
19/05/2025
"Dati, Ako 'Yung Nagseserve. Ngayon, Ako 'Yung Customer." 🍜✨
Share ko lang mga ka-Hugod…
Kumain ako kanina kasama yung Girlfriend ko bandang hapon sa dati kong trabaho—isa sa mga kilalang Japanese Restaurant.
Habang kumakain ako, bumalik bigla lahat ng alaala.
Ako dati 'yung Barman at Food Checker doon.
Ako 'yung nagpapalabas ng pagkain.
Ako 'yung nagsisiguro na kompleto ang orders.
At ako 'yung nakatingin habang sunod-sunod ang mga pagkaing mamahalin na inaabot sa mesa ng mga customers.
Natatandaan ko pa 'yung mga moments na tahimik lang akong nag-iisip habang nasa likod ng bar.
"Grabe, ang laki ng bill nila..."
"Pero sakto lang sa kanila, parang wala lang."
"Ako kaya? Kelan kaya ako uupo sa ganitong restaurant hindi bilang crew, kundi bilang customer?"
Hindi naman sa naiinggit ako noon, pero nangarap lang ako ng konti pang higit.
Gusto ko ring maranasan 'yung nararanasan nila.
Gusto ko ring makakain sa lugar na dati ay pinapangarap ko lang.
At eto na nga...
Ngayon, hindi na ako naka-uniform.
Hindi na ako nakatayo.
Ako na 'yung nakaupo. Ako na 'yung tinatanong,
"Sir, ready to order na po ba?" 😊
Para sa mga ka-age ko, 21 ka man o mas bata pa, tandaan mo 'to:
👉 Walang masama sa pagiging crew.
👉 Pero hindi rin masama ang mangarap ng higit.
👉 Walang imposible basta may diskarte at determinasyon. 💯
At para sa mga kapwa ko service crew,
Alam ko pagod tayo lagi, kulang sa tulog, kulang sa pahinga... pero never dapat kulang sa pangarap. 💪
Laban lang.
Kahit maliit pa lang ang pagbabago sa buhay mo ngayon,
Kapag pinagsama-sama 'yan araw-araw, lalaki din ang resulta.
Minsan, kailangan mo lang ng konting tapang para maniwala sa sarili mo.
At kapag naranasan mo na 'yung dati mo lang ini-imagine...
Sobrang sarap sa feeling. 😌
Hindi sa niyayabang kundi binabahagi ko lang ang totoong karanasan🙌
🚀
💖