana ng bahay.

Mag-isa lamang ako at walang ibang kasama.

Matutulog na sana ako. Nakakaantok kasi ang panahon ngayon, pero naalala kong may quiz ako bukas. Kaya, kahit labag sa loob, kinuha ko ang mga gamit ko, inilapag sa mesa, at naupo.

Palalim nan ang palalim ang gabi, ngunit hindi pa rin ako tapos. Nakailang hikab na ako, parang hindi na tumatalab ang ininom kong kape, pero hindi pa ako pwedeng matulog.

Ringโ€ฆ Ringโ€ฆ Ringโ€ฆ

Muntik akong mapatalon sa gulat nang tumunog ang telepono ko. Para bang biglang nawala ang antok sa katawan ko, Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang pangalan sa screen sa telepono ko.

Mamaโ€”Incoming Call

Parang unti-unting nawalang ng dugo ang katawan ko nang makita ko iyon. Nanlalamig ang mga k**ay ko, nanginginig, at namamawis. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso koโ€”parang hinahabol ako ng a*o.

Paano ito nangyari? Matagal na siyang patay.

Nalilito man at nangangamba, kinuha ko ang telepono sa mesa.
โ€œH-helloโ€ฆโ€ nag-aalinlangan man, sinagot ko pa rin iyon. Walang sumagot. Ngunit sabay sa ulan, sumisingit ang mahina โ€˜sshhโ€”krrrโ€”sshhโ€™ sa linya, paulit-ulit. Sa pagitan ng ugong na iyon, may boses na sumisingit.

โ€œAnakโ€ฆ madilim dito. Hindi ko mahanap ang daan.โ€

Biglang nanindig ang mga balahibo ko, boses iyon ni Mama. Puno man ng pag-aalinlangan, binabalot man ng takot, sinagot ko iyon.

โ€œMama? Nasaan ka?โ€

โ€œNasa kalsada akoโ€ฆ malamig.โ€ Tila galing pa sa kailaliman ng lupa ang lamig ng kaniyang boses. Ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga kahit mula pa sa kabilang linyaโ€”parang nalalagutan ng hininga.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naninigas ako sa kinauupuan, tanging mga mata ko lamang ang naiilibot ko sa paligid. Napatingin ako sa picture frame naming mag-ina, nasa harap ko lamang ito. May kakaiba rito. Tila gumagalaw ang mga anino namin doon. Gusto kong tumayo, pero parang may mga k**ay na nakahawak sa aking mga paa. Pilit akong nagpupumiglas, kasabay ng pagpatay-sindi ng ilaw. Kasabay ng pagkaalis ko sa upuan ay ang tuluyang pagkawala ng ilaw. Ang ilaw mula sa telepono ko nalang ang natitirang Liwanag. Ngunit sa kabilang linya, naroon pa rin si Mama.

โ€œAnak, huwag kang lalabas, Dโ€™yan ka lang!โ€

Inilayo ko na ang telepono sa tainga, ngunit malakas pa rin ang boses niya. Nakakapanlamig.

Wala na ang ulan, ngunit mula sa labas, may narinig akong sirena ng ambulansya at pulis. Takot man, sumilip pa rin ako sa bintana.
Mula roon, tanaw ko ang namumulang ilaw ng ambulansya. May aksidenteng nangyari. Isang wasak na motorsiklo. Katabi nito ay ang isang babaeng nakahandusayโ€ฆ at isang telepono. Maliban doon, may isang matandang babae ang nagpupumilit lumapit sa bangkay, umiiyak, tila nawawala sa sarili.

Sa kabilang linya, muli kong narinig ang boses ni Mama, paos at tila nauubusan ng hangin.

โ€œNakita kitaโ€ฆ huwag kang aalisโ€ฆโ€ Sa sobrang takot, nabitawan ko ang telepono. Ngunit tuloy-tuloy pa rin ang tawag. Habang lumalakas ang ingay ng ambulansya, naririnig ko din ang isang mahinang bulong.

โ€œAnakโ€ฆโ€

Nanghihina man ang boses sa kabilang linya, ngunit diresto naman sa tenga ang kanyang salita. At para bang nanghina na lamang ako dito. Nanginginig, umiikot ang paningin, at naghahabol ng hininga. Pakiramdam ko naninigas ang aking katawan. Kasabay ng pagbagsak ko ay ang paglamon sa akin ng dilim.

