03/10/2025
The DATE is Finally Set,
OCTOBER 12, 2025,
Doña Remedios Trinidad
Highway is scheduled for major road repair by the Department of Public Works and Highways
Region III.
Full Details ⬇
Magandang Araw,
mga ka-CITY.
Kahapon ng umaga ay nagkaroon ng pagpupulong ang ilan sa mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region III office at ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag kasama ang Igg. Mayor Vice Ferdie Estrella
Kung matatandaan ninyo, ay ilang liham na ang naipadala ng ating City Gov't sa DPWH kaugnay ng kahilingan na maisaayos ang mga bahagi ng kalsada sa kahabaan ng Doña Remedios Trinidad (DRT) Highway.
Ayon kay Engr. Lloyd Umali ng DPWH Region III, na kasama sa pulong kanina, aprubado na ang pondo para sa ilang proyekto at natapos na rin ang proseso ng bidding, kaya’t nakatakda na pong simulan ang aktwal na konstruksyon sa darating na October 12, 2025.
Kabilang po sa mga unang bahagi ng proyekto ang rehabilitasyon ng kalsada sa boundary ng Baliwag at San Rafael, gayundin po ang pag-sasaayos ng nasirang aspalto ng Baliwag Flyover.
Dagdag pa ng DPWH, kasama sana sa orihinal na plano ang rehabilitasyon ng bahagi ng kalsada sa tapat ng Chocolate and Berries Hotel sa Brgy. Tarcan. Gayunpaman, hiniling ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag na ilaan na lamang nila ang pondo na iyon upang agad na maisaayos ang matinding sira sa bahagi ng kalsada sa gawi ng Waltermart at Ultramega.
Kaugnay nito, personal na nakapanayam ni MV Ferdie si DPWH Usec. Arrey Perez upang hilingin na mapabilis ang paglipat ng pondo upang agad na maipagawa ang kalsadang ito.
Hindi madali ang maipit sa traffic, maabala sa biyahe, o mahirapan sa pagdaan dahil sa kondisyon ng DRT hiway.
Ginagawa po ng Baliwag City gov't ang lahat ng makakaya para makarating at mabigyang pansin ito ng Pamahalaang Nasyonal.
Ang bawat pagod, abala, at sakripisyong ating pinagdadaanan ay may kapalit na mas ligtas at mas maayos na Lungsod ng Baliwag.
Kaya’t muli,
hinihiling ng ating
Mahal na Mayor Vice FVE ang inyong kooperasyon at sama-samang pagtitiwala.
💚💙