23/09/2025
Mayor Mommy Sonia, bumuo ng Local Audit and Inventory Team para sa mga proyektong pang-imprastruktura ng Pamahalaang Nasyonal
Upang matiyak ang transparency at maayos na pamamahala sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaang nasyonal, nilagdaan ni City Mayor Sonia V. Estrella ang Executive Order No. 063, s. 2025 na lumilikha ng Local Audit and Inventory Team para sa Lungsod ng Baliwag.
Batay sa nasabing Executive Order, ang bagong team ay magsisilbing oversight committee na tututok sa pag-audit at pag-iimbentaryo ng lahat ng proyektong pinopondohan ng pambansang pamahalaan sa lungsod. Titiyakin din nitong maipapaskil at maipapaabot sa publiko ang mga na-audit na proyekto para sa mas malinaw at tapat na pamamahala.
Ang hakbang na ito ay tugon ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag sa mga ulat ng iregularidad sa pagpapatupad ng mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilang lalawigan, partikular na sa Bulacan.
Kaugnay nito, muling iniatas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbabalik ng proseso ng pagkuha ng pahintulot mula sa mga lokal na pamahalaan bago ipatupad ang mga proyektong pinopondohan ng pambansang pamahalaan.
Ang Local Audit and Inventory Team ay pamumunuan ng isang Ad Hoc Committee na kinabibilangan nina:
β’ Enrique V. Tagle, City Administrator
β’ Engr. Noah G. Almario, City Engineering Office
β’ Ailyn D. Bondoc, City Local Government Operations Officer β DILG
β’ Rhea Diana Payuran, City Accountant
β’ Igg. Andronicus O. Cruz, Chairman - Committee on Public Works
β’ Brgy. Chairman, Concerned Barangay
β’ Engr. Efren C. Manalo, MAP - Coordinator for DPWH Infrastructure
β’ Engr. Precioso D. Punzalan, MBA - Team Leader
β’ Engr. Emmanuel Balicanta - Geodetic Engineer / Former City Councilor
β’ Atty. Mylyn S. Cajucom-Gravador - Commission on Audit
β’ Arch. Roberto Santos - BCTMO
β’ PLTCOL. Danilo Bugay (RET) - BCPOSO
β’ Dr. Diosdado Estimada - Baliuag University
β’ Mr. Marlon Bulanadi - Rotary Club of Baliwag
β’ Mr. John Ervin Nicolas - Rotary Club of Baliwag
Layon ng inisyatibang ito na matiyak ang tamang paggamit ng pondo ng pamahalaang nasyonal at mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga proyektong isinasagawa sa Baliwag.
Ayon kay City Mayor Mommy Sonia V. Estrella, mahalaga ang agarang pagpapatupad ng kautusang ito upang masimulan ang mas mahigpit na pagbabantay at masusing pagsusuri sa mga national infrastructure projects sa lungsod.
From Baliwag City PIO