Kinaumagahan, nagising ako mula sa ingay ng telepono sa mesa.

May tumatawag.

Rinaโ€”Incoming Call

Napahinto ako. Malamig na hangin ang biglang bumalot sa paligid. Matagal nang wala ang anak ko.

Nanginginig ang k**ay kong sinagot ang tawag. โ€œH-helloโ€ฆ?โ€

โ€œMamaโ€ฆ madilim dito.โ€

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟBy: Pixโ€ขElleLayout by Rod CastilloI was walking past this store when a poster caught my...
01/11/2025

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—›๐—ฎ๐˜‚๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—ฃ๐—ผ๐˜€๐˜๐—ฒ๐—ฟ
By: Pixโ€ขElle
Layout by Rod Castillo

I was walking past this store when a poster caught my attention. It was a bright green poster. The figure projects a big lively smile showing its pearl-like teeth, big round eyes that seem magical, and a luxurious cloth with a black bow tie. Out of curiosity, I walk near it to have a clear look since the ray of light made some part of it shiny from afar. I was fazed, I was taken aback, I trembled. The figure clearly shows rough green skin, a stone-like texture that seems like hard to give a scratch. Its teeth were sharp, ready to chomp everything that interfered with its way. That smile gives me a hint of what its real intention was. Surely, that will create another chaos where people will be pushed more on the edge of the cliff. The trauma emerge again. Those ghosts will start to spread terror again. If I were asked, "What kind of ghost haunts you the most?" then I'll answer "Ghost Projects". That figure was one of them, from the bastion of greed. Condemn those thick-faced people who only think for themselves, punish those who steps on human rights, and perish those who think for the good of none.

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ปIsinulat ni Clarissa RotugalInilapat ni Samson Sapon, Jr.โ€œYssa!โ€Malumanay ang tawag. Pa...
01/11/2025

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—›๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ด ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ป
Isinulat ni Clarissa Rotugal
Inilapat ni Samson Sapon, Jr.

โ€œYssa!โ€

Malumanay ang tawag. Pamilyar.
Napalinga ako, pero nanatili ang atensyon ko sa cellphone.
โ€œOh?โ€ sagot ko, hindi inaalis ang daliri ko sa screen.

โ€œSinong tumawag saโ€™kin?โ€ tanong ko sa kapatid kong nandoon din sa sala.

โ€œHa? Wala naman,โ€ sagot niya, sabay balik sa panonood.

Pinagsawalang-bahala ko. Baka pagod lang ako o niloloko ako ng isip ko.
Pero paulit-ulit na itong nangyayari โ€” tawag na walang pinanggagalingan,
boses na walang katawang tumatawag.

Kaya naisip ko: Siguro wag ko na agad sinasagot kapag may tumatawag sa pangalan ko.

Alas-kwatro ng madaling araw, nagising ako sa boses ng lola ko.

โ€œMay tumatawag daw saโ€™yo sa labas,โ€ sabi niya.
โ€œSino namang maghahanap ng ganito kaaga?โ€ bulong ko.

โ€œAte Yssaโ€ฆโ€
Haplos ng hangin ang boses na iyon, parang nanggagaling sa likod ng pinto.

Napabangon ako.
Baka kapitbahay?
Baka emergency?

Dahan-dahan kong binuksan ang pintoโ€ฆ

Ssshhhhhh
Malamig na hangin ang bumulaga.
Tahimik at madilim ang labas.

Walang tao.

Bigla akong kinilabutan.
Mabilis kong isinara ang pinto.
at doon ko pala siya pinapa*ok.
Isang nilalang na matagal nang humihingi ng pahintulot.
At ako mismo ang nagbukas.

Mula noon, sunod-sunod na ang kababalaghan.
Gamit sa kusina na nag-iingay sa hatinggabi.
Parang may naghahagilap ng makakain.

Haplos sa ulo ko tuwing gabi,
para bang may nagpapatulog sa akin.
Malamig. Mabigat.
Hindi tao.

Ang pinsan kong nakikitira noonโ€ฆ
lumipat na sa tito ko.
Hindi na daw niya kaya, gabi-gabi siyang nananaginip na may babaeng
pumapatong sa kanya.
Humihigpit ang leegโ€ฆ
hanggang sa halos hindi na siya makahinga.

