30/08/2025
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ช๐ถ๐ธ๐ฎ, ๐ฃ๐ถ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด๐ธ๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ
Tampok ang mga talento at kulturang Filipino, matagumpay na idinaos ng Kagawarang Pangkolehiyo ng St. Paul College of Ilocos Sur ang pampinid na gawain ng taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika noong Agosto 29, 2025 sa Bishop Frederick Rooker Audi-Gymnasium.
Gabay ng temang โPaglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,โ dinaluhan ang programa ng mga g**o at mag-aaral, bilang pagpapakita ng suporta at pakiiisa sa selebrasyon suot ang ang kanilang mga kasuotang Filipino
Naging bukod-tangi pa ang selebrasyon sa naging pagtatanghal ng mga mag-aaral ng kanilang mga talento sa pag-awit, at pagsayaw na tunay na inabangan at kinasabikan ng bawat Paulenyo. Higit pang nagpasaya sa okasyon ang โPista sa San Pablo: Salusaloโ kung saan sabay-sabay na tinikman ng mga g**o at mag-aaral ang samot-saring pagkaing Pinoy, bilang tanda ng pagkakaisa at pagpapalitaw ng minanang tradisyon ng kasaysayan at diwang Filipino.
Sa huli, ginawaran ng mga sertipiko ng pakilala ang mga nagwagi sa ibaโt ibang patimpalak na isinagawa sa buong buwan ng pagdiriwang.
Pinangunahan ang selebrasyon ng Paulinian Student Teachers Association (PSTA) mula sa Department of Arts and Sciences and Teacher Education (DASTE), sa pamumuno ni Zeph Vincent Alarca, pangulo ng PSTA, sa patnubay ni G. John Eliezer Tacla, tagapayo ng PSTA. Katuwang din ang Paulinian Student Government (PSG) na pinamumunuan ni Kathleen Rocero, pangulo ng PSG, sa patnubay ni G. Michael Martinez, tagapayo ng PSG.
โ๏ธ Princess Kyra Rebula
๐ท Shyrine Mae Ponce, Nexel Prime Quinto, Vivienne Tabarrejo, Jaskarn Singh and Margaret Maliksi