23/11/2025
Kaunting pang unawa at pa sensya po sana sa ating mga subscribers. Simula pagkatapos ng bagyo, walang tigil na po kaming nag aayos. Umulan umaraw, tuloy ang restoration. minsan abutin pa ng disoras ng gabi. Sa tingin nyo po gugustuhin namin ang araw araw ng gastos sa pasahod, sa materyales, pagkain, gas, atbp.? Please be more compassionate, be more kind. Halos lahat kami sa team may sipon na, yung trinangkaso na. pero tuloy pa rin po ang restoration. As of today, ang expenses namin sa materials at labor umaabot na ng 100k+ Sa mga subscribers naming sumusuporta at nakakaunawa, maraming salamat po. Sa mga hindi naman nakakaintindi, konting pang unawa pa po sana. Lahat po tayo ay na bagyo.