At ako?
Gabi-gabi, mas lumalapit ang haplos.
Mas nagiging buo ang boses.
Laking pasasalamat ko na mag kokolehiyo na ako at lilipat na ng tinitirhan.
Lumipat ako sa boarding house para makaiwas.
Para matapos na.

Pero isang gabiโ€ฆ

"Yssa may naghahanap sayo sa pinto" malumay na sabi ng lola ko
"Sino namang-" ng lola ko?
Noon ko na pagtanto na hindi si lola ang gumising saakin noon.

Isang boses, boses na di dapat sinasagot
Tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ang pag iyak ko.
Pero maya maya pa kumatok na siya

Tok! Tok! Tok!

"Yssa!" malumanay nung una, palakas ng palakas kasabay ng malalakas na pag katok.
Sino ba siya? Bakit alam niya ang pangalan ko?

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ง๐—”๐—ž๐—ข๐—ง ๐—ฃ๐—” ๐—ฅ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—ง๐—จ๐—ช๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—š ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—•๐—”๐—ž๐—” ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—œ ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ญ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—” ๐—”๐—ง...
01/11/2025

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ง๐—”๐—ž๐—ข๐—ง ๐—ฃ๐—” ๐—ฅ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ข๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—ข ๐—ก๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—ง๐—จ๐—ช๐—œ๐—ก๐—š ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—š ๐—ก๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—ข๐—š ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—ช๐—”๐—ก ๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐—•๐—”๐—ž๐—” ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ž ๐—ก๐—” ๐—ฆ๐—œ ๐—˜๐—Ÿ๐—œ๐—ญ๐—”๐—ฅ๐—ฌ๐—” ๐—”๐—ง...
Isinulat ni Mark Villoria
Inilapat ni Jayper Manubay

"Travel by foot," tuwing naririnig ko 'yan, tumatayo kaagad ang balahibo ko. Naalala ko kasi 'yung kuwento ni Lola tungkol sa isang dalagaโ€”si Elizarya.

November 1943. Noong bata pa raw sila Lola, siguro mga 12 years old siya, panahon ng Haponesโ€”si Elizarya (22) ang pinaka-maganda sa kanilang baryo. Pero kahit gaano siya kaganda, hindi siya nakaligtas na makaranas ng lahat ng hirap at karahasan ng mga mananakop.

Wala naman daw sa awra ni Elizarya na matigas ang ulo dahil sobrang uliran na anak nito at ni-hindi makabasag-pinggan. Pero noong gabing iyon ng Nobyembre. Alas-siyete na ng gabi. Lampas curfew. Sa pag-aalala na baka magaya ang kaniyang ama sa sinapit ng kaniyang ina, hindi na nakapag-timpi ang dalaga kung kaya't kahit may batas na bawal lumabas pagsapit ng alas-sais, lumabas pa rin ang dalaga.

Sa kasamaang-palad, agad siyang nahuli ng mga Hapones at ikinadena sa silong ng manggaโ€”sa gilid ng aming munisipyo ngayonโ€”sa plaza. Sa sobrang tahimik daw ng baryo noong 1943 pagpatak ng alas-sais ng gabi, rinig na rinig daw ang bawat putukan ng baril at sigawan at iyakan ng mga nahuhuling kalalakihan at kababaihan.

Ayon sa kuwento, sigaw raw nang sigaw si Elizarya noong gabing iyon dahil alam niya na p@gs@samant@lahan at p@p@tayin siya kasama ang tatlong dalaga na ikinadena rin kasama niya. Kaya pinilit niyang tumakas. Ngunit kahit anong gawin niya, masiyadong matibay ang bakal na kadena at 'di basta-basta mapuputol lalo at wala siyang lagari o kahit na anong gamit para maputol ito ng mabilisan.

Kaya naman, noong makakita ang dalaga ng sanga, nagawa niya ang nakadudurog ng puso ngunit brutal na tagpo sa kaniyang buhayโ€”pagputol sa sariling paa!

Kahit sobrang sakit at ik**atay pa niya, pinaghiwalay ni Elizarya ang l@man ng kaniyang binti at paa nang tuluyan na itong maputol at maalis ang kadena. At gamit din ang sanga ng mangga, unti-unti siyang tumayo at paika-ikang lumakad papunta sa paalis na kariton na punong-puno ng pambentang niyog (coconut). Ngunit bago raw niya iniwan ang paa, may inulit-ulit at inuulit-ulit siyang sabihin habang iyak nang iyak:

"Te maldigo, gente japonesa, y regresarรฉ y regresarรฉ, y cobrarรฉ vidas por el sacrificio de mis pies. Te maldigo, gente japonesa, y regresarรฉ y regresarรฉ, y cobrarรฉ vidas por el sacrificio de mis pies. Te maldigo, gente japonesa, y regresarรฉ y regresarรฉ, y cobrarรฉ vidas por el sacrificio de mis pies."

