26/12/2024
Late upload na 😅
Pero ayan, naipamigay na namin yung mga groceries galing doon sa kinita natin sa pagbebenta ng t-shirt 😊 (Lunes pa ito)
Ang saya pala gawin nito. Actually siya ( Jevelyn ) talaga may idea na gawin ito kaso ayaw niya naman makita siya sa video 😅
Bali nagstart itong idea na to nung bumili ako ng pandesal sa Emong's sa may gilid ng Dunkin dito sa tapat ng Palengke way back October yon. Galing ako ng trabaho kakababa ko lang ng shuttle.
Medyo may kalakasan na ambon-ambon nung oras na yon. Habang bumibili ako ng pandesal, may lumapit sakin na mag-ina tapos may bitbit pa na isang bata nasa edad 2-3 years old nanghihingi ng barya.
Pinasilong ko sila sa may gilid ng Dunkin' tapos binilihan ko sila ng pandesal nila para may almusal din sila.
After ko sila binigyan ng pandesal, yung mga nakakita sa ginawa ko na bumibili din ng pandesal, binilihan naman sila ng lugaw at ng mga inumin nila. Natuwa lang ako kasi may mga tao parin talaga na nakakaintindi sa mga ganun na kalagayan.
Dun ko rin isa na nakita yung kabutihan ng mga Pilipino. May iba na naghihintay lang ng pagkakataon para makagawa ng mabuti, yung iba naman kailangan lang ng konting push para gawin din nila.
Paguwi ko, kinuwento ko agad to kay misis ko. Naawa siya, sabi niya "Ano kaya pwede natin gawin para makatulong sakanila no"
So hindi siya pumayag na ganon ganon nalang yon.
Dun namin naisip na ipush ko mag-praktis gumawa ng t-shirt gamit silk screen method.
Instead na mamalimos sila, kami nalang yung gagawa ng paraan para hindi na sila manlimos, yung kikitain nalang namin sa pagbebenta ng damit yung ibibigay namin sakanila.
Kaya, maraming salamat sainyong lahat na bumili ng t-shirt namin.
May mga iba na hindi na namin nagawan kasi naubusan na kami ng stock ng damit at sa January na ang resume ng pagrerestock ng supplier ng t-shirt.
Gawin natin ulit sa susunod 😁