10/08/2025
NAPILI NA SILA!
Handa na ang mga pluma at matulis na ang mga lapis ng mahigit 30 mamamahayag na Floreskan na susulong sa Clustered Schools Press Conference sa Filipino matapos ang dalawang linggong tagisan ng isip at imahinasyon sa HASAAN 2025: Sanayan sa Pangkampus na Pamamahayag nitong Hulyo 28-Agosto 8.
Mahigit 120 mag-aaral mula Baitang 7โ10 ang nagpamalas ng talino sa serye ng palihan at kompetisyong pampahayagan sa Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Kolum, Artikulong Agham at Teknolohiya, Balitang Pampalakasan, Pagkuha ng Larawang Pampahayagan, Pagguhit ng Kartung Editoryal, at Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita.
Sa bawat kategorya, hinubog ang husay ng mga kabataang mamamahayag sa malinaw, wasto, at makabuluhang paggamit ng Filipino, kasabay ng paglinang ng kritikal na pag-iisip, etika sa pamamahayag, at malasakit sa pamayanan gamit ang kapangyarihan at impluwensiya ng makatao at makabansang dyornalismo.
Nito lamang Agosto 8, kinilala at pinarangalan ang pinakamahuhusay na mag-aaral sa bawat kategorya kasama ang mga g**o sa Filipino at si Punong-g**o Dr. Khristian S. Liwanag na buong-suportang gumabay sa tagumpay ng programa.
Mabuhay sa mga nagwagi at saludo sa lahat ng lumahok.
Patuloy tayong magsalaysay ng totoo at napapanahong kuwento para sa isang makatao at makatarungang bayang Pilipino!