Noong nakarating ang magbubuko sa ika-limang baryo, doon lamang niya nakita ang duguan at walang buhay na dalaga. Inilibing si Elizarya sa baryong iyon, ngunit noong muling hukayin ang kaniyang labi makalipas ang ilang taon upang pa-bendisyunan, wala nang nakitang kahit ano roon.

Ngunit ayon sa mga nakaka-saksi: Naglalakad daw ang multo ni Elizarya gamit lamang ang isa niyang paa at saklay na sangaโ€”pabalik dito sa baryo na pinanggalingan niya. Sa galit daw ng dalaga sa mga Hapones, sumasanib siya kung kani-kanino at lahat daw ng makakasalubong niyang lalaki ay pinuputul@n niya ng , samantalang ang kababaihan naman ay pinuputul@n niya ng binti gamit ang sanga ng manggaโ€”sa pag-aakalang maipapalit niya ang mga paang iyon sa kaniyang naputol na paa.

Hanggang ngayon, naririnig pa rin namin ang sigaw ni Elizarya sa malayo. Kaya simula noong napakinggan ko ang totoong kuwento ni Lola noong bata pa siya, hindi na ako nagpapakalat-kalat sa labas lalo kapag gabi na. Sapagkat hanggang ngayon, takot pa rin ang baryo namin na makasalubong si Elizarya, literal na 'travel by foot'โ€”multong pumuputol ng paa!

BWAHAHAHAHAHA! [Elizarya's devil laugh].

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ?Isinulat ni Clarissa RotugalSa Hapag-KainanTahimik ang lahat.Masarap magluto ng sarsyad...
01/11/2025

๐—จ๐—ก๐——๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—˜๐—–๐—œ๐—”๐—Ÿ๐—ฆ | ๐—ก๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ถ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฟ?
Isinulat ni Clarissa Rotugal

Sa Hapag-Kainan
Tahimik ang lahat.
Masarap magluto ng sarsyado si Mama, pero wala ni isa sa amin ang gustong sumandok. Nandoon lang kami, nakaupo, nag-iisip kung paano namin aaliwin si Kuya.

Halos dalawang linggo na rin mula nang makumpirmang nawawala si Ate Maricar. Tatlong taon na silang magkasintahan ni Kuya, at parang pamilya na rin ang turing namin sa kanya. Kahit dumaan sila sa ibaโ€™t ibang pagsubok, lagi nilang napagtatagumpayan iyon โ€” kabilang na ang matinding pagtutol ni Papa sa relasyon nila.

Napabayaan daw ni Kuya ang pag-aaral, at natatakot si Papa dahil siya lang ang inaasahan naming makapag-aahon sa amin sa hirap.

Pero tuluyang gumuho ang mundo ni Kuya nang mabalitaang nawawala si Ate Maricar.

โ€œDiarah, tawagin mo na ang Kuya mo,โ€ sabi ni Mama.

Tumayo agad ako at dumiretso sa kwarto ni Kuya.

Sinalubong ako ng pinagsamang amoy ng bulok na pagkain, pawis, at pabango ni Ate Maricar.
โ€œKuya, kakain na raw,โ€ sabi ko sa kapatid kong nakaupo sa harap ng study table.

Hindi siya kumibo.

โ€œKuya!โ€
โ€œKuya, kakain na raw sabi ni Mama,โ€ ulit ko.
Wala pa ring tugon.

โ€œKuyaโ€”โ€
Bigla siyang nagtakip ng tenga.

Lumapit ako sa kanya.
Hahawakan ko sana ang balikat niya para i-comfort siya, pero tumayo siya bigla.
Tumingin siya sa akinโ€”matatalim ang mga mata, parang hindi na siya si Kuya.

Dinampot niya ang kutsilyong nababalutan ng tuyong pulang likido.
Natigilan ako.
Akala ko, sasaktan niya ako.
Pero lumabas siya ng kwarto at diretso sa kusina.

