30/03/2025
March is Cerebral Palsy Awareness Month: Mga Posibleng Komplikasyon πβΏοΈ (PART 2)
π’ βMay CP siya, pero bakit parang may ibang kondisyon din?β
βΌοΈ Alam mo bang 40% ng mga batang may CP ay may Autism Spectrum Disorder (ASD)? At halos 60-90% ay may vision impairment tulad ng CVI? βΌοΈ
π Sa PART 1, tinalakay natin ang Cerebral Palsyβano ito, paano ito nagaganap, at ang mga uri nito.
π Ngayon, pag-uusapan natin ang mga posibleng komplikasyon ng CP na madalas hindi agad natutuklasan!
π Tara, palawakin pa natin ang ating kaalaman!
MGA POSIBLENG KOMPLIKASYON NG CEREBRAL PALSY
βοΈ Cortical Visual Impairment (CVI) β (60-90% ng mga batang may CP)
π Ang CVI ay isang uri ng visual impairment kung saan ang utak ay hirap sa pagproseso ng paningin, kahit na normal ang mga mata.( brain-based visual lost)
π Karaniwang sintomas: hindi direktang tumitingin sa bagay, hirap sa pagtutok, mas naiintindihan ang mga maliwanag na kulay, o may fluctuating vision.
π Ayon sa American Association for Pediatric Ophthalmology and Strabismus (AAPOS), ang CVI ang pinaka-karaniwang sanhi ng pagkabulag sa mga batang may neurological conditions tulad ng CP.
π Mahalaga ang tamang visual therapy para ma-maximize ang kakayahan ng bata.
βοΈ Autism Spectrum Disorder (ASD) at Cerebral Palsy β (40% ng may CP ay may ASD rin, ayon sa Autism Speaks at CDC)
π Ang ASD ay isang neurodevelopmental condition na may kaugnayan sa kahirapan sa social interaction, komunikasyon, at repetitive behaviors.
π Ayon sa CDC, mas mataas ang posibilidad ng ASD sa mga batang may CP kumpara sa pangkalahatang populasyon.
π Mga posibleng senyales: Hirap sa eye contact, delayed speech, repetitive movements, o pagiging sobrang sensitive sa tunog at ilaw.
π Maagang diagnosis at therapy ang susi para sa mas maayos na development.
IBA PANG MAAARING MAGING KOMPLIKASYON O HAMON NG MAY CP
π Ayon sa National Institute of Neurological Disorders and Stroke (NINDS), maaaring may kasamang ibang challenges ang CP:
βοΈ Dysphagia (Hirap sa Paglunok at Pagkain) π Maaring magdulot ng malnutrisyon o aspiration pneumonia kung hindi mabibigyan ng tamang feeding therapy.
βοΈ Epilepsy (Seizures - 35-50% ng mga may CP)
π Ang brain damage na nagdulot ng CP ay maaaring magdulot din ng seizure disorder.
βοΈ Scoliosis at Iba Pang Isyu sa Buto
π Dahil sa muscle imbalance, maraming batang may CP ang nagkakaroon ng scoliosis, hip dislocation, o bone deformities.
βοΈ Apektado ang Pagsasalita at Komunikasyon
π 1 sa 4 na may CP ay hindi nagsasalita, kaya mahalaga ang speech therapy at alternative communication methods.
βοΈ Intellectual Disabilities (Sa Ilang Kaso)
π Hindi lahat ng may CP ay may intellectual disability, pero may ilan na nangangailangan ng espesyal na edukasyon at therapy.
π SA TULONG NG TAMANG NUTRISYON, THERAPY, AT SUPORTA, MAAARING MAIWASAN O MAPABUTI ANG MGA KUMPLIKASYON NA ITO!
π‘ Ano ang Magagawa Natin?
π Maagang intervention at therapy ang pinakamahalaga!
π Huwag kalimutan ang tamang nutrisyonβisang malaking factor sa paglakas at pag-unlad ng isang batang may CP!
π Patuloy tayong magbigay ng kaalaman, dahil mas maraming nakakaunawa, mas maraming tutulong!
π’ TAPOS NA ANG CP AWARENESS MONTH, PERO HINDI TAYO TITIGIL SA PAGPAPALAGANAP NG TAMANG IMPORMASYON! π
π¬ Anong natutunan mo sa PART 2? I-comment sa ibaba! β¬οΈ
π I-share natin ito para mas marami pang maging aware!