08/06/2023
"Buhay Promoter, Front Liners at Customer"
Pagpasok ni customer, sa pagbati'y nag uunahan ang mga promoter
"yes mam/sir perfect day po vivo smartphone" ang sa vivo ay isinisigaw, na katropa ni Stephen Curry ng bayan.
"Yes maam Oppo Camera Phone" ang pagbati ni Oppo, Na dual selfie camera ang pambato.
"Hello maam Great Samsung Morning" naman ang pagbati ni promoter na "capture the night" ang tagline.
Paniguradong di mawawala ang pagbati ni Huawei "na Signal Provider" ang binibida.
"LG maam the Quality brand" na animo'y pinataob ang lahat ng brand.
At syempre, magpapahuli ba naman ang ating kasanggang financial, na mas na uuna pa sa pagbati kesa sa promoter ng bayan. "Home Credit po maam" na ang sinisigaw ay "2 valid ids" lang ang kailangan.
Sa loob ng silid, lahat ay magpupumilit
Walang titigil hanggang sa ito'y maangkin
Mas maganda ito, mas mataas ito, at mas kilala ito maam.
Mga katagang pina-ikot-ikot mu lang
Na kung magdemo ay walang pangit sa iyong brand.
At ito namang si customer, nasabi mu na lahat, iba padin hinahanap.
Paglipat ni customer sa panel ng kalaban
Ilang dasal na sana'y magbalik nalang
Ngunit minsa'y kaylupit ng kapalaran
At "sayang" nalang sa isip ay paulit-ulit na nagdaraan pag ito'y kanyang nabentahan.
Sa araw-araw na nagdaan
Kabisado na ang mga taong bayan
Yan tuloy, mga customer ay may pangalan
Papasok ang isa, susunod ang pangalawa
Titingin at di magsasalita, na parang walang nag-aasist sa kanila
"JLO" na just looking lang pala.
Merun ding kung umasta ay parang bibili na
Na akala mu ay punong-puno ng pera ang wallet niya
At ikaw naman ay nabuhayan na baka kukuha na siya
Pero sa bandang huli, "McArthur" lang pala siya. Balik ako bukas iha. Mga katagang iniwanan niya.
Eh si customer na manghang-mangha
Sa pagkakademo mu ay natulala
Na para bang walang ibang maganda maliban sa iyong ipinakita
Nasabi na lahat, kulay nalang ang wala
Nang sabihin niyang, "withdraw lang ako iha".
Aba dalawang oras na, wala padin siya.
"Na-ninja moves ka na pala" dahil nasa ibang store na siya.
At syempre di mawawala ang mga taga "NLU" na kahit tatlong ulit na ay di parin maview.
Pero dahil sure buyer ito. Kahit gaano kalabo
Di mu parin bibitawan hanggang sa maclosed deal mo ito.
May flyers kayo? Ang tanong ni sir
At ika'y nagbigay kahit computation
Text ka lang sir kung ika'y may tanong
Andito ang aking pangalan at phone number
Pagdating sa bahay hinarap ang cellphone
At ika'y may text galing kay sir.
"Dear Teaxtmate" pala ang hanap ni sir.
Pagkaraan ng ilang araw, at iyong matutunghayan.
Pagbabalik ni customer na iyong nabentahan.
Ganito ganyan, ganito ganyan.
Inahing ng iyong mahal na madam
Chineck mu na lahat pero wala naman.
Bukas siya'y nandyan na naman.
Ngunit isa lang ang kanyang dahilan
E aba, matatalo mu ba ang mga taga "UP Diliman" kung ang problema mismo ay nasa paggamit niya naman.
At kadalasan sa araw-araw na nagdaan
Merun akong nalaman, na bagong pangalan.
Si customer na "observe silence" ang peg lang naman
Na animo'y tupa na pumasok nalang
Binati mu na ay lalagpasan ka lang.
Susundan mu pa ay iiwasan ka lang.
Load lang pala ang kailangan.
Iba't-ibang uri ng customers
Isa lang ang gusto naming mga promoters
Ang makabenta at makakota
Nang makahanap ng sapat na barya.
minsan may mas masakit pa...
my mga client na nangakong babalikan ka,tutupad nmn cya pero may promoter ng kasama๐๐
meron pang isa ung tipong napa oo mo na ngunit sasabihin id nya ay iisa,o di kayay kompleto nga binigyan k ng pag asa pero pagkalipas ng ilang sandali marereject lng pala๐
!telco