At doon, nagsimula ang kagimbal-gimbal na tagpo.

Sumigaw siya habang pinasasaksak ang mga naaagnas na katawan namin na nakahilera sa mesa.

โ€œPatay na kayo! Makakasama ko na si Maricar! Tigilan niyo na kami!โ€

Pagkatapos noon, bumalik siya sa kwarto.
At mula roon, narinig ko ang mahihinang hikbi ni Ate Maricarโ€”nakatali sa isang sulok, nanginginig.

Lumapit si Kuya sa kanya, banayad ang boses.

โ€œShhh... shhh... hindi na nila tayo mapaghiwalay.

INKTOBER 2025 DAY 18-31---Cartoons by Third Tenorio, Jamesdh, Amae Orgas, Aldrin Abitong, Gualbert Farro, Adrian Miras a...
01/11/2025

INKTOBER 2025 DAY 18-31
---
Cartoons by Third Tenorio, Jamesdh, Amae Orgas, Aldrin Abitong, Gualbert Farro, Adrian Miras and Meinard Tesorero
---

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ฝ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐˜Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Ind...
30/10/2025

๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ ๐—™๐—˜๐—”๐—ง๐—จ๐—ฅ๐—˜ | ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ธ๐—ฝ๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ธ๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—น๐—ฎ๐—ป: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐˜‚๐—ฝ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐—ผ๐˜

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Indigenous Peoplesโ€™ Month, binigyang-pugay ng mga ASCOTian ang mayamang kultura ng mga katutubo sa pamamagitan ng ika-apat na serye ng Batis ng Edukasyon at Yaman ng Aurora (BEYA) Public Forum, na ginanap noong Oktubre 28, 2025, sa Ermita Hill, ASCOT Zabali, Baler, Aurora.
---
Words by Ara Canonigo
Layout by Adrian Miras
Photo Courtesy of Project Katutubong Filipino and Chefadora

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ| ๐—ž๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ ๐—ช๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜†: ๐—•๐—ฃ๐—˜๐—ฑ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐——๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—ฎ๐—ฒ๐—ธ๐˜„๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฎThe Flyweight Division was do...
28/10/2025

๐—ฆ๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—ฆ ๐—ก๐—˜๐—ช๐—ฆ| ๐—ž๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—ต๐—ฒ๐—ถ๐—ฟ ๐—ช๐—ฎ๐˜† ๐˜๐—ผ ๐—š๐—น๐—ผ๐—ฟ๐˜†: ๐—•๐—ฃ๐—˜๐—ฑ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€ ๐——๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ฒ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—”๐—•๐—”๐—ฅ๐—ญ๐—ข๐—ก ๐—ง๐—ฎ๐—ฒ๐—ธ๐˜„๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ผ ๐—”๐—ฟ๐—ฒ๐—ป๐—ฎ

The Flyweight Division was dominated by Floresca Mae Barrameda, and Kyorugi was dominated by Dhon Isaac Gaspar. Both fighters displayed not only skill and accuracy but also the kind of tenacity that distinguishes real champions.

Barrameda described her win as โ€œsuper unexpectedโ€ and said it brought her immense joy. She shared that her preparation involved daily jogging, training, and strict discipline. โ€œI listened to the advice of my trainers and stayed consistent,โ€ she said. Barrameda credited her parents, coaches, and teammates for motivating her, adding, โ€œSuper happy po lalo na po nakita ko na yung instructor ko and my schoolmates na proud po sakin.โ€

Gaspar expressed deep fulfillment after earning his title. โ€œIt brings me joy I never felt before; it tells me to keep improving,โ€ he said. He emphasized that consistent training, proper diet, and discipline played vital roles in his success. Gaspar also acknowledged the support of his family, friends, teammates, and girlfriend, saying his โ€œurge and will to make everyone proudโ€ kept him motivated.

Their successes are evidence of dedication to excellence, where hard work fortifies dreams and determination meets guidance. The perseverance, integrity, and passion that are ingrained in the School of Education are reflected in the spirit that they brought to the arena.

---

Words by Justhine Cabugna*on
Photo Source: Student Congress of Physical Education page

Address

ASCOT Zabali Campus
Baler
3200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Voice of the Sierra - ASCOT posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to The Voice of the Sierra - ASCOT:

Share

Category

โ€œMARKAโ€

Send your entry now!!