
04/05/2025
CTTO📷
⚠️BREAKING NEWS
: 2 PAT4Y KABILANG ANG 5 TAONG GULANG NA BATA, MARAMING SUGATAN MATAPOS ARARUHIN NG SASAKYAN SA NAIA TERMINAL 1 ⚠️
2 ang nasawi kabilang ang isang 5 taong gulang na batang babae habang maraming mga pasahero ang sugatan matapos araruhin ng isang itim na SUV sa departure area sa NAIA Terminal 1 ngayong umaga, Mayo 4, 2025. Kadalasan sa mga nasugatan ay mga OFWs na paalis na sana sa bansa at mga miyembro ng pamilya nito.
Ayon sa driver ng nasabing SUV na si Leo Gonzales, nakapark na umano ang sasakyan dahil may hinatid siyang pasahero sa terminal nang nataranta ito dahil may tumawid na sasakyan sa kanyang harap kaya sa halip na preno ay selenyador ang natapakan nito kaya humarurot ang sasakyan sa mga tao.